Gender Disappointment
Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u
Ako po last week lang nagpa Ultz, and was eagerly praying na girl yung baby ko, as in super gusto ko ng girl pero si husband sinasabi niya na gusto niya din naman ng girl, pero nung nalaman na ang gender, ako yung nalungkot kasi never i imagined na magkaroon ng boy kasi bago ako mabuntis pinagppray ko na girl lang but my husband's tears comforted me, he secretly wanted to have a boy... saw him na sobrang happy, na accept ko na . I hope your husband will do the same mafefeel yun ng baby..it is not us who choose kung ano mgiging gender.Its God! Share ko lang po ang mas nag comfort sakin, "God's NO is a Blessing!".. tell niyo po sa husband niyo. God bless po.
Magbasa paSame feeling ko din yan momsh nung buntis pa ako kase gustong gusto talaga ng partner ko na magkaron ng anak na lalake. Sya panganay sa kanila tas yung dalawang kapatid nya both lalake first born. Iniisip ko non disappointing yung gender ng anak namin para sa kanya. Nung mga times na yun halos di ako maniwala sa kanya na mamahalin nya ng same anak namin kung sakaling naging boy pero nung manganak ako at nakita niya ang baby girl namin super proud sya at mahal na mahal nya. Nakakapagselos nga minsan eh kase paguuwi sya ng bahay lagi nlng si baby hahaha lagi buhat tas gusto nya sya magaasikaso lahat βΊοΈ malay mo momsh ngaun lang yan magiiba din husband mo once nakita na nya anak nyo π
Magbasa paSa side ng bf ko puro unang apo girl,kaya nung ako na nagbuntis now gusto nila Boy na eh Baby girl ang amin! Hahaha alam mo were hoping for baby boy but my BF told me "Yes my princess tayo,excited n ako for us. Mag isip na tayo ng name at bibilhin kay baby. Dapat princess ang theme ng gamit at room nya". Kung mahal ka ng partner mo dapat masaya pdin sya. Or baka naman nabigla lang sya. Before sinabi ko na sa BF ko na kung ano man ang gender ni baby sya ang may dahilan nun hnd ako kaya wala syang karapatan na magreklamo. Buti nalang hnd kasi kung gnyan baka nasapak ko pa sya. Anyways magbabago yan kapag nakita nya kung gano kacite si baby paglabas! Malay mo maging daddys gilr pa yan
Magbasa pabuti yung hubby ko kahit anong gender bet na bet nya hahaha inexpect na nya na girl yung bb namin base sa pamahiin daw hahahahaha ayon nga nung nakita sa pelvic ultrasound confirm it's a girl no dissapointment kay hubby sabi nya okay lang daw any gender π may queen na daw sya may princess pa hahahahahaha gago yata yang hubby mo maraming gusto magkababy saka ganito na lang gawin mo flex mo sa kanya mga advantage ng bb girl like malambing sa daddy nya or maraming iba ibang dress na maisusuot saka mga headbands na mabibili mag eenjoy sya ayusan si baby with you ganon tapos flex mo rin na flexible ang girl babies pwede nya sakyan trip ng daddy nya ππ€£
Magbasa paKaya ako, kami ng hubby ko never nag expect sa gender. Wala sa mindest namin na dapat girl or boy. Gusto ko boy, gusto ko girl or dapat boy dapat girl. No! Kasi blessing ang anak whatever the gender is. Una naming baby is nawala beacause of ectopic. Kaya lagi lang namin prayers magka anak kahit ano gender basta healthy. Imagine, ang daming hirap magka anak pero ikaw biniyayaan ka. I have two girls na and Finally, buntis ulit ako sa pang third and it's a boy na. Pero wala saamin umasa na boy pero binigay ni Lord. Kaya we have two girls na and 1 boy. Malay nyo sa susunod boy na. Be grateful dapat. Wagkana ma stress Mamsh! Yaan mo yang hubby mo. π
Magbasa paung partner ko tinanung ko sya kung ano gusto nyang gender ni baby sabi nya gusto nya daw girl pero yung papa at ate nya gustong maging panganay nya ee boy.. kea tinanung ko ulit sya pano kung boy sabi naman nya edi boy..kahit anong gender naman daw ok.lng sakanya buti nalang ganyan mindset nya pero mas gusto daw sana nya girl kac pamangkin nya daw boy na kea dapat girl naman daw.. ee sabi ko naman ok.lng naman kahit ano gender kac panganay naman, tapos un nga sabi nya kaya nga daw..tapos yun cnama ko sya magpa.ultrasound nung 6mons.na c baby gusto ko din kea makita reaction nya..at yun, wish granted baby girl sya..nakita ko nag.gilid luha nya..π
Magbasa paMy hubby and i, wanted to have a baby girl too.. But, when i take an ultrasound we found out that it's boy.. Yes, we felt dissapointed at first 'ung nasabi nya na nga lng ng nakita na ng OB ko ung gender ko "is okay lng" which is mafi'feel mo tlga sa voice nya na dissapointed sya.. But, right after that wlang nagbago, like how he talk to our baby in my tummy, how he kiss, nothing has change.. All you/we need is accept.. What gender of our baby had gave.. Still it's a blessing.. So, just accept, with all your heart, besides it's baby.. It's your baby.ππ So, think positive.. Soon, your hubby will be happy at what your baby gender is..
Magbasa paGender disappointment is a real thing, hindi lang napag-uusapan madalas dahil sa judgement ng iba, but among other moms sa mom group na kasali ako, this is fairly common. For some men po kasi, nahihirapan sila mag-form ng bond hanggat hindi pa nila nakikita/nabubuhat si baby. Maybe try to involve him po sa progress ni baby. Track her growth regularly, like weekly development. Dito sa app, meron everyday. Kung kaya ng budget and ok lang sa inyo, try getting a 3d/4d scan para makita nyo sya. Ikwento mo sa kanya kamusta yung check up mo. Let him bond with your bump. Kausapin nyo, kantahan, etc. I hope makapag-adjust po ang husband nyo soon.
Magbasa panakakalungkot naman! wala pa man c baby hindi p naisisilang inaayawan na cia. sabihin mo sa husband mo maging mapag pasalamat kayo dahil hindi lahat nabibigyan ng pag kakataon mag ka anak at maging magulang. wag nyu po questionin ang binigay ni god . tska mommy ikaw ang nanay bat parang mas nalulungkot k pa sa feelings ng asawa mo kesa sa pwedeng maramdaman ng anak mo. intindihin mo ung baby mo ndi feelings ng asawa mo. ikaw dapat taga pagtangol ng anak mo. godbless kay baby! sana maging maaus cia pag labas nya kahit ayaw sa knya ng tatay nya ! sensya n sa comment kasi parang ako ung mas dis appointed sa attitude ng asawa moπ‘
Magbasa palahat naman po siguro nkakaramdam ng gender disappointment lalo na kung nag eexpect . katulad samin . ung first baby namin boy pero sa side ng asawa ko nag eexpect ng girl kase puro lalaki kase sila isa lang babae . pero tanggap naman ng husband at ng inlaws ko si panganay namin . tas ngayon ung pinag bubuntis ko eniexpect nila lalaki padin pero nung nag pa ultra na kami girl . kaya masaya silang lahat ... kausapin mo po ung husband mo . blessing pa din po yan kahit anong gender ni baby . isa pa kahit anung dissappointment pang maramdaman nya kung yan ang binigay sa inio wala po kaung magagawa . ππ
Magbasa pa