Anxiety attacks.

di ko alam kung dapat ba akong maapektuhan sa kawalan ng pake ng ex ko sa nangyayari sakin. 1 week na akong may sakit pero halos wala syang ni kamusta sa amin ni baby.. nahihirapan na ako sa sitwasyon ko kasi lahat kailangan ko sarilinin dahil di naman ako makakadaing sa magulang ko. Parang gusto ko na sumuko, lagi ako nagkakaroon ng di magandang panaginip sa pagbubuntis ko.. Sobrang hirap na talaga.. ?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag kang susuko, para kay baby, para sainyong dalawa. Saka sis, kailangan mo yang ilabas, mahirap magkimkim ng ganyang problem. Magsabi ka sakanila, whatever happens family mo pa din sila, alam kong maiintindihan ka nila. Baka mamaya ikaw lang inaantay nilang magsabi or lumapit sakanila. Wag kang matakot, magopen up. Saka kapit lang din kay Lord, ipagdasal mo lahat yan. Sakanya mo lahat isumbong, promise nakakagaan din yun ng loob. If feeling mo nadadown kana, look up sissy! God is always and will always be there with you. Di ka Niya pababayaan. Pakatatag kapa lalo! Kayang kaya mo yan, alam ko. 😊💕

Magbasa pa