Yun ex BF ko na bigla ako inadd sa FB after 26 Years na wala kaming communication or never nagkita.
BF ko siya 26yrs ago pero bigla na lang siya lumipat ng skul na walang pasabi. Inshort wala kaming closure. After 26 years bigla siya nagparamdam sa FB nagrequest siya and ako naman since matagal na kaming wala inaccept ko na walng malisya. Naikwento ko pa sa asawako and sabi naman niya wala namang masama. Kaso habang tumatagal nagsasabi siya na mahal pa rin niya ako at ang masakit bakit parang pati ako biglang bumalik sa dati. Tinanong niya ako kung pwede daw kami magkita. Ako naman nagpaalam ako sa husband ko para kako for closure at pumayag naman siya. Kahit nilalabanan ko lagi ko siya naaalala at feeling ko nga mahal ko pa siya. Lalo na lagi niya akong pinapadalhan ng mga love notes. Tulungan niyo naman ako kung anong gagawin para makalimutan ko siya. kasi mahal ko din po anak ko at asawa ko. Napakabait po ng asawa ko. Hindi kami nagkikita pero lagi ko din siya naaalala at nakukunsensiya po ako. Nagsabi pa ako sa asawa ko na tulungan niya ako na huwag magkasala kasi mahal na mahal ko sila ng anak namin.
di mo lang nakikita sis pero yung asawa mo (since nasa malayo sya) nahuhurt din yun. yes sabi mo pumapayag sya, okay sa kanya. pero have you thought yung feelings nya talaga as a husband na malayo and yung wife nya nagpapaalam, nagsasabi na tulungan sya na wag matempt? sis, 26yrs is 26yrs. napakatagal na nun. tama yung sabi ng unang nagcomment. closure is not important anymore. nagkaanak at nagkaasawa ka na po. dyan kasi nagsstart lahat ng problems. emotional cheating then sunod physical na.. just focus on your husband and kids. pray ng mataimtim at better na wag na magentertain ng past lover.. mas matetempt ka pa lalo. temptation kills all the present and future happiness mo as a mother/wife. Godbless po.
Magbasa pamomshie,if you dont want a problem with your husband and family as a whole,ikaw na mismo kumontra sa sarili mo. discipline yourself. control your mind. may asawa at anak ka. yung nakaraan mo,nakaraan na yon. hindi mo na dapat balikan kasi may commitment ka na ngayon. isipin mo nalang in the first place,kung hindi ba nagfriend request at umamin sayo ex mo na mahal ka pa nya,babalik din kaya feelings mo sa kanya? Think of it momshie. Bumalik lang sya as a form of TUKSO to you and even pumapayag at ok lang sa asawa mo magmeet or magkausap kayo,wag mo sagarin. Ang lalaki napupuno din. Ikaw na mismo dumistansya at magfocus nalang sa sarili mong pamilya.
Magbasa paboth kmi ng husband ko wlang any communications sa exes namin. Why? kasi ayaw namin ng issue kahit maayos or hnd ang hiwalayan. Sa isip mo lang yan mahal mo pa tssk ano sisirain mo ba pamilya mo pra sa ex mo? wag kang tanga sis. Una iblocked mo sya. Ikaw naman unting paramdam lang sayo bibigay ka na agad hayss labanan mo kasi hnd naman worth it na iwan mo pamilya mo pra lang sa ex mo. Pero if hnd mo na kaya then ikaw bahala ka maawa ka sa anak mo nalang. maayos na pamilya nyo tapos ikaw sisirain mo lang dhil sa ex. kumg mahal mo asawa mo then simple lan solution dyan very common lang sense IWASAN MO.
Magbasa paits been 26 years.. nag mamatter pa ba yung closure? its just a puppy love. may asawa't anak kana talagang nagpaalam kapa.. have some respect naman sa family mo. yes you can accept him in social media.. so what? pero di kana dapat nakipag communicate na umabot sansinabi nyang kesyo mahal kapa nya at makipag meet up.. alam mo na ano pakay nun. be smart. at alam nya may asawa ka. inamin mo din na natutukso ka makipag kita and you still have feeling for him too. lol thats cheating. wake up gurl.. di kana pabata.. focus on your family.. you know better. ☺️ kung sayo gawin nyan ng asawa mo gusto mo ba?
