First Time Mom

Btw, 8 months preggy ako at pansamantalang nakikitira sa bahay ng byenan ko. Obligado bang pati yung byenan kong lalaki pagsilbihan ko at ipaglaba ko samantalang sa damit palang naming mag-asawa nahihirapan na ako. Bukod kasi sa walang washing machine, sa poso pa nanggagaling yung tubig na ginagamit ko. Hindi ko rin naman makatulong yung asawa ko sa pag-iigib dahil abala sya sa ginagawang bahay namin. Actually may kinakasama naman yung byenan kong lalaki pero ang gusto nung babae pagsilbihan ko at ipaglaba ko pa yung lalaki pag wala sya

100 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ify mamsh, hirap talaga pag nakikitira ka sa inlaws mo, mas maganda talaga pag sarili mo yung bahay. Pero dapat di na sakop ng obligasyon mo yung personal na gamit nila, asawa ka ng anak nila hindi nga katulong. Yung maglinis ng bahay, magluto saka hugas ng plato okay lang na gawin mo para wala sila masabi pero yung maglinis ng gamit nila hindi muna dapat gawin pa. Samin kase ganun lilinisin ko yung buong bahay pero kwarto nila hindi kasama tas kung ipaglaba ko man sila iniikot ko lang sa wash tas sila na magbabanlaw at sampay.

Magbasa pa
5y ago

Kausapin mo mr mo mamsh magiging ganyyan set up pag nagtagal. O kaya pilitin mo magbukod kayo