Yun ex BF ko na bigla ako inadd sa FB after 26 Years na wala kaming communication or never nagkita.

BF ko siya 26yrs ago pero bigla na lang siya lumipat ng skul na walang pasabi. Inshort wala kaming closure. After 26 years bigla siya nagparamdam sa FB nagrequest siya and ako naman since matagal na kaming wala inaccept ko na walng malisya. Naikwento ko pa sa asawako and sabi naman niya wala namang masama. Kaso habang tumatagal nagsasabi siya na mahal pa rin niya ako at ang masakit bakit parang pati ako biglang bumalik sa dati. Tinanong niya ako kung pwede daw kami magkita. Ako naman nagpaalam ako sa husband ko para kako for closure at pumayag naman siya. Kahit nilalabanan ko lagi ko siya naaalala at feeling ko nga mahal ko pa siya. Lalo na lagi niya akong pinapadalhan ng mga love notes. Tulungan niyo naman ako kung anong gagawin para makalimutan ko siya. kasi mahal ko din po anak ko at asawa ko. Napakabait po ng asawa ko. Hindi kami nagkikita pero lagi ko din siya naaalala at nakukunsensiya po ako. Nagsabi pa ako sa asawa ko na tulungan niya ako na huwag magkasala kasi mahal na mahal ko sila ng anak namin.

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Block, block, block, sis! Wala nang paligoy-ligoy pa. Sorry maam ha. Walang malisya pero nakikipagkita ka. Gawin kaya yan ng mister mo matutuwa ka po ba? Sis, dapat ikaw gumawa ng paraan hindi yong asawa mo, kailangan niyo na po mag stop na entertainen yung ex mo. Wala kang mapapala diyan. Ikaw na nagsabi diba na mabait ang asawa mo bakit nag aalinlangan ka? Gusto mo po ba masira ang pamilya mo dahil lang sa ex mong ngayon lang nagparamdam after 26 years tapos kang iniwan sa ire?

Magbasa pa
3y ago

trueee. nasa kanya ang sagot hindi sa asawa nya. kung talagang mahalaga at mahal nya pamilya nya wala ng paligoy ligoy pa. biruin mo 26yrs na tapos ganan mararamdaman 😅