Tiktik/Aswang/Wakwak Story

Bilang logical akong tao at millenial naman din, hindi ako nagpapapaniwala sa mga tiktik, aswang o wakwak kung anuman tawag sa kanila. Nung hindi pa ko preggy, nakakatulog pa ko ng bukas na bukas ang bintana at halos sobrang iiksi ng mga pantulog kasi mainitin ako. Nung malaman ko na preggy ako mga 6 weeks na tiyan ko nun, chill lang din ako at masarap pa din matulog. Normal lang, alam ko lang na preggy ako at excited ako tapos maaga na ko natutulog. Ayoko napupuyat para kay baby. Until one day, may isang kakilala na nagtanong sakin kung ilang months na tiyan ko? Going 3 months na ata ako nun if I remember it correctly. Tinanong niya ko kung wala daw ba nagpaparamdam na something sakin. Naguluhan ako kung anong something until she told me na nung buntis daw siya though hindi din siya naniniwala sa tiktik, yung kasama daw niya sa bahay laging sinasabi na may nadidinig daw na sounds na "tik tik tik" lalo na kapag gabi na. Tapos sinabihan niya ko na magsabit ng bawang, maglagay ng asin sa bintana, magsuot ng itim. Wala naman daw mawawala sakin kung maniniwala ako kahit ang motto ko talaga ay "to see is to believe". For my safety lang din daw. Natatawa pa ko during that time. Pero mula nung sinabi niya sakin yun, though hindi nga ako funnywalain, bigla akong nakaramdam ng takot not for myself but for my baby. (first time momshie here) Syempre kahit sinong momshies ayaw na mapahamak si baby di ba? So, ang tanong ko.. totoo nga ba na may tiktik? Kung meron nga, bakit wala nun sa America o Korea at dito lang sila sa Pinas naglalagi? Kung may nakaexperience na, please provide with video footage and interview sa tiktik. At kung may gustong magtiktik hunting, please magfb live naman po kayo para sa awareness ng ibang momshies at pakitanong sa tiktik during the interview kung .. 1. Bakit niya ginagawa yun? 2. Ano itsura niya pag nagmake up siya? No make up look ba niya yun? 3. Hindi ba siya mahal ng mama niya? Just for fun. Please tell me what's on your mind mga momshies. ?

117 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mag pray ka lang palagešŸ˜Š. Hindi rin ako naniniwala sa mga ganyan dati until napreggy ako at the age of 20, lagi din bukas yung mga pinto at bintana since mainit dito sa lugar namin (laguna) at lagi rin patay yung ilaw sa kwarto kasi di ako nakakatulog ng lights on. Nung nagkaroon na ko ng baby bumps i forgot kung ilang months na tiyan ko nun lagi ng may kumakaluskos sa bubong namin at first hindi ko talaga pinapansin kasi di nga ako naniniwala, nakakatulog pa nga ako ng mag isa sa kwarto nun, yung mama at papa ko kasi sa sala natutulog and yung hubby ko naman is call center agent so (night shift). Inobserve ko lang yung kumaluskos sa bubong namin then nung tumagal ng 1 week na ganun pa rin nangyayare at laging ganun time nag iingay sa bubong at isa pa laging sa tapat ng pwesto ko sya kumakaluskos nagtaka nako. Nagsabe nako sa hubby ko and ang naging set up tuloy pinapatabi niya na sa akin matulog si mama every night na wala siya at tuwing rest day niya hindi siya natutulog ng malalim, nakabukas ilaw at binabantayan niya ko (concern na concern kasi kay baby) dahil perstaym mom and dad din kame so safety ni baby ang laging inuunaā¤. And then tumagal yun ng ilang buwan hanggang sa nasanay na lang kame at everytime na kakaluskos siya magpepray ako and Thank you talaga kay Lord kasi biglang tumatahimik yung ingay sa bubong pag ginagawa ko yun (Prayer is so powerful talaga mamsh!šŸ™). Hanggang sa nanganak na nga ako (3months na sya ngayon) and yun di ko na napapansin yung mga ingay sa bubong except dun sa mga epal na pusa na sa bubong namin naghaharutan hys super ingay talaga. Shout out dun sa malalanding pusa! Hirap hirap magpatulog ng baby tapos dahil sa kayo'y mahaharot isang meow at takbuhan niyo lang sa bubong nagigising na agad baby ko. Hys Ayun share ko lang naman po yan based on my experience. Salamat sa nagtyagang magbasa. Goodnight!ā¤

Magbasa pa