advice at makakausap po sana. tulungan nyo po ako. salamat.

Bilang isang ina, alam ko rin na walang ibang nais ang ating mga magulang kundi ang ikakabuti ng kanilang anak pero kelan mo masasabi na sobra na ang isang ina sa pagprotekta ng kanyang anak. Ganito po ang sitwasyon ko, isang 29 yr old first time mom na may 2 months old na baby. Hindi pa kami kasal ng tatay ng baby ko pero nasa plano na po. Before ako manganak, live in kami at hati sa lahat ng gastos at sapat na sapat lang para makatawid sa susunod na sahod. Nung nalaman kong buntis ako, sinabi ko sa mama ko at more than willing siyang tumulong dahil alam nya ang financial situation namin bilang nagsisimula palang kami at nakabukod na. Pagkapanganak ko, inako naman ng mama ko lahat ng gastos bilang nga tumigil nako magtrabaho at si hubby ay maliit lang ang kita. Ngayon balak ko na bumalik sa trabaho pero ayaw ng mama ko. Gusto nya dito lang kami sa bahay ng anak ko at ayaw nya na tulungan ko si hubby. Naubos na ang ipon namin dahil sa gastusin at bilang siya nalang ang magisang kumikita, naibayad na sa bahay at sa mga bills ang sweldo nya. Walang kahati sa gaatos ang ang tatay ng anak ko sa ganitong panahon at pilit ko pinapaintindi sa mama ko na responsibilidad ko ang tatay ng anak ko dahil kami na ang magkatuwang sa buhay at di ko siya pwedeng pabayaan habang ako ay sagana sa kung anong meron ako dito sa bahay ng mama ko. Sinabi na rin ng mama ko na walang binatbat ang asawa ko dahil walang pera. Wala rin daw pangarap dahil maliit lang sinasahod at ayaw magabroad. Masama ang loob ko, hindi ko hinabol na magkaroon ng mayamang mapapangasawa dahil mahal ko yung tao at ang pera ay kayang kitain basta tulungan. Disenteng pamumuhay at hindi karangyaan ang susi ng kaligayahan namin ng tatay ng anak ko. Alam ko maganda ang intensyon ng mama ko dahil nabibigay nya ang mga pangangailangan ng anak ko pero ni isang piso ay di nya ako pinapahawak. Wala akong mabili na personal na gamit o para sa anak ko. Kaya gusto ko kumita, kailangan ko ng pantustos sa anak ko, at pang tulong kay hubby at para sa sarili kong gastusin. Hindi ko pwedeng iasa sa kanya dahil ang gusto nya nakakulong lang kami magina sa bahay at siya ang bahala sa lahat kaya pati pagdedesisyon ko sa pamilya ko ay naapektuhan. Si hubby ay madalang pumunta dahil sa pakikitungo ng mama ko sa kanya, gusto namin gumawa ng paraan pero panay kontra ng mama ko sa amin. Gusto namin buhayin ang bata sa paraan na tama para sa amin pero gusto ng mama ko siya ang magdedesisyon at pag di ako sumunod ay di nya ako kinikibo at iniipit sa mga binibigay nya para sa baby ko. Kinausap ko na siya pero wala siyang pakialam kung magkanda gutom na si hubby at walang mag alaga basta kami ay andito lang at minomonitor nya. Ang tiyahin ko at siya muna ang magaalaga kay baby hanggang makauwi ako at payag na magtrabaho ako pero si mama panay ang kontra. Paano kami makakabuo ng isang pamilya kung lahat ng desisyon ko ay biglang kinokontrol ng mama ko? Pati sss benefits ko ayaw nya pa paasikaso dahil kapag may hawak akong pera kaya ko ang sarili ko, at syempre tutulungan ko si hubby. Ano po ba magandang gawin? Salamat po.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hay nako mmommy. mahirap talaga yung ganyan. kami ng partner ko ganyan na ganyan din. yun sakin naman, si papa. magkalayo kami ng partner ko, sya lang nagttrabaho at ako nasa puder ng magulang ko. hindi makapunta yung partner ko sa bahay namin dahil ayaw ni papa. kahit gusto nya makita baby namin. same din na wala daw ako mapapala sa partner ko dagil maliit ang kita kahit naman na nagsisikap sya para samin ng baby ko. kahit gusto ko din magtrabaho para matulungan ang parter ko at gumastos ng sarili para kay baby, ayaw ni papa. sya nalang daw bahala. dun lang kami sa bahay. tapos kapag dating na gipit din sila, susumbatan ako. ang hirap kase kahit may sarili nakong pamilya at may anak na, di pa din ako makapagdesisyon ng sarili ko. sila pa din ang nasusunod. gusto nila maging single parent nalang ako kahit na ang gusto ko talaga e buong pamilya para sa anak ko. kaya naiintindihan ko nararamdaman mo mommy. dika nag iisa. ang ginagawa ko nalang e nilalakasan at tinitibayan ko nalang loob ko at nagtitiwala sa partner ko. nagtitiis nalang muna ako para sa pamilya ko lalo sa anak ko na malalagpasan din namin 'to. ganon nalang din gawin mo mommy. alam ko naman na gumagawa ng paraan yung partner mo at nagsisikap para may maipagmalaki naman sya sa mama mo at makuha ka na nya talaga para magkasama na kayo. kase yung partner ko ganyan ang ginagawa. tiwala lang mommy at wag lang mawawala yung pagmamahal mo sa partner mo. magiging okay din family natin. :)

