Pabalik balik na UTI sa buntis??? Anong pwede gawin!!!😣😣😣

Ask ko lang mga mhii currently 24 weeks pregnant yung UTI ko kasi pabalik balik nung una unti lang nakita nagamot naman tapos ilang weeks/months lang bumalik nanaman tapos pangalawa ilang weeks lang din bumalik nanaman tapos ngayon kaka admit sa ospital meron nanaman daw sumasabay sa acid reflux ko kaya sobrang sakit nya mula likod hanggang sikmura... Sinusunod ko naman yung advice tska mga gamot na binibigay nila pero bakit pabalik balik? Ayaw kona sana mag antibiotics kasi same lang na antibiotics pinapainum sakin same dosage tapos bumabalik nakaka kaba pa naman mag Antibiotics kahit resete pa ng doctor. Baka kasi ma stress na si baby sa antibiotics??? Ano kayang pwede gawin??? Sa mga same case kopo dyan???

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

More Liquids palagi mie and wag magpipigil ng wiwi , isa yan sa natutunan ko ng buntis ako sa 1st and then ngayon 2nd ko na , sa awa ng diyos wala akong uti. Basta wiwi kalang at wag magpipigil, isa yan sa nakaka trigger ng Uti.

1mo ago

more liquids na ngapo ako e tska di po ako nagpipigil ng ihi lalo nasa gabi kahit mahirap babangon talaga para maka ihi lang🥲