Pabalik balik na UTI sa buntis??? Anong pwede gawin!!!😣😣😣

Ask ko lang mga mhii currently 24 weeks pregnant yung UTI ko kasi pabalik balik nung una unti lang nakita nagamot naman tapos ilang weeks/months lang bumalik nanaman tapos pangalawa ilang weeks lang din bumalik nanaman tapos ngayon kaka admit sa ospital meron nanaman daw sumasabay sa acid reflux ko kaya sobrang sakit nya mula likod hanggang sikmura... Sinusunod ko naman yung advice tska mga gamot na binibigay nila pero bakit pabalik balik? Ayaw kona sana mag antibiotics kasi same lang na antibiotics pinapainum sakin same dosage tapos bumabalik nakaka kaba pa naman mag Antibiotics kahit resete pa ng doctor. Baka kasi ma stress na si baby sa antibiotics??? Ano kayang pwede gawin??? Sa mga same case kopo dyan???

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ilang beses na din ako ng pa urinalysis test una magpa 2nd opinion daw ako kasi mataas yung infection nagpa test ako sa private clinic for 2nd opinion ang baba ng result ng uti ko. pero niresetahan pa din ako antibiotic ng obgyn ko kasama nun pampakapit kasi kahit sabihin mo na safe sa buntis ang antibiotic na yun kung hindi kayanin ng baby indi nya talga kakayanin, 2 tablets lang ang na take ko kasi itinigil ko gawa ng grabe ang effect sakin as in. kaya idinaan ko sa buko juice arae arae 1 week mahigit yun, then nag start ako ayusin hygine ko. since nagamot naman yung viginal discharge ko hindi na ki gumamit ng gyne pro or kahit anong fem wash... daily ako naghhuugas ng private part ko with silka na sabon lang. then nakain pa din ako ng mg cravings ko like siomai or fries ganon pero in moderate na lang gawa mo na lang ng paraan kahit papaano ma satisfied ka like sa fries wag mo palagyan ng flavor hehe sa siomai yung toyo hinahaluan ko ng tubig para di msyado mataas ang level ng alat ganon lang. nag pa test ulit ako kahapon ng urinalysis test thanks God clear na ko sa UTI pero di pa din ako pakampanti hanggat buntis ako kasi mas mataas pa rin Ang risk hanggat buntis.

Magbasa pa
1mo ago

sinusunod naman lahat kasi yun talaga kaylangan kahit nga tikim ng mga pagkain na bawal talaga di ko ginagawa as in.

+1 ako sa lahat ng nag sabi buko juice. sa 1st month ko alam kong may konting UTI ako mi, buko juice ako straight 1 week,then naging okay ako, then to maintain na hindi babalik ang UTI, at least once a week, umiinom ako mi. then regarding sa meds, alam yan ni OB mga pwedeng gamot sa inyo. kasi sa journey ko sa 2nd pregnancy ko, (currently 2 months 10 days post partum) dami nangyare sa akin. 3 times ako nilagnat, naLBM ako ng 3 days, naadmit ako for threatened preterm labor. may mga antibiotics na meds ako mi. so far so good naman baby ko mi, healthy siya at wala Naman naging problema.

Magbasa pa
1mo ago

@rachel ilang months tumagal acid mo mii? sakin kasi simula 3-4 months diko pa alam that time na acid na pala yun kaya ako na confine nung una. tapos lately lang sya nag worst i mean hindi naman super worst pero grabe yung atake kasi nya lalo na kung sasabayan ng UTI.

Mag PROBIOTICS for women ka po mommy.. ako KC bago magbuntis Palagi may UTI pero nag probiotics ako at 3 liters water per day sa buong pregnancy ko. wash din Palagi running water pag wiwi.. wag po gagamit ng feminine wash clean water lng po at mild soap pag naligo. buko juice ko po everyday 1 glass KC un po pinag lihi ko Saka gusto ni baby.. sa awa ng Diyos never po ako nagka UTI. ingat po tayo lahat Godbless us all.

