βœ•

528 Replies

mahilig ako mag tago sa panganay ko 7months na nila nalaman pero nasa Bahay ako Ng 4months mahigit pero Sabi ni mama nararamdaman nila na buntis ako hinihintay lng nila Sabihin pero tinanong nila ako one time pero sinagot ko Hindi paano ung pt nakailang gamit ako at halos LAHAT Ng product triny ko at Unang ihi sa Umaga LAHAT negative ultrasound lng nakapag patunay na buntis ako kaya di na Sila na shock Kasi sinabi Kong buntis ako sabay na sa pamamanhikan sa second nmn nalaman nila 1week old na baby ko in outside world so 9months ko mahigit tinago πŸ˜… Sabi lng di daw Sila makapaniwala na nag buntis at nanganak ako Lalo na ung papa ko paano Nakita pa daw nila ako sumayaw sa video 8months na tyan ko nun πŸ˜…πŸ˜… tpus Sabi pa mahilig daw tlaga ako mag sikreto πŸ˜…

super happy sila same sa mga inlaws ko, both panganay kami ni hubby, and 27 yrs old ako nung nabuntis and c hubby 34, parehong my work, guro ako and c hubby PCC Agri AI technician, Hindi pa kasal, 2019 pregnant yr., wedding 2020 before lockdown (3months preggy) during our garden wedding😍😁, honestly gusto ko baby muna bago kasal, Yan Ang goal ko kac na nasa list ko 🀣, nangyari Naman😁.... share ko lang po....😍😘... panganay na apo nila sa kanilang mga panganay na anak😍 Ang parents super happy ng mga Yan Lalo na Kung Ang mga anak nila successful na at may career na before ikasal o mabunti to have a family... it's their own PRIDE kac as a parents... share ko lang po😍

Currently 5 months pregnant till now dko pa din nasasabi sakanila na preggy ako. Ang hirap kasi especially panganay ako im already 23 years old. And as of the moment im helping them. Ang hirap lang magsabi kahit gusto kona sabihin dahil everytime na gusto ko sabihin ipapamukha nila sakin na hindi muna that i still need to help them kasi pinag aral ako kaya need ko muna pag aralin mga kapatid ko. Sobrang hirap pag panganay ka especially sa mga gantong sitwasyon wala naman kaso sakin na tulungan sila 70% nga ata ng sahod ko napupunta sakanila. I just hope na pag nalaman na nila maintindihan nila kahit papano. πŸ˜‡

Dissapointed sobra.. kasi pinag aral nila ako ng college tapos mabubuntis lang ne di pa daw ako nakakatulong dahil ako pag asa nila na tumulong sa kanila sad lang kasi sinasabe ng papa ko na Lugi daw sya at useless lang daw pag aaral ko kaya wag ko na daw tapusin ojt nalang den naman kasi ako then graduate na😞😭 ang sakit sakit kaya marinig yun 25yrs old na pala ako.. mama ko naman okay lang sa kanya pero nung nagkwento ako kay mama na di kami okay ng tatay ng anak ko sabe nya ipalaglag mo nalang yan 😞😭😭 di ko kayang gawin yun mahal ko to kahit pa napaka bad ng tatay neto😞 haaaaaaaaay...

Ayun pinalayas ako sa bahay. Sumama na daw ako sa lalaki ko, Panganay eh. Dapat daw ako magkapag bayad muna ng mga nagastos nila sakin sa lahat nang sakripisyo nila sakin Wala naman daw ako naitulong mag dagdag pa ako ng palamunin, although 26 na ako at May trabaho naman, so para Di na lalo sumama lang loob ko kakarininig halos araw araw ng bad words from my MOM for my 1st trimester Kaya mag decide ang magulang nang partner ko na sakanila nalang ako hanggang ngayon nasa poder kami nang tatay nang anak ko and still blessed waiting waiting nalang kami kay baby. #Octoberianbabies #1sttimemom

Sa totoo lang sa age kong 20 years old nakastay na talaga ako sa bahay ng bf ko na ngayon partner ko na nga sya.. okay lang sa both ng family namin. may plano na naman talaga kami na next year magpunta ng ibang bansa at magwork, di pa kasi pwede age ko ngayong year e kaso nga sinabihan na nga ako ng parents ko na wag muna magbuntis. at eto na nga nangyari inexplain ko naman na my reason naman na mas maganda na my baby kami before mag work sa ibang bansa atleast tuloy tuloy na work namin dun at para na din sa baby namin.. at wala din yung problema sa family ng partner ko..

1st pregnancy.. locked up for a month in my lola's house, phones confiscated, gusto nila ipalaglag si baby... pero eventually natanggap nila pero may halong disappointment... they never ask anything about the baby all throughout the pregnancy... nalabas lang ako ng bahay pag check-up kasama cousin ko.. nagkita lang kami ng husband ko nung 8months na ko gawa ng ipapasagot pag-anak ko.. πŸ˜• now my son's 10years old, napakabait at masipag, he's the best big brother to his siblings dahil napakamaalaga. he is my treasure. ❀️

Nagalit ng slight kasi naghiwalay kami ng boyfriend ko non, takot sila na wlang managot. Pero nung pinaalam ko naman sa boyfriend ko di nmn nya ako tinakbuhan. Ayon kasalan agad πŸ˜‚πŸ˜‚ at ngayon ang magkabilaang mag lola eh nag aagawan na kung kanino at saan la laki si baby. Naawa din ako sa parents ko kasi super happy nila na may apo na sila tapos sa side lng ng husband ko mapupunta. Wala eh sunod nalang tayo sa gusto ng asawa. Bat kasi nagpakasal. 😁 chika lang πŸ˜‚πŸ˜‚

Hindi ko sure, kasi nagchat lang ako sa mama ko pero hindi niya nabasa. Pero may mga chismoso naman kaming kapitbahay at baklang pinsan. Sila na lang nagparating total mga pakialamera sa buhay ng iba. Pero yung lola ko talaga yung maraming say eh. Nung jowa ako kontra siya, nag asawa ako kontra pa din siya, ngayon na buntis ako ang daming sinasabi. Palaging ako mali huli na nga ako nagbuntis dahil yung mga pinsan ko na mas bata sa akin mas nauna pa wala naman say yung lola ko. Paborito yarn?

nung una nagalit yung mga kapatid ko kasi simula nung nagbuntis ako hindi pinanagutan ng lalaki, sa mga kapatid ko muna sinabi yung sitwasyon ko tapos nung nalaman ng mama ko syempre nalungkot siya. hndi na niya nakuhang magalit ang una agad niyang tinanong sakin e "nagpacheck-up kna ba?" sabi pa ng mama ko wag daw ako magpapastress. salamat sa Diyos kasi okay kami ng baby ko, wala na rin kaming communication nung tatay niya. ni hi ni ho wala talaga. mabuhay tayong mga #singlemoms!! :)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles