Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
Kabuwanan
37 weeks and 1 day na ako. Medyo may mild na pain sa puson minsa tas sumisiksik na si baby. Gusto ko na talaga makaraos. Naglalakad lakad na din ako at umiinom ng pineapple juice. Hirap na din kasi masakit yunh singit. Ano pa ba pwede kong gawin para mag open cervix ko
Due date
Oct. 4 due date ko based sa ultrasound. Pero pag LMP po ay Oct. 17 alin po ba ang susundin?
UTI
May gamot ako sa UTI na Cephalexin pero nag-aalangan akong inumin kase baka epekto kay baby. Ano kaya pwede pong igamot?
Finally
After almost 6 months na pagtatago, nalaman na din po ng mama ko na buntis ako. Umuwi ako sa bahay namin last Tuesday ng balisa, kasi sobrang stress ko... Nagboboarding house ako kaya minsan nya lang ako makita sa isang linggo. Niyaya nya akong kumain pero di ako sumasagot kasi umiiyak ako sa kwarto kasi di ko na talaga kayang itago yung tiyan ko. Bigla nya akong tinanong kung may sakit ako o nararamdaman ako, di ako sumasagot tapos nabanggit nya na tinanong ng anak ng kapitbahay namin kung buntis ako kasi para akong buntis. Doon na nagsimula, tinanong nya ako di ako sumagot hanggang sa lumabas ako ng kwarto at humagulgol ng iyak... Inamin ko na buntis ako at wala naman reaksyon si mama sabi nya wala naman na magagawa anjan na sana daw sinabi ko ng mas maaga kasi matagal nya ng napapansin, na di ako dinadatnan, tumaba ako tapos ngayon biglang pumayat at halata daw sa paghinga ko.. mas kilala nya daw ako kesa sa sarili ko.. natakot lang di daw syang magtanong sakin kasi baka mahiya akong magsabi. Pinaliwanag ko yunv about sa ex ko, at naintindihan ni mama. Kaso sa ngayon mas pinili nalang ng mama ko na itago sa Papa ko kase iba ugali ng tatay ko plano ng nanay ko itago ako hanggang sa manganak ako kasi yun makakabuti para sakin. Perk lumuwag po yung pakiramdam ko kasi nasabi ko sa mama ko lahat at tinutulu gan inaalagaan nya ako. As of now po naghahanap ako ng apartment na matutuluyan para maging maayos po lahat para samin ni baby. Salamat sa mga advices mga kamomshies... To God be all the glory
Pagtatago ng buntis
May masamang epekto po ba pagtatago ng buntis? Pero di ko naman po iniipit ang tiyan ko. Mag 6 months na po ako pero di pa din alam ng parents ko. ?
Pampakapit
Nung 9 weeks preggy ako niresetahan ako ng pampakapit.. ngayon 20 weeks na ako tanong ko lang kung okay lang ba uminom non pag magttravel?
Ultrasound
18 weeks preggy. Ultrasound ko po bukas para makita gender ni baby. Tingin nyo po papakita nya? Any tips po para mas mapadali pakita gender ni baby. Thanks po
Gender
Kita na ba gender ni baby at 18 weeks?
food
OK lang ba kumain ng talong pag buntis?
Mga ilang weeks po pwede malaman gender ni baby?