Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kahit ano pa po yung gender ng baby nyo dapat mahalin nyo siya ng buong puso kasi sa inyo pa rin naman nanggaling yan. Dugo't laman nyo pa rin po yan. Nung una palang mamsh, sana si-net nyo na yung mind nyo na may possibility na babae ang baby nyo. Wag nyo pong i-tolerate yung disappointment nyo sa gender ni baby kasi kawawa naman siya if dahil lang dun hindi enough love and care yung matatanggap niya, in the first place po di po ba aware asawa nyo na chromosome nilang mga lalaki ang nagdedetermine ng magiging gender ng baby? Look on the positive side po as long as healthy si baby dapat maging masaya po kayo. Paintindi nyo po sa hubby nyo na dapat maging grateful po sya anu pa man.

Magbasa pa