Magbasa pa
5y ago

God bless, sis. Akala ko ako lang ganito at pakiramdam ko masama akong anak for feeling this way. Same pala ng dialogue ang mga parents natin haha! Kayanin natin sis para sa family natin. Salamat sa pag share ng experience mo, atleast alam ko na di ako nagiisa sa ganitong situation.

Hay naku mommy!!! Nangunsumisyon ako sa story mo, partly because I also have a bad mother. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, bubuuin ko ang pamilya ko.. and I mean your baby and your partner. Manindigan ka na sa nanay mo kasi may sarili ka nang pamilya. Kung ako nasa sitwasyon mo, kahit maghirap kami ng mag ama ko ay paninindigan ko pa rin na bumukod na kami. Sa sitwasyon ko naman baliktad, ako 'yung breadwinner, pero ang pangit ng treatment ng nanay ko sa akin kahit more than half na ng sweldo ko ay ibinibigay ko na dito sa bahay pang tustos. Alam mo 'yung kahit gaano karaming pera ang ibigay ko sa kanya, hindi ko pa rin ma-earn 'yung respeto niya. Hindi ko naman alam kung saan nanggagaling ang pagka-nega nya sa akin pero sa tingin ko dahil lang sa paborito niya 'yung kapatid kong 25 years old na eh wala pa ring trabaho lol. Sa ngayon ang plano ko ay bumukod na with my partner and soon to be born baby. Hindi ko na rin bibigyan ng pera ang family ko para maobliga silang kumilos. For more than 10 years kasi nakasandal na lang sila sa akin, tapos ganon pa treatment ng mama ko sa akin. Ayun... so at the end of the day, kailangan na natin kumawala sa control ng mga nanay natin at buuin na ang sarili nating pamilya.

Magbasa pa
VIP Member

Kausapin mo ang mama mo and be firm in your decision, walang magagawa si mama mo kung gugustuhin mong bumuo ng sarili mong pamilya, lahat naman nagsisimula sa mahirap, pero basta magtulungan kayong mag asawa makakaya niyo. Kung hindi kayo kausapin ng mama mo pag bumukod kayo, hayaan niyo na muna, sa una lang naman yun, hindi din naman niya matitiis ang anak niya, lalo ang ao niya.

Magbasa pa
5y ago

Tama po. Mas naniniwala ako na ang success at happiness eh di nasusukat sa laman ng bank account kundi sa love at tiwala sa isat isa ng pamilya. Healthy and happy family kumbaga. Kahit may struggles basta magkasama, makakaya eh. Salamat sis sa advice. God bless!

I think you are an adult and for your mother to treat you like an adult you need to talk to her and be firm with her kung anong gusto niyong mangyaring ng partner mo. It's just that sa case mo she wants the best for you but it is expressed in a different way. Lalong lalo na kasi hindi kayo kasal.

Say partner, not hubby 🙂