#AskDok session with a Pediatrician

Ngayong darating na March 30, Monday (7-9PM), sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Abangan sa ANNOUNCEMENTS topic ang official post kung saan sasagot si Dok. May naiisip na ba kayo na mga tanong para sa kaniya? TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito kaya't huwag kalimutang mag tune in sa scheduled date and time.

#AskDok session with a Pediatrician
101 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Dra. Gellina. Ito po yung mga questions ko po. 1. Reason ng pagsinok ni Baby? 2. Ano po gagawin para mawala ang sinok? 3. Ilang oras po ba dapat ang pagitan sa bawat pagdede ni baby? 4. Ano po ba ang sign kapag si baby e may masamang nararamdaman? 5. Madalas po umutot baby ko and ang lakas po, normal ba yun? 6. Pwede po ba pahigain si baby sa dibdib ni daddy ng nakaslant lang si daddy? 7. Ano po ba best way para makatulog ng mahaba si baby, lalo pag madaling araw? 8. Dapat po ba nakadim light lang si baby sa gabi? Or dapat may ilaw talaga? 9. Nakakasama po ba sa mata ni baby kapag natatamaan ng ilaw yung mata nya? 10. Okay lang po ba maghumidifier sa bahay? Hindi ba sya makakasama kay baby? 11. Okay lang po ba gumamit ng Lysol for Baby? 12. Ano po pwedeng gawin pag may rashes si Baby?

Magbasa pa