Tiktik/Aswang/Wakwak Story

Bilang logical akong tao at millenial naman din, hindi ako nagpapapaniwala sa mga tiktik, aswang o wakwak kung anuman tawag sa kanila. Nung hindi pa ko preggy, nakakatulog pa ko ng bukas na bukas ang bintana at halos sobrang iiksi ng mga pantulog kasi mainitin ako. Nung malaman ko na preggy ako mga 6 weeks na tiyan ko nun, chill lang din ako at masarap pa din matulog. Normal lang, alam ko lang na preggy ako at excited ako tapos maaga na ko natutulog. Ayoko napupuyat para kay baby. Until one day, may isang kakilala na nagtanong sakin kung ilang months na tiyan ko? Going 3 months na ata ako nun if I remember it correctly. Tinanong niya ko kung wala daw ba nagpaparamdam na something sakin. Naguluhan ako kung anong something until she told me na nung buntis daw siya though hindi din siya naniniwala sa tiktik, yung kasama daw niya sa bahay laging sinasabi na may nadidinig daw na sounds na "tik tik tik" lalo na kapag gabi na. Tapos sinabihan niya ko na magsabit ng bawang, maglagay ng asin sa bintana, magsuot ng itim. Wala naman daw mawawala sakin kung maniniwala ako kahit ang motto ko talaga ay "to see is to believe". For my safety lang din daw. Natatawa pa ko during that time. Pero mula nung sinabi niya sakin yun, though hindi nga ako funnywalain, bigla akong nakaramdam ng takot not for myself but for my baby. (first time momshie here) Syempre kahit sinong momshies ayaw na mapahamak si baby di ba? So, ang tanong ko.. totoo nga ba na may tiktik? Kung meron nga, bakit wala nun sa America o Korea at dito lang sila sa Pinas naglalagi? Kung may nakaexperience na, please provide with video footage and interview sa tiktik. At kung may gustong magtiktik hunting, please magfb live naman po kayo para sa awareness ng ibang momshies at pakitanong sa tiktik during the interview kung .. 1. Bakit niya ginagawa yun? 2. Ano itsura niya pag nagmake up siya? No make up look ba niya yun? 3. Hindi ba siya mahal ng mama niya? Just for fun. Please tell me what's on your mind mga momshies. ?

117 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

totoo un. kht sa maynila meron. my mga bagay lng tlga sa mundo ntn n ndi kayang maipaliwanag pero nag eexist sila. mas mainam na maging maingat nalang kaysa antayin pa na may mangyari sa baby natin diba. red na damit or cloth isabit sa tabi kung pkiramdam mo ghost sia or more on spirit presense. wear black bgu matulog pra sa mga aswang naman un kc mas nhhirapan dw sla makita ung baby sa tyan kpag ganun. kya nga ako black pantulog ko tpos my black dn ung kumot. nakakatakot pa naman kasi ung kwarto nmin my terrace tpos ako ung nsa side na my pintuan tas terrace na un. dati kht wlang suot ok lang mtulog hnhayaan p nmin nkbukas un kc pra malamig pero ngyon kabilin bilinan ko ky hubby kapag bigla akong nakatulog ng ndi ko un nssrado . sia magsarado ng pintuan. kasi nung nakatulog ako ng bukas un grabe ung panaginip ko. my kumuha dw sakin tapos pti baby aalisin nla sa tyan ko sobrang prang totoo na nung makatakas dw ako. pag gising ko umiiyak pko ky hubby nun. sabi nila isa dn dw un sa mga signs n my umaaligid n sa buntis kya ngyon doble ingat.

Magbasa pa
6y ago

aswang /tiktik/wakwak.

ako experience ko now bago namatay asawa ko at dun pa kami nkatira sa fmily nya gabi2 may bigla na lang kumakalabog n malakas sa bubong at kumakaluskos ng malakas akala mo binubungkal yung bubong at naglalakad sa bubong namin .. di mo tlga iisipin n pusa un kasi npakabibigat ng hakbang sa bubong at ung sa tapat ng bahay namin nun mataas na apartment na may terrace . isang umaga nagkwento sa amin , una nagtanong sino daw nagkakwarto dun sa side ng bubong sa bubong namin , sabi ng byenan ko ung mag asawa , at sinabi buntis ako . kya nagsabi ung sa tapat ng bahay na maglagay ng asin at bawang sa bintana kasi nung madaling araw may nakita sya na lumipad n malaking ibon at pag lapag sa side ng bubong namin naging tao na maitim pumasok daw agad sya at naglock sa bahay nila sa sobrang takot ... kya simula nalaman namin un lagi minumura ng asawa ko pag may nakalabog sa bubong at minsan lumabas sya para sabuyan ng asin .. kya nung namatay sya pinauwi ako ng byenan ko dto sa parents ko.. ps. tga laspiñas lang po kami

