nanunumbat

Hello po, gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Siguro after nito makakagaan na rin sa loob ko kahit ppaano salamat po. First time mom po ako and dito ako nakatira sa mama ko since nanganak ako, 2 mos na si baby. Si hubby nasa malayo kaya dito kami tumitira sa bahay ng mama ko. Ok naman nung una tsaka si mama ngbayad ng pangospital ko. Wala kasi kaming naipon ni hubby, dapat sa public nalang ako manganganak kaso pumayag si mama siya muna mgbayad. Madaming gastos ang baby lalo na vaccines etc. Si mama ang nagbabayad kasi yung tiyahin ko pedia kaya gamot nalang kailangang bilhin. Tapos kaninang umaga out of the blue habang naguusap kami ng kapatid ko biglang nagsabi ang mama ko na, "Magpasalamat kayo kung anong hinahatag sa inyo mapa pagkain man yan. Pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng vitamins, pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng bakuna." Na stunned ako sa mga sinabi nya. Pagkain lang pinaguusapan namin ng kapatid ko tapos nanumbat na si mama. Di nalang ako nagsalita pero naiyak nalang ako sa sama ng loob. Siya may gusto na tumira kami dito dahil sapat na sapat lang ang kita ni hubby at umuupa pa. Iniisip ko rin na kahit mgkalayo kami ni hubby kahit papaano ok lang para makasama ng mama ko si baby pero may masasabi pala na parang labag sa loob nya ang pagaruga sa amin mag-ina. Malaki ang pasasalamat ko kay mama pero sobrang sakit nya magsalita. Tinawag pa nya kaming kawawa ni hubby nung makalawa dahil wala daw kaming pera, umuupa pa at walang ipon. Inaamin ko naman na kawawa talaga kami pero mas naramdaman ko na kawawa ako dahil sa mga pananalita nyang masasakit. Nahalata nya yata na nasaktan ako kaya bigla nyang nabawi pero nasabi na nya. Plano ko umuwi na kay hubby para wala na kami marinig na masasakit na salita, kasi kung si hubby naman tatanungin gusto nya dun kami umuwi sa kanya kahit mahirap ang buhay. Talagang si mama lang nacconsider namin pero may masasabi pa pala. Yung isang tiyahin ko lihim kami tinutulungan financially. Nagaabot paminsan kasi kapag nalaman ni mama siguradong magagalit. Ok lang naman sana kung tipid talaga pero kung makapagwaldas sila ng kapatid ko ng pera minsan kakain sa labas, grocery ng mga tinatambak lang naman minsan nageexpire pa dahil di na makain, pinammigay nalang. Salamat sa mga nakabasa. Pasensya sa mga nainis. Kailangan ko lang po talaga ilabas ang saloobin ko.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa totoo lang Sis base sa kwento mo ang swerte mo pa. Ako Mommy ko di ko malapitan kahit nung una pa lang hindi sila yung tipong tutulong sa Anak.. Pag graduate ko pinabayaan na ko at need ko pa magbigay sa kanya every cut-off tapos wala lagi pagkain sa bahay kaya gastos ko din allowance ko kumbaga sa libre lang ako ng tirahan. Nag decide ako bumukod na dahil mas masakit pa narinig ko dyan fron my Parents pero bumukod ako hindi sa sama ng loob kundi sa nahihiya na ko sa parents ko at nahirapan na ko. Min. Wage pa lang kasi ako pero gusto nila mas malaki ang abot ko sa kanila eh pinapakain ko sarili ko sa isang araw,3 beses since wala lagi pagkain sa bahay namin nawalan ako ng work that time kasi pinilit nila ko umalis sa work ko at pinipilit nilang sila mag decide ano maging work ko gusto nila mag call center ako eh gusto ko ipush career ko HRM grad. Ako... at that time di na ko nakakain sa bahay since wala work wala din pagkain... Nag live in kami ng boyfriend ko non which is Hubby ko now pinatira nila ko sa bahay nila tinaggap naman ako ng Mama at Papa nya tinulungan ako. Ngayon di ako makahingi tulong sa Pamilya ko kasi sinabihan kami lahat na bawal humingi nangtulong sa kanila once nag Asawa na. Mabait Mama mo. Minsan naglalabas lang din sama ng loob kasi nahihirapan din naman maiintindihan mo din yan soon lalo na Mommy ka na din may times na feeling mo down ka tapos nakakpagsalita ka sa Anak mo pero di panunumbat yon. Pagpapaalala yon na swerte ka sa buhay at minsan need din nila ng comfort. Babae mood swings alam mo naman yon ๐Ÿ˜Š madami kami pinagdaanan sa Parents namin di kami gaya ng ibang Pamilya pero di ako nagtanim ng sama ng loob sa magulang ko. Love na love ko pa din sila kahit di na nila ko pinapansin. Last time kasi umuwi ako mas masakit na salita pa narinig ko at pinalayas lang ako ulit ๐Ÿ˜‚ umalis na lang ako ulit ayaw ko sila maistress sakin lalo na Papa ko may sakit eh wala din ako maiaabot kasi buntis ako wala ko work ๐Ÿ˜Š next time na ko babawi sa kanila. Bata pa naman ako at first baby ko pa lang ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
5y ago

