Gender Disappointment
Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u
Sakin gusto din ng partner ko na boy ang baby namin, baby boy kasi talaga gusto nila ng kuya nya pagnagka anak. Pero nung nagpa ultrasound kami and girl ang lumabas, never ko nakita sakanya na nalungkot sya or na disappoint sya. Infact kung ano mga plan nya for baby boy, gagawin nya parin sa baby girl namin. Besides hubby mo ang nag produce ng girl so i think sa self nya nalang sya dapat ma disappoint. And ikaw naman momsh u shouldn't feel that way too, kasi blessing yan. And fyi, paki sabi to sa partner mo para naman sa self nya sya madissapoint Men determine the sex of a baby depending on whether their sperm is carrying an X or Y chromosome. An X chromosome combines with the mother’s X chromosome to make a baby girl (XX) and a Y chromosome will combine with the mother’s to make a boy (XY). 🙂
Magbasa paAno ba yan. Kaloka nmn kayu bakit d nalang magpasalamat sa kung ano meron. At kung gusto niyo sana tlga ng boy nag calendar method kayu pwede daw yun kung gusto niyo pumili ng gender dapat nag research muna kayu kung pano magkaroon ng baby boy kung yun pla gusto niyo accept kung ano meron mmaya niyan sa ganyang ginagawa niyo oh pinaparamdam niyo sa baby. Bigla bawiin sa inyu . Ps nagpapasalamat nalang pala ako hindi ganyan ang hubby ko. Best narinig ko sa kanya kahit ano pa gender ni baby basta makaraos lang kami at maging healthy parehas . Pps. Ikaw nagdadala sa bata kung gusto mo mgng healthy baby mo wag kalungkutan ang pairalin mo kausapin mo mister mo ipaintindi mo n khit hindi boy mggng baby niyo blessing parin yun lalo mggng only girl xia.
Magbasa paGinusto ko rin na boy first baby namin kasi unang apo sa side ni hubby tapos di rin kasi ako maarte para bihisan ang girl na baby. Si hubby ko naman sabi niya kahit ano. May time pa nga na sabi niya girl gusto niya para di makulit. Nung inultrasound ako for gender at girl lumabas, inaccept ko na siya. Importante healthy si baby. Tapos binilhan na rin namin siya mga pink na clothes and stuff at super excited na kami for her. Si hubby ko kung mamili ng gamit ultimo mattress color pink kasi girl daw baby namin. Sabi ko pano kung boy ang next, sabi niya matagal pa naman daw yun. Mas okay naman ang girl, mas maasikaso sa magulang, mas malambing. Hindi mo pagsisisihan yan sis. Hayaan mo asawa mo sa una lang yan. Ang mga daddy kaya gusto rin nila ng daddy's girl.
Magbasa paNgayon ko lang nalaman na meron pa lang mga ganyan. Thanks for sharing. With my panganay kasi which is unexpected pregnancy wala talagang check up sa ob so sabi namin kahit baby girl or baby boy okay lang. So noong pagkapanganak ko baby girl nga sobrang tuwa naman namin kasi blessing parin naman yun. With my second pregnancy pinagpray talaga namin na sana baby boy na para pair na sila and enough number of babies na yun. Thank God grinant niya yung prayers namin na baby boy. With your question, sana mas mapadali ang pag tanggap ni hubby sa gender ng baby niyo kasi blessing prin naman yan. Girl or boy dugo at laman niyo parin si baby. I really wish na tanggap na ni hubby kasi alam mo yun nakakasad na madedeprive siya just because of her gender. ❤️
Magbasa paMy husband felt disappointed too nung sinabi na girl yung baby namin. But at that point, ako lang kasi nakakapunta ng check up. Never niya narinig yung heartbeat, nakikita niya lang eh yung paper ng ultrasound. Gusto niya boy kasi gusto niya may mag dala ng surname niya if ever. However it changed nung lumalaki na yung tiyan ko and nakapag isip na kami ng name, mas lalo siyang naeexcite kahit girl nung 1st time niya narinig yung heartbeat ni baby. Medyo foul yung kinakausap ng husband mo yung kapatid niya para palit sila. Pero mag change din siguro yung perspective niya. The important thing is for the baby to be healthy. Pag naging Daddy's girl yan, baka mas gustuhin niya pa magka girl ulit. Hehe.