Magbasa pa
1mo ago

bili ka buko na fresh tapos lagay mo lang sa pitchel pede mo lagay sa ref for 1weeks... everyday 1 glass . tapos ung sa acid reflux miii uminom ka ng nature spring PH9 search mo mie yun ang nagpagaan ng buhay ko. PROBIOTICS for women me pede mo search sa Lazada dun lang ako bumibili.

try mo uminom sa Umaga pagkagising Isang baso tubig maligamgam araw araw dahil nakatulong din sa uti yan.tapos dahiman mo tubig sa araw iwasa mo muna maalat. ganyan ginagawa ko ako iniisip ko my UTI ako kasi hilig ko sa alat Buti nlng Pag laboratory wala ako UTI kasi palagi tlaga ako umuinom tubig maligamgam sa Umaga Pag gising yung wla pa laman.

Magbasa pa

ako non mi 3 beses akong nag antibiotic yung una hindi sya effective pangalawang antibiotic di nanaman effective yung pangatlo mjo mjo lang tas may rineseta nanaman sakin ng OB ko na pinapasok sa pwerta ayon ok na.. more on water din mi.. yung buko juice walang effect nagka acid lng ako.. nagpa CAS ako awa ng Diyos normal naman baby ko 🧿🙏

Magbasa pa
1mo ago

magkano po pa CAS nyo? kahit walang recommendations ng ob pwede gawin diba?

Sis ako may UTI even before pregnancy, try mo buko juice everyday or atleast 3x a week maintain mo na din yun then more more water, pagmagwiwi lagi ka magwash ng water lang no sabon then pat dry lagi and sipagan magpalit ng undies 😉 wag ka din kumain masyado ng salty foods. more sabaw sabaw din ang food

Magbasa pa
1mo ago

nag try nako ng buko juice and I think di sya pwede sakin ng everyday cause I have acid reflux kaya trina try ko nalang din sya 2x a week. yes po laging tubig lang pang wash ko tska more on palit talaga lalo na kapag may discharge. dipo ako nakain ng salty food's since may acid reflux ako bawal din.

advise ko lang po. wear cotton na underwear. then every time na mag wiwi or cr may sariling towel po para sa private part natin. make sure na dry and clean palagi down there. try nyo po buko juice or dahon ng sambong, or yung cranberry juice diluted in water. treetop brand. 🙂

Magbasa pa
1mo ago

ganito dn po gngwa ko, may sarili akong pamunas sa private part ko, di rin po advisable and tissue mhie kc mnsan may naiiwan na puti puti lalo pag basa ung pinupunasan at bka mas lalo ka lng ult mgkaUTI..tpos un nga wag ka magsusuot ng masisikip na panty or shorts..atxka cno po nagsabi na hnd advisable ang buko juice e no.1 nga gamot sa UTI un

Nag pa-urine culture ka na? If hindi pa, try mo mag-request sa OB mo ng urine culture ka, dun kasi malalaman kung anong bacteria ang meron sa ihi mo at kung anong antibiotic ang effective sa bacteria na yun.. Avoid having intercourse din muna kasi it could cause UTI din.

1mo ago

nung nagawa ko yung urine culture sabi naman kasi ng ob ko na okay naman na daw okay yung result nung binasa nya. then tinanong lang nya if nag antibiotics ako ako. same lang lagi na cefuroxime antibiotics. everytime naman na admit ako may mga laboratory at meds na pinagawa at binibigay ginagawa ko naman sya as soon as possible para maipasa sa kanila.

Buko ka Mi sa umaga wala pa laman tiyan mo, ganyan din ako nagka Uti nagka infection 26weeks ako non nag open cervic na ako 1cm binigyan ako pampakapit 3times a day plus suppository at pinalitan vit ko, bedrest ako hanggang 37weeks kapit lang at tiwala at sumunod sa ob.

More Liquids palagi mie and wag magpipigil ng wiwi , isa yan sa natutunan ko ng buntis ako sa 1st and then ngayon 2nd ko na , sa awa ng diyos wala akong uti. Basta wiwi kalang at wag magpipigil, isa yan sa nakaka trigger ng Uti.

1mo ago

more liquids na ngapo ako e tska di po ako nagpipigil ng ihi lalo nasa gabi kahit mahirap babangon talaga para maka ihi lang🥲