Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ginusto ko rin na boy first baby namin kasi unang apo sa side ni hubby tapos di rin kasi ako maarte para bihisan ang girl na baby. Si hubby ko naman sabi niya kahit ano. May time pa nga na sabi niya girl gusto niya para di makulit. Nung inultrasound ako for gender at girl lumabas, inaccept ko na siya. Importante healthy si baby. Tapos binilhan na rin namin siya mga pink na clothes and stuff at super excited na kami for her. Si hubby ko kung mamili ng gamit ultimo mattress color pink kasi girl daw baby namin. Sabi ko pano kung boy ang next, sabi niya matagal pa naman daw yun. Mas okay naman ang girl, mas maasikaso sa magulang, mas malambing. Hindi mo pagsisisihan yan sis. Hayaan mo asawa mo sa una lang yan. Ang mga daddy kaya gusto rin nila ng daddy's girl.

Magbasa pa