#AskDok session with a Pediatrician

Ngayong darating na March 30, Monday (7-9PM), sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Abangan sa ANNOUNCEMENTS topic ang official post kung saan sasagot si Dok. May naiisip na ba kayo na mga tanong para sa kaniya? TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito kaya't huwag kalimutang mag tune in sa scheduled date and time.

#AskDok session with a Pediatrician
101 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po Dra. Gelina. Worried po kasi ako regarding sa mata ng 11month old baby girl ko, naagsimula pong mamula ung left white side ng mata niya nung March26 paggising ng morning. Akala ko po mawawala agad, pero up until now, March 29 ganun parin po at pareho na pong mata niya ang namumula. Glassy eyes na po ung nakikita ko sa kanya. Hindi naman po siya nagmumuta, at palagi lang po niyang nakukusot, lalo na po kapag inaantok na po siya. Pero nung tinitigan ko po ung eye balls niya parang may konting ulap sa black side ng eyes niya. Akala ko din po kasi dahil lang sa alikabok or sa hangin, since may naitabi po akong antihistamine, pinainom ko po siya bago po siya makatulog ng maayos at nang hindi na niya kusitin mata niya. Sana po matulungan po ninyo ako kung ano po ang pwedeng maibigay sa kanya na gamot. Maraming salamat po. Maari ko pong i-share ang aking contact number in case na kailangan niyo po akong kausapin. God bless po. And keep safe din po. Ito po ung picture niya today (march29 AM)

Magbasa pa
Post reply image

Hi Doc, ask ko lang po kung anong pwede kung gawin kasi po hangang ngayon hindi pa po nawawala yung mga tumubo sa mukha and neck ni Baby. Pinacheck up ko po sya nung March 2, tas ang sabi po ng Doctor millia daw po kaya niresetahan po kami nang gamot na oral drops na antibacterial pero naubos na po yung gamot pero wala pong pagbabago. Nagtry na din po akong gumamit nang ibang sabon like cetaphil tas yung Lactacyd. Nung una po may mga pagbabago pero nung nagtagal may tumubo pong mga rashes sa leeg nya po dati po kasi sa mukha nya lang tas isa isa sa leeg tas mukha po syang acne, reddish na may white. Any recommendation po? 1month 17 days po si Baby. Meron din po siyang phlegm na hanggang ngayon po ai hindi natatangal. Napansin ko po sya nung nakauwi na kami nang bahay after nya pong maipanganak. Feb 12 po DOB.

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Ganyan din momsh na sa face ng baby ko

Hi Dra. Gellina. Ito po yung mga questions ko po. 1. Reason ng pagsinok ni Baby? 2. Ano po gagawin para mawala ang sinok? 3. Ilang oras po ba dapat ang pagitan sa bawat pagdede ni baby? 4. Ano po ba ang sign kapag si baby e may masamang nararamdaman? 5. Madalas po umutot baby ko and ang lakas po, normal ba yun? 6. Pwede po ba pahigain si baby sa dibdib ni daddy ng nakaslant lang si daddy? 7. Ano po ba best way para makatulog ng mahaba si baby, lalo pag madaling araw? 8. Dapat po ba nakadim light lang si baby sa gabi? Or dapat may ilaw talaga? 9. Nakakasama po ba sa mata ni baby kapag natatamaan ng ilaw yung mata nya? 10. Okay lang po ba maghumidifier sa bahay? Hindi ba sya makakasama kay baby? 11. Okay lang po ba gumamit ng Lysol for Baby? 12. Ano po pwedeng gawin pag may rashes si Baby?

Magbasa pa

Hello po doc,pls. Help po yung baby ko basta nagdede po sya nagpupu po sya, pinainum ko po sya ng erceflora at vivalyte, nagpupu parin po sya pero hindi po katulad nung nakaraan na mayat mayat tlaga as in pagkatapos dumede,hindi naman mabaho yung pupu nya,nung friday po napansin ko po may dugo po kasma yung pupu nya, nag aalala na po ako, hindi ko po mapacheck pupu ni baby wla daw po kasi request kailangn daw po,wla po yung pedia nya kasi po lockdown di po sila nag oopen,bumili po ako ngayon ng lactose free na milk,try ko daw po palitan yung gatas nya,sana po masagot, tia

Magbasa pa
5y ago

Dami kasing post di malaman kung saan. Ano ba yan!

