Bilang isang ina, alam ko rin na walang ibang nais ang ating mga magulang kundi ang ikakabuti ng kanilang anak pero kelan mo masasabi na sobra na ang isang ina sa pagprotekta ng kanyang anak.
Ganito po ang sitwasyon ko, isang 29 yr old first time mom na may 2 months old na baby. Hindi pa kami kasal ng tatay ng baby ko pero nasa plano na po. Before ako manganak, live in kami at hati sa lahat ng gastos at sapat na sapat lang para makatawid sa susunod na sahod.
Nung nalaman kong buntis ako, sinabi ko sa mama ko at more than willing siyang tumulong dahil alam nya ang financial situation namin bilang nagsisimula palang kami at nakabukod na. Pagkapanganak ko, inako naman ng mama ko lahat ng gastos bilang nga tumigil nako magtrabaho at si hubby ay maliit lang ang kita.
Ngayon balak ko na bumalik sa trabaho pero ayaw ng mama ko. Gusto nya dito lang kami sa bahay ng anak ko at ayaw nya na tulungan ko si hubby. Naubos na ang ipon namin dahil sa gastusin at bilang siya nalang ang magisang kumikita, naibayad na sa bahay at sa mga bills ang sweldo nya. Walang kahati sa gaatos ang ang tatay ng anak ko sa ganitong panahon at pilit ko pinapaintindi sa mama ko na responsibilidad ko ang tatay ng anak ko dahil kami na ang magkatuwang sa buhay at di ko siya pwedeng pabayaan habang ako ay sagana sa kung anong meron ako dito sa bahay ng mama ko. Sinabi na rin ng mama ko na walang binatbat ang asawa ko dahil walang pera. Wala rin daw pangarap dahil maliit lang sinasahod at ayaw magabroad. Masama ang loob ko, hindi ko hinabol na magkaroon ng mayamang mapapangasawa dahil mahal ko yung tao at ang pera ay kayang kitain basta tulungan. Disenteng pamumuhay at hindi karangyaan ang susi ng kaligayahan namin ng tatay ng anak ko.
Alam ko maganda ang intensyon ng mama ko dahil nabibigay nya ang mga pangangailangan ng anak ko pero ni isang piso ay di nya ako pinapahawak. Wala akong mabili na personal na gamit o para sa anak ko. Kaya gusto ko kumita, kailangan ko ng pantustos sa anak ko, at pang tulong kay hubby at para sa sarili kong gastusin. Hindi ko pwedeng iasa sa kanya dahil ang gusto nya nakakulong lang kami magina sa bahay at siya ang bahala sa lahat kaya pati pagdedesisyon ko sa pamilya ko ay naapektuhan.
Si hubby ay madalang pumunta dahil sa pakikitungo ng mama ko sa kanya, gusto namin gumawa ng paraan pero panay kontra ng mama ko sa amin. Gusto namin buhayin ang bata sa paraan na tama para sa amin pero gusto ng mama ko siya ang magdedesisyon at pag di ako sumunod ay di nya ako kinikibo at iniipit sa mga binibigay nya para sa baby ko. Kinausap ko na siya pero wala siyang pakialam kung magkanda gutom na si hubby at walang mag alaga basta kami ay andito lang at minomonitor nya. Ang tiyahin ko at siya muna ang magaalaga kay baby hanggang makauwi ako at payag na magtrabaho ako pero si mama panay ang kontra.
Paano kami makakabuo ng isang pamilya kung lahat ng desisyon ko ay biglang kinokontrol ng mama ko? Pati sss benefits ko ayaw nya pa paasikaso dahil kapag may hawak akong pera kaya ko ang sarili ko, at syempre tutulungan ko si hubby. Ano po ba magandang gawin? Salamat po.
Anonymous