Yun ex BF ko na bigla ako inadd sa FB after 26 Years na wala kaming communication or never nagkita.

BF ko siya 26yrs ago pero bigla na lang siya lumipat ng skul na walang pasabi. Inshort wala kaming closure. After 26 years bigla siya nagparamdam sa FB nagrequest siya and ako naman since matagal na kaming wala inaccept ko na walng malisya. Naikwento ko pa sa asawako and sabi naman niya wala namang masama. Kaso habang tumatagal nagsasabi siya na mahal pa rin niya ako at ang masakit bakit parang pati ako biglang bumalik sa dati. Tinanong niya ako kung pwede daw kami magkita. Ako naman nagpaalam ako sa husband ko para kako for closure at pumayag naman siya. Kahit nilalabanan ko lagi ko siya naaalala at feeling ko nga mahal ko pa siya. Lalo na lagi niya akong pinapadalhan ng mga love notes. Tulungan niyo naman ako kung anong gagawin para makalimutan ko siya. kasi mahal ko din po anak ko at asawa ko. Napakabait po ng asawa ko. Hindi kami nagkikita pero lagi ko din siya naaalala at nakukunsensiya po ako. Nagsabi pa ako sa asawa ko na tulungan niya ako na huwag magkasala kasi mahal na mahal ko sila ng anak namin.

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

di mo lang nakikita sis pero yung asawa mo (since nasa malayo sya) nahuhurt din yun. yes sabi mo pumapayag sya, okay sa kanya. pero have you thought yung feelings nya talaga as a husband na malayo and yung wife nya nagpapaalam, nagsasabi na tulungan sya na wag matempt? sis, 26yrs is 26yrs. napakatagal na nun. tama yung sabi ng unang nagcomment. closure is not important anymore. nagkaanak at nagkaasawa ka na po. dyan kasi nagsstart lahat ng problems. emotional cheating then sunod physical na.. just focus on your husband and kids. pray ng mataimtim at better na wag na magentertain ng past lover.. mas matetempt ka pa lalo. temptation kills all the present and future happiness mo as a mother/wife. Godbless po.

Magbasa pa