sama ng loob
Ayan. Makikigaya na din ako sa iba na dito naglalabas ng sama ng loob. Wala akong mapagsabihan ih. Hahahaha! So, ayun na nga! Itong si LIP, gusto laging tama. Lahat ng sasabihin ko sa kanya tungkol sa anak namin di niya pinapaniwalaan. Example : pinapabili ko sya ng paracetamol para sa unang vaccine ni baby baka kako lagnatin. Sagutin ba naman ako, "Di na kelangan ng gamot, malakas anak ko". Ok, pwedeng ayaw nya lang negative thoughts, pero yung itatanong nya sa Mama nya tapos nung umuo ang Mama nya na pwede lagnatin, tsaka lang maniniwala? Like WTF! NAG IISIP KA BA?! 9 na buwan kong dinala ang bata, halos mamamatay ako sa pagpapangak, iisipin mong ipapahamak ko lang? Nakakasama lang ng loob na bago nya ako paniwalaan. Kelangan pang laging itanong muna sa Nanay. 26 yrs old na po ako. 31 yrs old na sya. I guess, tamang edad na para malaman ang mali sa tama at tama sa mali, diba po ba? Tapos yung gusto ko painumin ng vitamins si Baby kaso ayaw nya. Dahil sabi ulit ng mama nya. Di po breast feed si Baby dahil nipple confused sya at kasalanan ko yun ? late din ang vaccines nya dahil sa lockdown, so gusto ko suportahan sya ng gamot. Pero ayaw ng tatay nya, dahil sabi ng Mama nya. Dios Mio! Ano ba naman itu?! Humina dumede si Baby nung nakaraan, dahil lang sinsbi ng mama nya na palitan na ang gatas, gusto nya palitan agad. MYGHADDD! I am so stressed Ateng! Matanda na anak mo, hayaan mo naman magdesisyon ng para sa sarili nya. Now, ang pinaka kinaiinisan ko. During lockdown, dami dami nyang pera dahil pinapasahod pa sya ng kumpanya nya, di kami magkasama nun. Andun sya sa Mama na naman nya. Ang pinapadala lang sakin, 2k sa loob ng 2 months. Yung huli ang 4k. Gatas ng anak namin, 1k mahigit 1 and half week lang. ? Sa dinami dami nyang nakukuhang pera, ubos lahat pag uwi nya. Bakit? Ayun! Pinambili ng parts ng motor! Ni hindi manlang pinagsabihan ng magaling nyang ina. HAHAHAHAHAHA. Tapos kung tratuhin nila ako, kala mo laking pabigat dahil wala akong trabaho. My baby is just 4mos at simula ng mabuntis ako hanggang sa gastos ng pagkapanganak ko, pera ko po yun. Ngayon lang ako walang trabaho kaya ngayon lang ako sinusuportahan ng anak nya na kung umasta ang nanay ih, kala mo nililimas pera ng anak nya. Susme. Ayun na nga. Sana lang. Alam ko selfish, pero kung alam ko lang ganito, sana di ko na pinaalam sa kanila na buntis ako nuon. Sana sinarili ko nalang si Baby. Tapos ngayon, kung makaAsta, kala mo entitled sa bata. Samantalang walang suporta nung buntis at nanganak ako. ?? Mga ewan sila! Haysss!