Confused 😞😞

Hello mga mommies. Need lang po nang advice. Tinanong ko kase yung husband ko if mahal pa nya yung childhood bestfriend nya tapos sagot nya saken is parang mahal pa nya na hindi na, he's confused po. Meron na po kaming 2 babies and wala naman po syang ginawang way para makita or makausap yung girl. Thanks po sa sasagot. #advicepls

Confused 😞😞
6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

for me mommy, if ok nmn po yung asawa mo at goodboy namn siya,and the fact na may babies na kayo, there's no need na tanungin pa kung mahal nya pa previous girl niya.. just focus on your family.. aminin natin o hindi, may mga babae na nakakaramdam ng insecurities it is because may fear na baka magbago ang boy sa huli o magkagusto sa iba o bumalik sa dati. Pagsikapan mong maging maasikaso sa asawa at maalaga sa tahanan at pamilya, maging mahinahon lalo na sa salita(minsan nakakastress kasi para sa lalaki ang mabunganga o palasumbat na babae) and agree or not, dapat makarinyo ka sa asawa mo. hindi ibig sabihin na lalaki lang ang mangangarinyo sa babae, dapat ang babae marunong din. nakakadagdag yun sa init ng inyong intimacy.. and most of all, ipagdasal mo rin mommy. alam mo po, maraming practical advices ang itinuturo ng bible tungkol sa matagumpay na pag-aasawa. sounds OA, pero applicable po talga. sana makatulong po sayo☺️

Magbasa pa
4y ago

Minsan kasi mommy, may mga lalaki na hindi agad nakakarealize ng contentment. tatanungin mo kita, bakit kaya nagdecide siya ng pakasalan ka rin niya? dahil ba may babies na kayo? kahit sino po ay nakakaranas ng confusion, and for me, sa pamilya, babae po ang nagdadala. kailangan mo mommy ng maraming pasensya, maging mahinahon ka. hindi man basta basta, but eventually maaaring magwork ang effort. let me share, medyo mahaba lang ng konte liberated ang pamilya namin, not in clothing but in decision making. Halimbawa, basta ok at walang magigingproblema, pwedeng gawin ng babae at lalaki ang mga gusto nila (except ang pakikiapid), sa mga anak nmn kapag dumating na sa mayor de edad, kaming mga anak na ang bahala magdesisyon sa sarili namin, hindi na kami pakikielaman ng magulang. sa kabaliktaran namn, consevative ang pamilya ng asawa ko. wherein ang lalaki o ang tatay ang nagdedeside. nakikinig at nagsusuggest lang ang babae but the final desisyon ay nasa lalaki. sa mga anak, sunod lan

VIP Member

Question: Bakit mo po siya tinanong? Ano pong purpose at binabalikan at nire-renew mo pa yung past niya? Makakatulog ba yun para makapag move on siya? Advice: Don't bring up past memories and feelings into your present. Help him move on. Talking about the past is just reminiscing on the poeple and feelings that he should forget. Hindi maganda yun. Hindi lahat ng past pwedeng balikan at pag usapan, lalo na kung makakasira ng katatagan ng relationship niyo. Tignan mo ngayon, bothered ka tuloy dahil sa answer niya. Remember po, husband mo na siya at may 2 na kayong anak. Think and move forward to everything that will help strengthen your relationship and family. Hindi backwards that could potentially destroy your peace of mind and relationship.

Magbasa pa
4y ago

Hmm 🤔 Siguro dapat lagi mo siyang i-remind kung sino-sino at ano-ano na dapat ang mahalaga sa buhay niya ngayon. Kung sino-sino masasaktan at maaepektuhan kung ipinagpapatuloy niya yung ginagawa niya at humantong pa sa malala. Don't threaten though, talk to him calmly at be patient.

VIP Member

Ohhh maybe may magandang samahan lang talaga si H mo mommy tsaka yaong childhood friend nya. Baka ganon lang po un. May mga emotions naman po talaga tayo na tinitreasure eh esp if its special to us. As long as it will not disrupt your marriage then I think its a good thing that your H is being honest to you.

Magbasa pa
4y ago

ako nga po yung pinakasalan pero hindi naman pala ako mahal 100%

VIP Member

Baket po pumasok sa isip nyo itanong yan sknya? Ikaw naman yung kasama nya ngayon. Dont try to asked him again. Just focus sa inyong dawala and sa baby nyo. Wag kang gumawa ng isang bagay na pag aawayan nyo lang kagaya nyang pagtatanong mo mamsh. Ikaw lang nagpapa stress sa sarili mo.

4y ago

hindi po ako ok emotionally dahil dyan. pinakasalan ko sya kase akala ko hindi na nya mahal yung girl. Minsan ko na sya nahuli nakipag date

..may ganun talaga..may mga taong dumaan sa buhay natin na hindi padin ntin nakakalimutan..ang mahalaga ay ikaw ang pinili nyang makasama ibig sabihin mas mahal ka nya...

hindi nyo na po dapat tinatanong ang past esp wala naman dapat ikabahala. huwag po gumawa ng sariling multo.

4y ago

hindi po mapakale yung isip ko. Minsan ko na po syang nahuli nakipag date sa girl at gumawa nang dummy account