Asawa kong puro sabong inuuna

Sobrang naistress na ko sa asawa ko. nung nasa first trimester ako ok pa sya nag bibigay pa ng mga needs namin ni baby. kaso simula nung nag 2nd trimester na ko hanggang ngayong 29 weeks na ko hindi na. lagi na kaming nag aaway kasi inuuna nya yung pag sasabong nya. nung una ok lang sakin kasi nakakagawa naman ako ng paraan para samin ni baby. nakapag ipon ako ng mga gamit gamit ni baby ng sarili kong diskarte. kaso napapansin ko sobrang nagiging iresponsable na sya kasi manalo matalo sya sa sabong di sya nagbibigay ng para sa bata ultimong pang check up namin di makapag bigay. lagi nya sinasabi sakin talo sya nalalaman ko nalang na panalo sya doon sa kasamahan nya. kapag nang hihingi ako ng pera sa kanya nagagalit sya sakin bakit daw ako namimilit eh talo na nga raw sya. pumasok yung 2nd trimester ko gang ngayon minsan nalang ako makainom ng vitamins namin ni baby kapag nakakahingi lang ako sa mga kapatid ko. sinasabi ko sa kanya gusto ko muna umuwi samin ayaw nya naman. sinasabi nya sakin kapag ginawa ko yun di nya na ako kakausapin di na sya lalo magbibigay ng sustento sa anak nya. Ask ko lang po kung anong stand ko doon if ever nga na gawin nya yun. di naman po kasi kami kasal live in lang po kami. naaawa na ko sa baby ko mga mii kasi di na nakakatikim ng vitamins. 😔🥺

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

eh bkt ka magstay sa lalaking wla naman kwenta? sorry ah wla tlaga ako bilib sa mga ganyang lalaki. Kung ako sayo, Uwe ka na lang sainyo. Anong aasahan mo sknya eh now palang hnd na sya responsible partner at father? tintakot ka lang nyan pero ang totoo kaya sya ganyan kasi namihasa na. Ikaw choixe mo magstay sa walang kwentang lalaki na yan. stress kang aabutin mo baka mabinat ka pa. kung tlagang mahal kayo nyan hnd nya gagawin yan sayo. Tinataguan ka nga ng pera eh.

Magbasa pa

mamshie pwede ka pong pumunta sa health center sa libreng vitamins at checkup. unahin mo po ang kapakanan nyo ni baby. wag ka po paka stress mamshie kc naaabsorb iyan ni baby. kung ako ang nasa kalagayan mo e dun na muna ako sa side ko maninirahan para iwas stress at para matauhan din yung partner ko na magbagong buhay. nasasayo naman mamshie ang decision basta unahin mo yung ikakabuti nyo ni baby. may pinsan akong ganyang sabungero nakakainis sarap batukan.

Magbasa pa