Hehe wala naman po akong galit sa mama ko, tampo po siguro kasi hirap rin po kami ng hubby ko and fully aware na di lahat dapat iasa kaya stress talaga ako. Gusto ko rin makatulong at lalong ayaw maging pabigat. Napaka hirap talaga sis pero salamat na rin andyan si mama. Baka nga di siya ok kanina kaya nagulat lang din ako pero medyo napapadalas kasi kaya nakakatampo na. Salamat sis sa pagreply mo and sana ok ka lang, stay strong. God bless.

VIP Member

Tingin ko kahit noong mga panahon na hindi pa tayo nagkaka anak may mga nanay talaga na ganyan magsalita. Hindi sa panunumbat yan. Kagaya ko nung dalaga pa ako palaging sinasabi ng mama ko na "magpasalamat kayo at napag aaral namin kayo hindi gaya ng ibang bata kaya mag-aral kayo ng mabuti" okaya naman pag ayaw namin ang ulam, "magpasalamat kayo dahil ang ibang bata walang makaen". Pagpapa alala lang yan na bigyan natin ng halaga ang ginagawa nila para satin. Baka kasi porket magulang natin ang nagbibigay, nakakalimutan natin magpasalamat. Ako sa tuwing bibigyan ng pera ng papa ko kahit noong dalaga pa ako niyayakap ko at nagpapasalamat ako. Lalo na ngayon, anlaking tulong ng magulang ko kapag kinakapos kami, nasasandalan namin sila. Pero iba na ngayon dahil binabayaran namin lahat ng iabot kasi utang na yon at hindi naman na nila kami responsibility. Magpasalamat ka na lang sa nanay mo. Hindi lahat ng magulang kayang punan yung financial na pagkukulang ng partner/asawa. Wag ka muna mag malaki na kaya mong umalis sa poder ng magulang mo kung sa vaccine lang wala kayong pera para sa bata. Magpasalamat na lang at wag magtanim ng galit sa magulang. Tumatanda na sila kaya dapat mahalin natin.

Magbasa pa
4y ago

tama. wag masyado madamdamin sa konteng maririnig, dapat magpasalamat sa napakadameng ginawa sa inyo ni baby.

Iba na kasi pag nag kapamilya ang anak sis baka hindi masaya ang nanay mo na ang napangasawa mo e hirap din. imbis na sya yung gumagastos sa inyo need mo pa ng supporta ng magulang. Ganyan talaga mga magulang gusto nila sa mga anak nila maging maganda ang buhay nila hindi yung mararanasan yung hirap na naranasan nila. Baka hindi sya masaya sa kung ano ang sitwasyon nyo ng asawa mo. alam ko rin yung ganyan laging sinasabi samin ng byenan ko. Masyado daw kasi kami nag madali ayan parehas daw kaming hirap totoo naman yun sis kasi gang ngayon nandito pa kami sa side nya. Intindihin nalang natin kasi mas alam na nila yung pag dadaanan palang natin eh masakit man marinig pero totoo yun. Pero ngayon kaya naman namin na bumukod pero ayaw ng byenan ko kami nalang daw dito sa bahay para malapit saknya mga apo nya ang ginawa nya sya nangupahan para mag kasya kami dito ng mga anak nya. At nag babalak pa syang pataasan ang bahay para medyo maluwag na kami. Mabait naman ang byenan ko pero yung mga payo sermon nila tinatanggap nalang namin kasi lahat naman yun ay totoo alam ko rin naman ang pinag daanan nila kasi nakwento nya samin. Ngayon daw nakikita nya samin ng asawa ko kaya di nya daw kami pwedeng pabayaanโ˜บ๏ธ

