Hello po Dra. Gelina. Worried po kasi ako regarding sa mata ng 11month old baby girl ko, naagsimula pong mamula ung left white side ng mata niya nung March26 paggising ng morning. Akala ko po mawawala agad, pero up until now, March 29 ganun parin po at pareho na pong mata niya ang namumula. Glassy eyes na po ung nakikita ko sa kanya. Hindi naman po siya nagmumuta, at palagi lang po niyang nakukusot, lalo na po kapag inaantok na po siya. Pero nung tinitigan ko po ung eye balls niya parang may konting ulap sa black side ng eyes niya.
Akala ko din po kasi dahil lang sa alikabok or sa hangin, since may naitabi po akong antihistamine, pinainom ko po siya bago po siya makatulog ng maayos at nang hindi na niya kusitin mata niya.
Sana po matulungan po ninyo ako kung ano po ang pwedeng maibigay sa kanya na gamot. Maraming salamat po.
Maari ko pong i-share ang aking contact number in case na kailangan niyo po akong kausapin.
God bless po. And keep safe din po.
Ito po ung picture niya today (march29 AM)
Magbasa pa