CASUAL TREATMENT NG PARTNER, Need advise or opinion. TIA mga ka-Momshies..

CASUAL TREATMENT NG PARTNER Mabilis lang po kasi ang naging flow ng relationship namin ng magiging Tatay ng baby ko. LDR nabuo ang relationship namin tapos after 1 month, pag-uwi nya nakapag-desisyon kami na magsama habang bakasyon sya ng 2 buwan dito sa Pinas. Certified single ako at sya ay almost 10 years separated sa naging 1st wife nya, wala silang naging anak. Maayos naman ang lahat sa simula. Hanggang nagbalik na sya sa ibang bansa nun nasa 8 weeks pregnant na ako nitong August. Napansin ko lang na habang tumatagal, di na sya sweet, di na ganun ka-thoughtful..as in nagbago na. Ni hindi na tumatawag sa messenger kahit off day nya sa work. Pero nalalaman ko na lang, lagi sya nakakatawag sa Nanay nya. Di ba dapat priority nya din ako tawagan para kumustahin ang pagbubuntis ko sa anak namin? Sumasama po kasi loob ko. Despite naman na ganun sya, nagbibigay naman siya ng pang-monthly check up at pambili ng mga vitamins at iba pang maternity needs, pero laging dun kailangan kuhanin sa Nanay nya. Feeling ko tuloy wala siya tiwala sa akin pagdating sa pera. FYI po, lahat ng expenses inililista ko para sa audit nya. Dumadaan po minsan ang ilang araw ni hindi sya makapangumusta kahit online naman. Sobrang casual ng treatment nya. Wala naman po kami naging away. Pag kinukumusta ko naman siya, maayos lang lagi sagot nya. Pakiramdam ko po nagsu-suporta at nakikipag-usap lang sya sa akin dahil dala ko ang magiging anak nya. Bilang 5 months na buntis, di ko po maiwasan na malungkot kapag naiisip ko ang sitwasyon na meron ako ngayon.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din sitwasyon ko sa ex boyfriend ko. Hindi naman financially support lang ang need ko. Need ko din ng emotional, mental support. Mahirap mag buntis na madaming iniisip lalo na hindi mo pa kasama partner mo. Huwag ka masyado magpaka stresd mommy. Isipin mo plagi yung sa baby mo.

3y ago

Maraming salamat, Momshie.. Hugsss..Ang laking bagay na dito nakakapaghinga ako. Sana soon makuha ko ang assurance na yun. For now sa pregnancy journey ko na lang muna ako mag-focus para di madamay si Baby sa stress.