Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

My husband felt disappointed too nung sinabi na girl yung baby namin. But at that point, ako lang kasi nakakapunta ng check up. Never niya narinig yung heartbeat, nakikita niya lang eh yung paper ng ultrasound. Gusto niya boy kasi gusto niya may mag dala ng surname niya if ever. However it changed nung lumalaki na yung tiyan ko and nakapag isip na kami ng name, mas lalo siyang naeexcite kahit girl nung 1st time niya narinig yung heartbeat ni baby. Medyo foul yung kinakausap ng husband mo yung kapatid niya para palit sila. Pero mag change din siguro yung perspective niya. The important thing is for the baby to be healthy. Pag naging Daddy's girl yan, baka mas gustuhin niya pa magka girl ulit. Hehe.

Magbasa pa