INIWANG MAG ISA ANG 3 MONTHS BABY SA BAHAY

Nakakainis lang, iniwan ng byenan ko mag isa sa bahay ang anak kong 3 months old. Pagkauwi namin ng asawa ko galing trabaho nagulat kami ng asawa ko na Walang tao kundi baby ko lang. Sobrang shock kami kasi past 6 ng gabi yun nung nakarating kami ng bahay tapos madadatnan namin ganun. Ang nakakabwisit pa yung byenan ko pa ang galit na kesyo ginagawa daw namin syang walang kwenta samantalang sya na nga tong may kasalanan. Ni hindi na nga kami kumibo pagdating nya tas magagalitpa sya. Sino ba namang matinong tao ang mag iiwan ng baby sa bahay ng mag isa diba? to think na 3 months palang baby ko. hay kakastress sa bahay ng byenan ko.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sobrang mali po gnawa nya .paano Kung may mangyari sa baby .. dapat po pag ganyan baby pa .Hindi iniiwan .Kasi pwd may mangyari di maganda . Wag nman po Sana ๐Ÿ˜“๐Ÿ˜“e mommy ano gingawa ni baby pagdating nyo ?? Iyak ba Ng iyak ??

4y ago

Kinakain nya yung kumot nya mommy nung nadatnan namin. Tapos sasabihin nya na saglit lang naman daw syang umalis. Tapos kwento sya ng kwento saken nung buntis ako na maalaga daw sya sa bata.

Tsk. Very wrong si byenan.