Anxiety attacks.

di ko alam kung dapat ba akong maapektuhan sa kawalan ng pake ng ex ko sa nangyayari sakin. 1 week na akong may sakit pero halos wala syang ni kamusta sa amin ni baby.. nahihirapan na ako sa sitwasyon ko kasi lahat kailangan ko sarilinin dahil di naman ako makakadaing sa magulang ko. Parang gusto ko na sumuko, lagi ako nagkakaroon ng di magandang panaginip sa pagbubuntis ko.. Sobrang hirap na talaga.. ?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit hindi ka makadaing sa magulang mo? Ako, sobrang konti ng friends ko. Halos hindi lalampas ng daliri sa mga kamay, bihira ko pa mga makausap, lalo ang makita. Baka may kapatid ka? Malapit na kaibigan? Ako sa nanay ko lang ako nagiging open sa mga bagay-bagay. Mahirap kung sasarilinin mo ito. Maipapasa mo ang negative vibes kay baby. Yung ex mo, EX na yan. Wala ka ng magagawa, wala ka nang makukuhang emotional support sa kanya. Financial support ang kailangan mo, lalo at kailangan mo yun pag nanganak ka at paglabas ni baby. Lumapit ka kay Lord, humingi ka ng proteksyon at guidance para sa inyong mag-ina. Kailangan mong maging mas matatag para sa inyong dalawa.

Magbasa pa