1st time mom here Edit:Kung sinasabi sakin ng hubby ko mainit ako. At 38.1 pala body temperature ko
2 days na lang 1 month old na si baby. Pansin ko lang po mga momshy na parang unti unti bumabagsak katawan ko. sobrang sakit ng ulo ko, puyat na din na parang halos wala pang pahinga. nanlalata na din po, na parang gutom na gutom na walang gana (breastfeeding Mom din ako) ganun din sa tubig. Parang hirap pa talaga ako mag adjust. Medyo na iistress na din pag iyak na din ng iyak si baby na ayaw o hirap syang matulog, di na kasi ako makagalaw ang pagganun sya tapos sabayan pa ng mga kasama sa bahay na walang ginawa kundi punain ng punain kayong mag ina. Please advice po sana. #advicepls #1stimemom #firstbaby #pleasehelp
Read more2 Weeks palang Baby ko, my Vitamins na sya.
Hello po, ngayon ay 16days napo si baby. Pa help naman po niluluwa po nya vitamins nya. Ano po ba dapat gawin? Ps. dra. po nya nag recommend po nyung vitamins sa kanya. Nagkasakit po kasi agad sya e, dahil nakakain at nakadumi sa loob ng tiyan ko kaya after madischarge namin nung pagkapanganak ko sa kanya, nilagnat sya at need po syang pinaadmit. Kaya pinapacheck up na po namin sya sa pedia kahit okay na po sya ngayon. Pls, respect po. #1stimemom #firstbaby
Read moreHello po, 16 days palang po baby ko, sobrang lakas po ng pandinig po nya kahit sa malayo tunog naririnig nya at nagugulat sya. Pero pansin ko po my Time na biglang nagugulat po buong katawan nya kahit walang ingay o tunog tas bigla syang iiyak sobra na biglaan. normal lang po ba yun? ganun din po ba mga baby nyo? o tingin nyo po my nararamdaman po sya o dinadaing? #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby
Read moreNormal lang po na nangangati yung stretchmarks pag bagong panganak lang po. Pansin ko din po nagpapantalpantal po sya. Baka meron po kayong solusyon mga momshy. Pa share naman po, At kung paano nawala o nag light man lang mga Stretchmarks nyo. Medyo nakakababa ng confident po kasi kahit sa Husband ko po, kaya sana matulungan nyo ko. #pleasehelp #1stimemom
Read moreHello po, 39 weeks and 1 day po ako now. pa help po kagabi sakto 39 weeks start 8pm tuloy tuloy contraction nya mga 5 to 7 mins. pagitan tapos ang sakit ko nya natagal ng around 30 to 45 sec umabot po sya siguro madaling araw o paumaga na talga. Clear lang din po nalabas sakin pag naihi parang Egg White. Paano po malalaman kung Labor na po ba talaga o False Labor lang. Kasi ngayon almost 24 hrs. Paiba iba napo yung oras ng pagitan contractions, di tulad kagabi na tuloy tuloy. #advicepls #1stimemom #pregnancy #pleasehelp #firstbaby
Read moreHindi po ba okay yung 38.0 yung temperature. 34 weeks pregnant. Mild lang ubo at sipon ko pero ang nagpapahirap po sakin talaga ay feeling ko tinatrangkaso ako dahil sinabayan halos ng pamumulikat ng paa hanggang hita ko at kamay hanggang braso di naman siguro manas talaga feeling ko na din buong katawan ko masakit na din. any advice po, baka naman po may makapansin na at magcomment sa post ko lagi kasing walang pumapansin e. 😭😖💔 #pleasehelp #1stimemom
Read more