Yun ex BF ko na bigla ako inadd sa FB after 26 Years na wala kaming communication or never nagkita.

BF ko siya 26yrs ago pero bigla na lang siya lumipat ng skul na walang pasabi. Inshort wala kaming closure. After 26 years bigla siya nagparamdam sa FB nagrequest siya and ako naman since matagal na kaming wala inaccept ko na walng malisya. Naikwento ko pa sa asawako and sabi naman niya wala namang masama. Kaso habang tumatagal nagsasabi siya na mahal pa rin niya ako at ang masakit bakit parang pati ako biglang bumalik sa dati. Tinanong niya ako kung pwede daw kami magkita. Ako naman nagpaalam ako sa husband ko para kako for closure at pumayag naman siya. Kahit nilalabanan ko lagi ko siya naaalala at feeling ko nga mahal ko pa siya. Lalo na lagi niya akong pinapadalhan ng mga love notes. Tulungan niyo naman ako kung anong gagawin para makalimutan ko siya. kasi mahal ko din po anak ko at asawa ko. Napakabait po ng asawa ko. Hindi kami nagkikita pero lagi ko din siya naaalala at nakukunsensiya po ako. Nagsabi pa ako sa asawa ko na tulungan niya ako na huwag magkasala kasi mahal na mahal ko sila ng anak namin.

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May asawa ka na po. Regardless kung may closure or wala, dapat hindi mo na inentertain ung ex mo. Wag mo hayaan na masira ang pamilya dahil lang sa 'sweetness' ng ex mo. Alalahanin mo, minsan ka na niyang iniwan ng walang closure - kaya niyang gawin ulit un. Ifocus mo ang attention sa husband at family na binabuo ninyo kaysa aksayahin mo ang oras sa isang tao na walang kasiguraduhan at walang commitment sayo. Be wise. Kung may kulang ang asawa mo, sa kanya mo hanapin - wag sa iba. ❤

Magbasa pa