Repost ko po kasi kailangan ko po ng advice nyo

Bilang isang ina, alam ko rin na walang ibang nais ang ating mga magulang kundi ang ikakabuti ng kanilang anak pero kelan mo masasabi na sobra na ang isang ina sa pagprotekta ng kanyang anak. Ganito po ang sitwasyon ko, isang 29 yr old first time mom na may 2 months old na baby. Hindi pa kami kasal ng tatay ng baby ko pero nasa plano na po. Before ako manganak, live in kami at hati sa lahat ng gastos at sapat na sapat lang para makatawid sa susunod na sahod. Nung nalaman kong buntis ako, sinabi ko sa mama ko at more than willing siyang tumulong dahil alam nya ang financial situation namin bilang nagsisimula palang kami at nakabukod na. Pagkapanganak ko, inako naman ng mama ko lahat ng gastos bilang nga tumigil nako magtrabaho at si hubby ay maliit lang ang kita. Ngayon balak ko na bumalik sa trabaho pero ayaw ng mama ko. Gusto nya dito lang kami sa bahay ng anak ko at ayaw nya na tulungan ko si hubby. Naubos na ang ipon namin dahil sa gastusin at bilang siya nalang ang magisang kumikita, naibayad na sa bahay at sa mga bills ang sweldo nya. Walang kahati sa gaatos ang ang tatay ng anak ko sa ganitong panahon at pilit ko pinapaintindi sa mama ko na responsibilidad ko ang tatay ng anak ko dahil kami na ang magkatuwang sa buhay at di ko siya pwedeng pabayaan habang ako ay sagana sa kung anong meron ako dito sa bahay ng mama ko. Sinabi na rin ng mama ko na walang binatbat ang asawa ko dahil walang pera. Wala rin daw pangarap dahil maliit lang sinasahod at ayaw magabroad. Masama ang loob ko, hindi ko hinabol na magkaroon ng mayamang mapapangasawa dahil mahal ko yung tao at ang pera ay kayang kitain basta tulungan. Disenteng pamumuhay at hindi karangyaan ang susi ng kaligayahan namin ng tatay ng anak ko. Alam ko maganda ang intensyon ng mama ko dahil nabibigay nya ang mga pangangailangan ng anak ko pero ni isang piso ay di nya ako pinapahawak. Wala akong mabili na personal na gamit o para sa anak ko. Kaya gusto ko kumita, kailangan ko ng pantustos sa anak ko, at pang tulong kay hubby at para sa sarili kong gastusin. Hindi ko pwedeng iasa sa kanya dahil ang gusto nya nakakulong lang kami magina sa bahay at siya ang bahala sa lahat kaya pati pagdedesisyon ko sa pamilya ko ay naapektuhan. Si hubby ay madalang pumunta dahil sa pakikitungo ng mama ko sa kanya, gusto namin gumawa ng paraan pero panay kontra ng mama ko sa amin. Gusto namin buhayin ang bata sa paraan na tama para sa amin pero gusto ng mama ko siya ang magdedesisyon at pag di ako sumunod ay di nya ako kinikibo at iniipit sa mga binibigay nya para sa baby ko. Kinausap ko na siya pero wala siyang pakialam kung magkanda gutom na si hubby at walang mag alaga basta kami ay andito lang at minomonitor nya. Ang tiyahin ko at siya muna ang magaalaga kay baby hanggang makauwi ako at payag na magtrabaho ako pero si mama panay ang kontra. Paano kami makakabuo ng isang pamilya kung lahat ng desisyon ko ay biglang kinokontrol ng mama ko? Pati sss benefits ko ayaw nya pa paasikaso dahil kapag may hawak akong pera kaya ko ang sarili ko, at syempre tutulungan ko si hubby. Ano po ba magandang gawin? Salamat po.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kami ng LIP ko 2months preggy ako nung nalaman namin na buntis ako, tumira agad ako sa knila at naghanap agad sya ng trabaho. Although mga bata plang kami. 18 ako at 19 sya ay legal kami both sides. Buti nalang at mabait ang magulang naming dalawa, hindi kami pinapakialaman. Nung una gusto ko pagkapanganak ko saka ako lilipat sa kanila pero ayaw nya dahil gusto daw nya sya na ang magsusustento sakin at gusto nya ako makasama. Swerte ko lang talaga sa hubby ko dahil mbait, responsable at maalaga. Anyway, naaawa ako sa mom mo kase nabasa ko wala kana palang tatay so yung mama mo nalang mag isa(?) correct me if i'm wrong. Kung mag isa nalang mama mo sa bahay i suggest na palipatin mo nalang si hubby dyan para may kasama si mama mo kase kawawa naman. Siguro bago nyo magawa yun kailangan mo munang ipaintindi sa mama mo na may sarili na kayong pamilya, at lalong lalo na may anak na kayo. Hindi kana nya pwede kontrolin kase matanda kana eh alam mo na ginagawa mo. Suporta at gabay nalang siguro ang dapat nyang gawin.