Magbasa pa

Hi mommy! Wag ka mag icp ng negative.. :) if I were to ask wla masama sa sinabi ng mama mo it's how you take it positively.. Wlang responsibility sa inyo c mama mo.. Kung nkkpagsalita man cia ng ganun icpn mo nlng it's for you to learn hndi para saktan ka kundi para marealize mo na hindi madali ang maging magulang :) wlang ina ang gustong mahirapan ang anak.. Kaya niya pinili na jan kayo sa knya kasi alam niya ang hirap na pagdadaanan mo.. Ang about nman sa pag gastos nila wag mag icp ng hndi maganda.. Icpn mo nlng pakunswelo nlng niya un sa araw araw na pagod at hirap niya bilang ilaw ng tahanan :) wag mo icpn na luho un sis.. About nmn kay hubby mo obligahin mo cia kahit mahirap kailangan niya kayong supportahan.. Kailangan niya matuto kasi tatay na cia.. Magging okay din lahat sis pray ka lang icpn m nln this too shall pass ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™ always think positive and always divert everything into positive thinking! Icpn mo lagi baby mo lahat yan pra kay baby mo.. God Bless!! ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

Magbasa pa
5y ago

Hi sis Jaycee thank you sa nice words and sa encouragement. Madami kasi nasasabi si mama na masasakit and minsan di na nya yun narerealize agad. Pagalit kasi siya nagsalita kanina and out of the blue and out of topic kaya nakakatampo lang. Salamat sis. God bless.

VIP Member

Tama naman ang mother mo,truth hurts lang talaga. Alam mo kasi mamsh,once na pinasok na natin ang pag papamilya,dapat talaga labas na ang parents natin jan. Responsibilidad na natin yan. Wala ka ng pake kung waldas sila ng kapatid mo,magpasalamat ka na lang dahil tinutulungan ka pa rin. Aminin mo man o hindi,sobrang laking bagay na nanjan sya. Natural na makakapag salita yan ng mga ganyang bagay siguro parang wake up call sayo. Sayo na mismo nanggaling na hindi biro ang gastos sa panganganak at sa newborn pero ang lumalabas,kampanteng kampante kayo na nanay mo ang gumagastos. Siguro hindi naman nya intensyon na saktan damdamin mo,gusto lang nyang mangaral at gusto nya na matuto kayong tumayo sa sarili nyong paa at magpasalamat sa kung anong natatanggap na biyaya. Feeling ko,syempre gusto nya anjan din kayo pero since may work naman ang asawa mo,magkusa naman kayong gastusan anak nyo. Hindi yung porke hindi sya nagrereklamo sa gastos e halos lahat pinaako nyo na.

Magbasa pa

ganyan din nanay ko mommy,parringgan ka o kaya dritsong ssabhin sau,pero tnx pdin ako sa knila khit may narrinig ako ndi mgandan salita kc d kmi pinabayaan mula sa panganay ko cla na gumastos,8m0s tummy ko ng maoperahan ako ng accute appendix,bwal ilabas c baby ndi kc daw kkyanin n baby khit incubetor,mula nuon cla na gumastos gang nkapnganak ako,dinaig kupa cs sa laki ng gastos mulas opera gang panga2nak,wala nlng emik c hubby kc wala din nmn maitulong,pati upa ng bhay tubig kuryente,pagkain ,gats n baby at diaper sagot na nila,gang nag 1mos na baby ko kinuha nila kc may hika at inuwi ng probinsya,aun gang ngaun nandon ung panganay ko pati ndin ung 2nd born ko nsa knila na,5@4yrs old tas ngaun 8m0s preggy ako,ako ndaw mag alga๐Ÿ˜Š๐Ÿคฃpsalamat pdin tau at may magulang pdin taung nagabay sa atin๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