Magbasa paoh my! my LIP wanted to have a baby girl...ayun ung wish niya sa baby namin...dami pa niya ginawa na name for baby girl and dami din niya plans...and then 1st ultrasound ndi makita pa gender then next..same...and then nung nagpa CAS ako finally..gender is boy...hindi ko masabi sa husband ko na boy ang gender and then here it goes...napaaga ako na delivery dahil sa bp...and then sinabi ko sa kanya na boy ang baby...sabi niya akala niya girl tapos sabi ko boy ung sa ultrasound...and then naiyak ako when he said..hindi mo sinabi para hindi ako madisappoint. whatever the gender..mahal ko ang baby..at tatanggpin ko..i have preference pero hindi ibig sabihin..hindi na tanggap kapag hindi un nangyari...so lucky to have him ❤
Magbasa paAko po 3rd baby na namin , 1st nakunan , 2nd twins baby boy but sad to say nasa heaven na sils due to premature birth , ngayong 3rd ongoing nako 8 mos. buong akala namin girl sya kaya nung nagpa ultrasound kami nagulat kami na boy , pero sa 3 beses ako nagpagender mula 1st to 3rd pregnancy ko ang lagi lang dasal namin ng hubby ko ay kaligtasan at healthy na pagbubuntis at pangangak ko masaya ko kse tinanong ko sya if bakla or tomboy or magka special na sakit ang anak namin ok lang ba o tanggap nya ang sinabe nya lang kahit anung mangyari ang mahalaga buhay sya , buhay kayo😇 kaya i pray sana matanggap ng hubby mo ng buo yan kasi blessing yan ano pa man ang gender di naman ibibigay yan kung walang reason😊
Magbasa paaq dn sis nung nalaman namin na buntis aq gustong gusto ni partner na boy ang magiging anak namin ..pero inuunahan qna xa at tinanong wat if pag babae hindi mo b mamahalin?? sagot nya ok lng dn nman daw kasi maganda dn if babae ksi my mag ddisiplina sa kapatid nya balang araw mas nauna kasi matured ung babae ..sa ngayon sis 18wks plng nman aq di qpa alam gender ni baby .sakin ok lg nman kng ano maging gender ng anak namin kaso ung partner q lg nman kasi ina.assume nya na talaga na lalaki .😁 hirap dn kasi umasa kaya nagiging nega talaga aq kpag sinasabi nya na boy ..ok lng yan sis paglabas ni baby matatanggap nya rin yan dugot laman nyo dn kaya yan at isa pa ang hirap kaya magka anak at manganak .
Magbasa paGnyan dn po hubby q b4 s first baby nmin momsh dhil ng expect xa n bka boy baby nmn dhil s mga sv sv dhil nga dming chnges skn hbng buntis aq and gusto q dn that time ibigay un pra mtuwa xa pero s icp icp q kht ano ibigay bsta d skitin at bibong bata ok lng skn till nung ng 8months bgo mkta gender nya ksma q p xa nun hbng inuultrasound aq ng cnbi ng ob q girl nd mnlng xa ngumiti den sv q nlng sknya pglbas nmn n ano ggwin ntin kung girl ang bnigay stin alangan ipgplit m anak m s iba db .. kc nainis aq s reaction nya till manganak aq nung nkta nya anak nmn halos d n nya bitawan to the fact n xa ung kamukha hahaha .. payo lang huh hyaan m muna xa den paunti unti kauspin m mwwla dn po yan for sure
Magbasa paKahit ano pa po yung gender ng baby nyo dapat mahalin nyo siya ng buong puso kasi sa inyo pa rin naman nanggaling yan. Dugo't laman nyo pa rin po yan. Nung una palang mamsh, sana si-net nyo na yung mind nyo na may possibility na babae ang baby nyo. Wag nyo pong i-tolerate yung disappointment nyo sa gender ni baby kasi kawawa naman siya if dahil lang dun hindi enough love and care yung matatanggap niya, in the first place po di po ba aware asawa nyo na chromosome nilang mga lalaki ang nagdedetermine ng magiging gender ng baby? Look on the positive side po as long as healthy si baby dapat maging masaya po kayo. Paintindi nyo po sa hubby nyo na dapat maging grateful po sya anu pa man.
Magbasa pa