Magbasa pa

Alam mo mommy, dapat ung boyfriend mo ang naninindigan para sainyong mag ina. Dapat gumawa siya ng paraan para maibukod kayo kahit gano kahirap. Ikaw kasi eager ka, pero dapat siya ung nagllead sainyo. Kung iaassure ka niya na kaya niyo bumukod, wala ka namang alinlangan sana. Pero dahil alangan ka na kaya kayong buhayin ng boyfriend mo, nahihirapan ka mag desisyon. Yun lang un. Di mo pwedeng idisregard desisyon ng nanay mo dahil alam mo sa sarili mong sakanya pa rin kayo nakasandal. Maski makapag work ka, sa nanay mo pa rin maiiwan ang bata. Kausapin mo boyfriend mo kung ano ba talagang plano niya para alam mo kung anong lagay niyong mag ina sa buhay niya

Magbasa pa
5y ago

Hala grabe naman sa clingyness hahaha! For us, iniintindi naman namin siya lalo na mahal nya apo nya kaya siguro gusto nya nakkita palagi. Pero syempre gusto namin bumukod as a family talaga. Yan ang aim ko for us, iba pa rin kasi talaga pag magkakasama. Salamat sis talaga sa info! :)

VIP Member

Hi mommy. Totoo po yung sinasabi ng iba (actually karamihan) na mahirap makisama sa in laws even sa sarili mong pamilya. Syempre mamamagitan ka sa asawa at magulang mo. Ang maaadvice ko po bilang kakastart lang din namin is you have to stand para sa family mo. Kayo po ang masusunod ng asawa mo para sa pamilya niyo. Hindi po kasi tlga maiiwasan na may comments ang inlaws or sarili mong pamilya sa inyo.

Magbasa pa
5y ago

Totoo po, hirap ang loob ko at naaawa ako sa anak ko. Miss na miss nya ang tatay nya at parang nahaharangan ng mama ko ang relasyon nila mag ama. Nakakalungkot kasi ayaw ko to maramdaman at sana hindi ganito kung hayaan nalang niya kami sa plano namin sa buhay.

Your family, your decision. And you are old enough to do so.. Wag kang magpa control sa mama mo lalo nat para naman sa ikabubuti ng sarili mong pamilya. Magtrabaho ka, you dont need her permission, matanda ka na sis.. Kung magalit man sya, dedmahin mo na lang. Ang importante ay maitaguyod nyong mag asawa ang binuo nyong pamilya.

Magbasa pa

since srling pamilya n png uusapan. mgdesisyon k ng mamuhay ksma s isng bubong asawa mo. magkakatampuhan kyo ni mami mo pro at d end of the day ank k nya apo nia yan ndi nia matitiis yn. swerte n hubby mo ksi eager ka n manindgan s srli nyong omlya kya sna patuloi kayo magtuwang ni hubby pra sa pmlya nio. God bless ur fam

Magbasa pa
VIP Member

Pareho po tayo ng sitwasyon. Hindi rin kami kasal ng partner ko at gustung gusto ko ng bumugod pero ayaw pumayag ni mama. Hindi ako makapagdesisyon ng para sa amin lalo na ngayon na ayaw makipag usap ng partner ko kay mama dahil nga kinokontrol nya kami. Ang hirap ng ganito.

5y ago

Ang hirap no, sis? Yung loob ko wala dito. Ang puso ko nasa ama ng baby ko at sa baby ko na. Sila ang pamilya ko.

Kausapin nyo po sya. Mas mabuti na bumukod kayo.

Kausapin mo po si hubby. Maganda naman intensyon ng mama mo. Syempre paliwanag mo din na may mga gusto ka din bilhin