VIP Member

*Ano po bang magandang vitamins for baby my baby po is 1month old po? *Normal po ba yung minsan po nilalabas nya po gatas sa ilong nya pero konti lng po? *Ano po pwede ilagay na mabilis po matanggal yung dandruff nya po doc? *Ano pong gamot sa leeg po Kasi ni baby nag rered po sya? *Ano po doc gagawin if palagi po nagmumuta si baby normal po ba & naglalabas tubig tubig sa mata? *Normal lng po ba yung mga may white/Yellow po sa may gums ni baby? Thank you po. 1month old pa po si baby.

Magbasa pa

Hello po doc. Ask ko lng po, si LO po kasi inubo ng matigas nung March 22 nahirapan po sya non. Tas pinapainom po namin sya ng oregano tas medyo umokay na din naman po kaso di pa rin po natanggal hanggang sa pinainom na po namin ng ambroxsol. Ngayon po may ubo po sya na may plema yung tipong halak na po. Ano po pwedeng ipainom sakanya para po mawala na po yung plema o halak nya. Gusto ko po sana na ipacheck up kaso wala naman po bukas na pedia . Sana po mabasa nyo po ito . Salamat po

Magbasa pa

DOC I AM A MOTHER OF A 1 MONTH OLD BABY BOY.AKO PO AY NA WORRIED SA BABY KO PO KASI MAY MGA MALILIIT NA PARANG MGA BUTLIG ANG LUMABAS SA MAY PISNGI NI BABY,PATI NA RIN PO SA KANYANG LIIG AT LIKURAN.KAPAG SA TANGHALING TAPAT PO AY NAMUMULA ANG NASABING BUTLIG2X.ANO PO KAYA ANG CAUSE NG PAMUMULA AT TSAKA PAGLABAS NG BUTLIG2X.SANA MATULUNGAN NIYO PO AKO. sabi po kasi nila baka po dahil sa gatas BONNA po ang gatas niya o kaya po dahil sa sabon nya LACTACYD po ang sabon niya.

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Sabi normal lang daw po hayaan lang dahil hindi naman daw po makati yan

Doc ask ko po if ever mag ka sipon si lo ano po kaya ang pwede ko ipainom na gamot? 1 yr 4 months na si lo pero still breastfeed pa po, pwede na po kaya ako uminom ng collagen? Kc po na wawalan nko ng confident sa sarili ko ang panget ko na po ang dami ko na tigyawat, tumaba at na ngingitim ako, feeling ko unti unti na nag sasawa ang lip ko dahil sa itsura ko, hindi po ako ganito nung dalaga pko ngaun lng po nag ka anak ako. Maraming salamat po.

Magbasa pa
VIP Member

Hi doc! Ask ko lang po ano po gagawin ng may oversupply na breastmilk? Nalulula ata kasi si baby and umiiyak siya minsan pag pinapa latch ko siya. Naglalatch naman po siya then mamaya maya biglang aayaw po siya, di ko po alam kung dahil ba mabilis ang let down sa breasts ko kaya hindi nya macontrol. Ano po kaya ang magandang breastfeeding position or ano po kayang tips ang maibibigay nyo po sa mga mommies like me na may ganung case? Thank you po doc! ❤

Magbasa pa
5y ago

Dito po sasagot sa official thread si Dr. Gel: https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-0330-maala-official/1867593 Diyan po ipost ang mga tanong. Thank you po!

Hi doc tanong ko lang po sana kung normal lang po ba yung poops ng baby ko na yellow na parang sipon hindi naman po siya mabaho may ubo po siya and mix po siya S26 gold and bf po ang vitamins po niya is pedcee and cherifer po doc hindi po kaya sa vitamins po yun? and okay lang po ba painumin ko si baby ng loviscol para sa ubo niya? gamot na din po niy yun before ning inubo siya 2 months old na po siy ang 6.1kg po siya salamat po

Magbasa pa