Tiktik

Bilang laki sa maynila hangang myth at kwento lang ng matatanda yung naririnig ko sa tiktik at aswang. Same with husband. Di sya naniniwala. Pero 2:30am kanina Nagising ako bigla kase sumisigaw asawa ko "Umalis ka jan papatayin talaga kita" Nakahawak asawa ko sa tyan ko. Anlakas ng tahulan ng mga aso. Sabi ng asawa ko naririnig daw nya "tik tik tik" kitang kita ko sa muka nya yung shock di daw sya makapaniwala totoo pala. Nasa tabi lang ng bintana namin. Tapos yung mga pet lovebirds ng kapitbahay napaka ingay bigla. So ginawa ko yung sabi ng matatanda na balutin ang tyan ng pinaghubaran na tshirt ng asawa ko. Mamaya budburan ko ng asin yung bintana. Mahirap na. 6mos na tyan ko pag 6mos onwards daw napakalakas daw ng amoy ng amniotic fluid ng buntis. Matamis sa pang amoy ng aswang. Yun lang share kolang na di masamang maniwala. To hear is to believe muna sa ngayon haha narjnig palang namin e.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Luh. Ako din hindi ako naniniwala nung una. Hindi ko pa alam na buntis na ako nun. Tapos lagi ako nakakapanaginip na buntis ako tapos may aswang sa bintana pero hindi sya makapasok kc yung tatay ko nakaharang sa may bintana namin. Pang gabi kasi asawa ko nun kaya madalas ako lang mag isa sa gabi. Nagiging ako na ganun nga nakikita ko yung tatay ko sa may bintana nakatayo. Pero yung tatay ko 3 yrs nang patay. Salamat sa tatay ko kahit wala na sya ginagabayan pa din ako 😭😭😭

Magbasa pa
6y ago

🀣 nakaka aning minsan