In my opinion lang ah.. Truth hurts.. Sana nung nalaman nyo na buntis ka na or nagplan na kau ng family nag doble kayod kau ng asawa mo. Ang nagulang ayaw nya mahiraoan ang anak nya kaya tinutulungan kau ng mama mo.. Cguro napagod na si mama mo kaya nasabi na nya un. Kung gumastos at mag grocery ng sandamakmak, hayaan mo sya. Baka dun nya nilalabas ang stress nya at gusto nya mag relax. Pera nman nya un eh. Nag aabot ba kau kahit papano sa gastusin sa bahay? Or naisipan nyo ba na mag abot pang relax relax ng mother mo. Parang pasimpleng bayad utang lang sa mga nagastos nya. Alangan nman kc pabayaan nya kau nung nagbubuntis at ipinapanganak mo ang baby mo for sure 1st time mom ka. Kaya gusto nya na sa maayos n hospital k manganak.

Magbasa pa

Bka po habang nag uusap kau ng kapatid mo iba ung narinig ng mama mo. Bka may mis communication lang along the way kaya bumabawi cia. Ung nasabi nea na kawawa kau ng hubby mo its because anak ka nea ayaw ka neang mahirapan. Nakkita nea kc situation nu ngaun. Intindihin mo na lng mama mo kc di ka nman nea pnabayaan. At dapat di kna maki alam qng mag waldas man cla ng kapatid mo kc nag asawa kna eh, di kna kasama dapat sa budget nea pero anjan pa rin cia for you. Mahal ka ng mama mo at kahit cnong tao kahit gaano mo pa kamahal aminin natin may masasabi at masasabi tau. Be more open minded at be thankful sa anuman ang nattanggap mo. Be mature din sa pag intindi ng situation. Pakalmahin mo sarili mo at mag isip ng mas malawak pa at maiintindihan mo mama mo ๐Ÿ˜‰

Magbasa pa
5y ago

Salamat sis sobrang sensible ng sagot mo, ang sarap basahin at intindihin. God bless.

Ganyan talaga parents. Kaya ako kahit nahihirapan kame ng asawa ko lalo na ngayon financially hindi ako humihingi ng tulong sa parents ko para wala din silang masabi saken. 5yrs old na panganay ko simula nung nabuntis ako ni minsan hndi ako humingi sa parents ko kahit nagigipit kme, lagi ko sinasabi sa asawa ko okay lang na mangutang kame sa iba na may tubo kesa naman manghiram kame sa parents naming dlawa. Ayoko makarinig ng hindi ko maggustuhan. Ngayon nga pag wala akong work at wala silang pakinabang saken kung anu ano nlang narrinig ko sa byenan ko pati mga SIL at BIL ko kung anu ano din nasasabi wala naman naitutulong saming mag asawa. Kaya hanggat maaari magsikap tayo para sa sarili nating pamilya.

Magbasa pa

Ganyan lang po ang mga nanay. Siguro nasasaktan din siya. Siyempre ang mga nanay natin ang gusto lang mabigyan tayo ng magandang buhay kaya din pinagaral tayo. At kung marelieaze nilang hirap tayo naddisappoint din sila. Sigurado kinikimkim lang din niya yun at ayaw sabihin. Masuwerte ka po nanjan siya ngayon kasama mo at tinutulungan ka. Isipin mo nalang po yung mga natulong niya and wag po ung nasasabi niya. Ganyan din naman nanay ko minsan. May masasabi pero tutulong pa din naman. Kahit hindi ka manghingi bibigyan ka. Tapos pagsasabihan ka. Haha. Hug mo nalang po siya at magpasalamat sa lahat ng tulong niya sa inyo. Namiss ko tuloy mama ko. ๐Ÿ˜ญ

Magbasa pa
5y ago

Mas open lang po yung tita ko na tumulong kesa sa mama ko. Masakit talaga siya magsalita at naaawa ako lalo sa sarili ko dahil pakiramdam ko wala akong silbi. Pero salamat po sis sa pagreply.