Cold. Napagod sa Partner

Di ko alam kung ganito rin kayo. 9 years na kami with 2 kids. Kakapanganak ko lang sa 2nd child ko nung December. So yung partner ko gumawa ng something na ayaw ko. Nagyosi siya ng pasikreto, tapos wag daw sabihin sa akin. Kaso sinabi sa akin ng parent niya para ma pagsabihan siya. Nauumay ako mga Momsh and popsh. Parang matagal na kasi issue yun tas wala parang napagod na akong pagsabihan siya or what. Tas wala di ko muna siya kinakausap. Masakit sa puso ko kasi yung "trust" mo sa kanya na break. Hahahaha ewan ko kung oa lang ako or ano ba to post partum depression. Basta sobrang honest ko sa kanya, sobrang bait ko never akong gumawa ng ayaw niya. Tapos siya naman, ang unfair lang for me na ganun. Tapos nahuhurt ako pero wala na akong nararamdaman. Hahahaha basta ganun. Di ko alam kung may naka experience na nito pero nakakapagod. Nag aalaga nalang ako ng mga kids at work.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang pag yoyosi ay hindi naging issue samin mag asawa. Ako nag yoyosi before kami magplan na sundan ang elder namin. Since BPO qko nagwwork yun lang past time nmin sa work. Sa bahay hindi ako nagyoyosi. Si husband hindi nagyoyosi. Alam ko ayaw nya ako magyosi pero d nya sinasabi. Opinion ko lung talagang titigil ang isang tao sa bisyo hindi dahil ayaw ng partner or pinagbawalan dapat number 1 para sa sarili nya for healthy leaving. Cguro ipaintindi mo lang na kya ayaw mo sya magbisyo dahil mahal mo sya. Dapat hindi ka magalit kasi choice nya un as a person. Opinion ko lang to sis ah.. ung iba kasi once nagyoyosi ang isang tao ang sama sama na ng tingin ng iba. 😁😁

Magbasa pa
6y ago

Salamat sis!