pabalik balik na uti

May same case po ba sakin dito na pabalik balik ang uti? ang hirap po kasi nakakaapekto talaga sya sakin sa araw araw. simula pa po nung hindi pa ko buntis ilan beses na po ako nagpabalik balik sa doctor para magpacheck up at twing magbabalik ako lagi din naman antibiotics nirereseta sakin. pero ilang months lang bumabalik din po ulit 😣 at ngayon po 30weeks pregnant na ko bumalik ulit sya dalawang beses. nung last month lang sya bumalik and masakit po talaga. niresetahan ako ni OB ng antibiotics first time pagkatapos after ilan weeks bumalik na naman po then reseta ulit antibiotics tapos after nun ilang weeks ang nakalipas bumalik na naman po ngayon 😣 nag aalala na po ako kay baby baka may mangyari masama sa kanya sa loob ng tyan ko 😒 ang ingat ko na nga po sa pagkain simula nagbuntis ako, kesyo maalat o matamis iniiwasan ko hanggat maaari pati ung water intake ko po dinagdagan ko na rin. kung anu ano narin po nainom ko, nilagang dahon ng banaba, cranberry juice, buko juice, yakult pati narin po ung sambong capsule at nilagang dahon ng pandan na lalaki pero wala parin po epek 😒 pati rin po sa hygiene ko ang linis ko na nga din po pero wala parin. at sa twing babalik ako sa OB ko dahil sa uti antibiotics din naman po irereseta nya at same advise lang po lagi na more water, buko or cranberry juice, no coffee and softdrinks and maalat. sinusunod ko naman po lahat un pero bumabalik parin. ano po kaya magandang natural na remedyo dito mga mommy? meron po ba same case sakin na ganito na pabalik balik ang uti at bumalik ng nabuntis? ano po effective way na ginawa nyo? pashare naman po pls desperada na talaga ako 😒#firstbaby #1stimemom #advicepls #pregnancy

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I remember on my first pregnancy na I had UTI twice, first trim and 3rd trim.. I only followed and trusted my OB's advise.. I never failed to drink the meds prescribed to me until maging normal count ung PUS cells and white blood cells ko.. I think you dont have to worry too much momsh, baka yun pa yung makasama sa baby mo and as long as you follow your OB naman, Im sure everything will br well. 😊

Magbasa pa