Magbasa pa

i think totoo cia... kc s panganay q n aswang din aq...tpz ngaun preggy aq meron p dn... s panganay q tinabihan p q ng pusang itim n nanlilisik yung mata... n gcng n lng aq kc parang iba yung pakiramdam q...totoo dn yung mg'iinit yung pakiramdam mu kpg nanjan cla... s 2nd baby q.. knakalaban q cla...hahah 1 tym umuwe kme s bhai ng mudra q...ang alm ko kc meron dun s lugar nila mudra... madaling araw my kumalabog s bubong nla tpz inilawan q ng flash light s cp... kpg iniilawan q tumitigel s pglalakad kpg pinatay q lalakad ulet cia... 'dpt nga ni'video q.. sayang..' tpz nung di n tlg q ng'flash light lakad n nmn cia... tpz sumigaw aq... Edi Wow... ahahah n wla n cia... tama cla n wlang mawawala kung susunod k s matatanda... di nmn para sau yun eh para ky baby...😇 kung gusto mu dw mkakita ng ganun dpt dw mghubad k as in hubad k... kc ang mga aswang dw wlang mga dmet kpg ng'iibang anyo... narinig q lng...wahahah 😁

Magbasa pa
VIP Member

I was six months pregnant at that time. I was with my neighbor na highschool student pa lng. sinamahan nya ako bumili ng barbecue, medyo takip silim na po yon. I usually don’t believe in those stuff kaya go lng ako. nung nagpaluto na kami ng bbq, sa harapan ng bbqhan merong mga upuan medyo madilim din dun. sa chapel at sa bbqhan ln merong ilaw. nag cecelphone lng kami ng kaibigan ko nung tumunog yung tiktik. pag lingon ko sa taas merong lannggam na lumilipad ng pa circle yung nasa one spot lng. nung tumunog ulit cya kinabahan na kami kaya lumapit nlng kami sa bbqhan kasi meron din mga tao na bumibili. nawala rin naman yung tiktik nung nasa bbqhan na kami. Sabi kc nila yung tiktik/wakwak ang “master” daw nun ay nasa ilalim lng ng liniliparan ng langgam. hindi sana ako naniniwala sa ganun pero first time kasi yun na may wakwak sa amin. at nung hindi na ako buntis hindi na rin ngpakita ang wakwak.

Magbasa pa

based on my experience hindi rin po ako naniniwala sa mga ganyan ni hindi ko nga rin po alam itsura nila eh! Pero one day po nanaginip ako ng sobrang sama takot n takot po sa panaginip and then nagising ako at nag pray po.. after nun meron prang ibon na umiiyak or something sa likod ng bahay namin pinapakinggan ko lng sya habang hawak ko ang tyan ko around 1:30am po un then kinalampag ko po ung sahig nmin kc po kahoy sya then bgla sya nawala tapos narinig ko sa may bubong prang may naglalakad.. kya pinayo po nila sakin na mglagay ng asin at bawang sa mga bintana at magsuot or magtabi or gumamit na kht anong red color! Then turo din po skn once narinig mo pa un kausapin mo takutin mo sbhn ko daw lumayas ka jan kung ayaw mo tadtarin kita at kilala kita kya hindi ako natatakot sau un po daw ang ssbhn ko hihihihi kht natatakot po ako lakasan ng loob pra kay baby☺️

Magbasa pa

dito sa amin kasi province to meron pong maraming kwentong ganyan at maraming tao din nagsasabi na parang inaataki sila usually madaling araw mga round 3 in the morning or 4 or sometimes midnight sabi nila pag mapag mura kang tao di ka lapitin ng ganyan kasi natatakot silang murahin at takot sila sa matutulis na bagay ako wala akong nilalagay asin sa may bintana pero may bawang 😅 tas yung windows ko dapat I make sure lock talaga sya hindi din naman ako nag sosoot ng black kagaya nga ng sabi nila mag black daw para d makita ng mga aswang yung tummy natin pero ako di ako always na bblack I pray before I sleep I believe in God too wala namn mawawala if maniwala tayo o hindi sa ganyan kasi part yan ng culture na natin as long as ok lang si baby healthy maging thankful nalang tayo dun at extra careful na din kasi buntis tayo 😊

