As a mother of 2 (a 5years old and a 4months), is it bad na mainggit ako na si hubby nagagawa nya lahat ng gusto nya, ako hindi?? I mean, tali ako sa bahay, everyday alaga magisa, swerte pa nga na mother ko naglalaba ng mga damit ng bata. Kaso yung feelng ko, di ko alam kung naiinggit ba ako, or whatever,kasi si hubby maghapon sa trabaho, paguwi aasikasuhin mo sa lahat plus aalis ulit hanggang madaling araw kasama barkada nya. Uuwi kung kelan nya gusto. Ni hindi ko makatuwang sa mga bata. Gustuhin ko man magwork na, di ko naman maasa at ayoko iasa sa mother ko na siya yung magalaga sa kids ko. Nagwowork din sya for herself. Matagal ko na rin gustong bumukod kami at matagal na rin kaming nakikitira dito sa mother ko, pero di naman natutuloy pagbukod namin. Naiistress ako sa pagiisip which is bad dahil nagpapabreastfeed ako. I need advice po to uplift my feelings. ?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi ma, same tayo, may 4yr old toddler and 4month old baby ako, and yes tlg nga naman pong nakakainggit at nkaka miss din ang outside world hehe, iniisip ko nalang na maging happy kc may chance aqng pag silbihan mga anak at asawa ko. At nasusubaybayan ko milestones ng mga anak ko. Kung bet mo lumabas pwede mo nmang sabihin kay mister na labas kaung pamilya. Share mo din sakanya yang nararamdaman mo na sana eh tinutulungan ka sa mga bata. Bka kc nakikita nya na kayang2 mo kaya hindi kna tinutulungan, or bka dika nagpapatulong. May iba kcng lalaki kung di mo pa kalabitin eh hindi gagalaw, walang kusa kumbaga. Hehe. Wag na po maistress, sayang ang breastmilk kung sakaling humina dhil sa stress hehe

Magbasa pa