Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Pagod
Pimples Ni Baby
Hi mga mommy. Di ko alam kung pimples to o ano ba. 5 months old si baby mag 6 months ngayon June 13. Pure BF po at ang sabon niya Lactacyd Baby Bath. Makapal at mahaba buhok niya kaya akala ko dahil sa buhok lang so palagi kong tinatali. Tapos habang tumatagal dumadami at namumula siya lalo. Naawa ako sa anak ko. Di ko alam kung sa init ba 'to ng panahon, kasi pawisin din siya. Nagpabili na ako ng Cetaphil baby na shampoo and bodywash niya. Help po baka alam niyo kung ano to? Normal ba ito?
Hirap Patulugin
Hi mga Mommies. Yung son ko po 4 months lang kahapon. Ang hirap niya patulugin. Sa araw mga 4 hours lang sleep niya sa duyan. Sa gabi naman kailangan katabi ako tapos nakababad sa dede ko. Pure bf po. Pag pinapasakan ko ng pacifier nagigising gusto niya talaga dede ko. Gusto rin niya nakadapa sa akin pagnatutulog sa gabi kapag pagod na sa kakadede. Naka duyan po siya sa araw. Nagwoworry ako kasi baka may problem siya? Di naman umiiyak na parang may masakit. Di rin ako nagkakape at tea. Puro water lang. Please help po.
Wala Na Mafeel
Na feel niyo na ba? Yung nakaka umay na pagsisinungaling ng partner niyo tapos wala na kayong nararamdaman parang manhid na. At parang unfair lang kasi ikaw honest sa ilang taon tapos siya hindi.
Hindi Pa Dumudumi
My 2 months old po ako na baby boy. Last na dumi niya nung isang araw gabi sobrang dami. Kahapon hanggang ngayong umaga hindi pa siya dumudumi. Na experience niyo po ba ito sa mga anak niyo? Pure breastfeed po.
Cold. Napagod sa Partner
Di ko alam kung ganito rin kayo. 9 years na kami with 2 kids. Kakapanganak ko lang sa 2nd child ko nung December. So yung partner ko gumawa ng something na ayaw ko. Nagyosi siya ng pasikreto, tapos wag daw sabihin sa akin. Kaso sinabi sa akin ng parent niya para ma pagsabihan siya. Nauumay ako mga Momsh and popsh. Parang matagal na kasi issue yun tas wala parang napagod na akong pagsabihan siya or what. Tas wala di ko muna siya kinakausap. Masakit sa puso ko kasi yung "trust" mo sa kanya na break. Hahahaha ewan ko kung oa lang ako or ano ba to post partum depression. Basta sobrang honest ko sa kanya, sobrang bait ko never akong gumawa ng ayaw niya. Tapos siya naman, ang unfair lang for me na ganun. Tapos nahuhurt ako pero wala na akong nararamdaman. Hahahaha basta ganun. Di ko alam kung may naka experience na nito pero nakakapagod. Nag aalaga nalang ako ng mga kids at work.
Menstruation
Ask ko lang mga Momsh. Breastfeeding mom ako, si baby mag 2 months na sa Feb 13. Last week may dugo sa underwear ko parang regla pero super hina tumagal ng 3 days. Normal lang po ba yun?
Kabag
Na try niyo po ba gumamit ng Rest time para sa kabag ni baby? Sobrang kung kabagin baby boy ko 4 weeks old po siya. Naaawa na talaga kami ng husband ko. Kahit padapain namin, hot compress, massage wala epekto. Okay kaya Rest time?
Bakuna
Hi mga mommies. Ask ko lang diba libre naman mga bakuna ng baby sa Health Center?
Bleeding
Hi Momshies! Nanganak ako nung December 13 normal delivery. Yung tahi ko mahaba 3rd grade kasi malaki si baby. 2nd baby ko na siya. Ask ko lang po, ilang weeks po kayong dinugo? May blood pa rin sa akin pero hindi na ganun ka lakas. Nagising lang ako kanina madaling araw basa na ng dugo yung underwear ko at yung bed.