Magbasa pa

may part ng growing up ko ay sa bacolod. c lola dati nun sumisigaw lagi at sinasabing maaga pa ha. palibhasa bagong salta lang kmi nun, 1st yr high school ako nung lumipat kmi doon. tapos mga kwentong aswang kapitbahay namin etc. though d ko nakikita, naramdaman ko sya noon, tumitiktik sa pader namin papalayo papalapit ang tunog. minsan may naglalakad sa bubong, lakad tao dahil iba tunong ng lakad ng pusa. ngayon buntis ako, dto na ko sa malabon.. gabi gabi ang daming pusa sa bubong.. d ako makatulog kc naninigas ang tyan ko.. so kinuwento ko sa mga kaibigan ko. pinahiram kmi ng buntot pagi. after nun nawala mga pusa sa bubong.. d ko man masabi kung meron nga or wala or coincidence lang un, pero wala nmn mawawala kung susunod.. lalo pa simpleng bagay lang nman gagawin.. for safety rin nmn ninyong mag mommy..

Magbasa pa

as a Christian di na talaga ako natatakot sa ganyan. pag may masakit pray lang. pag may worries, pray lang. sadya namang may bad spirit eh pero walang sinabi yan pag may Christ Jesus ka. dito samin sa province puro ganyan ang kwento. meron pa ngang nakakaawang matanda dito na pinagbibintangang aswang haha. lagi na suspect pag may deads na senior hehe, bata pa ko aswang na daw sya 😆. pag sumasakit ang puson ko may suggestions pa sila na mag "suob" (pausok yata yun na may mga bulong). nialalawayan pa nga pag "nababati" daw. uso parin dito ang albularyo. magpapakahirap pa ko eh madali lang mag pray kay God, yung sincere. basta before sleep, ihabilin mo na kay Lord ang lahat, tapos pasalamat ka sa umaga pag gising mo. sarap sa feeling. feeling ko ang saya namin ni baby ❤

Magbasa pa

tiktik, manananggal, aswang is true. Pati yong nag papalit ng anyo, hayop o ano pa. Yong inaaswang ka sa panaginip na never ko napanaginipan noong di pa ko nagbubuntis. so true po. lalo na sa bahay ng asawa ko na daanan mismo ng mga elemento ang kinatatayuan ng bahay nila. Once may nakita akong anino ng tao non, gabi. pero yong nakita ng mother in law ko is anino ng malaking aso. tapos wala pa asawa ko non, gabi na nakatihaya pa ako, malaki na tiyan ko. pagdating ng asawa ko, kumslampag ng malakaa yong bubungan namin it humangin ng napakalakas sa kawayanan lang, di naman mahangin. Meron ding pusa, 2 weeks palang baby ko, dalawin na ng mga animal :D iyak ng iyak anak ko, tapos biglang sasabayan ng pusa na imbes 'meow' ang iiyak. naging iyak sanggol din sya. walang originality, ginaya iyak ng anak ko.

Magbasa pa
6y ago

opo meron daw biglang pumapasok nalang ng bahay

ako po dati hindi naniniwala pero nung nabuntis po ako sa panganay ko na exoerience ko 6months preggy ako nun. gabi gabi may kimakalampog aa bubungan namin. hindi naman sya pusa kase malakas ang kalabog. arw arw po ganun. then one day dun natulog ung bilas ko sa bahay ng byenan ko na kaharap bahay namin. madling araw nun narinig ko nanaman ungkalabog nagising ako. nrinig din pala ngbilas ko kaya napasilip sya sa bintana then nagiiyak at nagsisigaw sya nakita daw nya sa bubong namen parang paniki na super laki. kaya kinabukasan po nagpunta agad kame sa mananawas sabe magbudbod nh asin sa bubong pag 5pm na and magsabit ng bawang sa bintana tapos takpan ko ng kulay pulang tela ang tyan ko pagmatutulog na. smula naman ginawa namin yun nawala na yung kumakalampog sa bubong namin pag madalong araw...

Magbasa pa