Magbasa pasame tau ng situation sis bigla dn ngparamdam un ex bf ko after 2yrs na bgla nea ko iniwan sa ere. .nag FR dn sya saken sa FB so inaaccept ko dn. .yes My Asawa at anak n dn aq. .ngChat sya sken n ngsisisi sya s ginawa nyang pgiwan sken after 2yrs akala nea may babalikan p dn daw sya Sabi ko lng sknya Wala na Masaya at Kuntento na ko ngaun. .Move on na lng tau Maging Masaya tau pra sa isat isa. Tska nirerespeto ko un feelings ng asawa ko although nbbasa nea un mga convo nmin ni ex. .tska hnd ko na masyado inientertain un mga pahaging ni Ex. .nAsasayo dn yan sis alam mo ang tama at mali. .
Magbasa paMaganda naman ang ginawa mo, dahil hindi mo ito nilihim sa asawa mo. Pati napaka bait ng asawa mo ah?.para payagan ka sa mga sinasabi mo. siguro Mi sapat na yung 26 yrs. closure na yun. etong ex mo feeling ko di lang naging okay ang lovelife kaya bumabalik. pero, ikaw okay ka na. okay na ang buhay mo. sana hindi maging dahilan para gumulo. pag nakipag kita si ex. sana wag nalang. okay na yung chat kumustahan. pero behind that wala na. unless may nararamdaman ka pa. (pero sana wala na) kung naguguluhan ka po. ipanalangin mo po.. na gabayan ka na maging tama ang mga desisyon mo.
Magbasa pamadam i-cut nyo na yan. may narinig na ako na ganyan at maniwala kayo, magsisisi lang kayo sa huli. Tied na kayo sa pamilya ninyo at kung nasa tama kayo na pag iisip ay di nyo na poproblemahin kuna ano or sino ang pipiliin or kung ano ang dapat pa na gawin. at please po, wag nyo bigyan ng lamat ang pagsasama nyo ng asawa ninyo. Focus lang po sa family goals ninyo please. nasa harapan nyo na ang kaligayahan, wag nyo na piliin ang lumingon at mag biglang liko. Move forward lang po sa buhay!
Magbasa paMay asawa ka na po. Regardless kung may closure or wala, dapat hindi mo na inentertain ung ex mo. Wag mo hayaan na masira ang pamilya dahil lang sa 'sweetness' ng ex mo. Alalahanin mo, minsan ka na niyang iniwan ng walang closure - kaya niyang gawin ulit un. Ifocus mo ang attention sa husband at family na binabuo ninyo kaysa aksayahin mo ang oras sa isang tao na walang kasiguraduhan at walang commitment sayo. Be wise. Kung may kulang ang asawa mo, sa kanya mo hanapin - wag sa iba. ❤
Magbasa paito ung part issue na ayaw ko mabasa hahaha kasi naman nakakairita aba ikaw ba naman iwan ng 26 yrs tapos aadd kalang sa social medya tapos may feellings ka pa din hahahaha girl wake up may asawa at anak kana di na tama ung babalikan at aalalahanin mo pa ung nakaraan sinabihan kalang na mahal kapa eh maniniwala ka naman agad 🤣🤣🤣🤣tapos asawa mo di mo naisip kong nasasaktan ba sya sa ginagawa mo or hindi.pag ginawa kaya ng asawa mo sayo yan ano ung mararamdaman mo.
Magbasa paBlock, block, block, sis! Wala nang paligoy-ligoy pa. Sorry maam ha. Walang malisya pero nakikipagkita ka. Gawin kaya yan ng mister mo matutuwa ka po ba? Sis, dapat ikaw gumawa ng paraan hindi yong asawa mo, kailangan niyo na po mag stop na entertainen yung ex mo. Wala kang mapapala diyan. Ikaw na nagsabi diba na mabait ang asawa mo bakit nag aalinlangan ka? Gusto mo po ba masira ang pamilya mo dahil lang sa ex mong ngayon lang nagparamdam after 26 years tapos kang iniwan sa ire?
Magbasa pa