Puwedeng Maglambing?
Ano'ng huli mong pinabili sa asawa mo?
Mga mommies pasingit lang since related naman sa question. Ask ko lang po is it bad or not normal kapag di naman ako yung type of partner na "bili moko nito" mas gusto ko kasi ako gumagastos ng luho ko tsaka parang nahihiya ako magpabili. Sa 4 years namin ng partner ko parang siya lang lagi yung maluho yung tipong di niya naman hinihingi pero nagpaparinig siya sakin ng mga gusto niyang bilhin as in lagi tapos minsan sasabihin madamot ako. Parang pag sa iba ko kinuwento parang unang papasok sa mind nila is "gold digger" well ayoko naman isipin ganon pero ayaw niya mag ipon ng sarili niya gusto niya sa iba lang siya nakaasa.
Magbasa pawala naman po ako gusto bilhin para sa sarili ko as of now hehe 😁 siguro tyaka nalang pag nanganak na ako . sa ngayon 35 weeks pregnant ako lagi ko lang request sakanya mga gamit ni baby na gusto ko bilhin dahil sobrang obsessed ako sa babies stuffs.. first time mom here 🥰
oreo premium sa shopee. pagtapos ko isend sa kanya yung link, dinedma nya. , sabi sakin saka na. yun pla umorder na cya. umarteng gulat nung may dineliver di daw nya alam kung ano. pagbukas, 6 boxes ng oreo premium. 🥰kaso nung naubos na sabi ako na daw umorder 😆
Iphone 12. 2 mos. kasi akong walang phone dahil nasira, kaya binilhan niya ako, pero hindi ako nagpabili. Happy naman pero, sana ginastos nalang namin sa pregnancy ko kung nalaman lang namin ng mas maaga na preggy na ako.
Di kasi kami pa magkasama ni hubby sa iisang hpuse pero bawat hilingin kong food pinapadeliver niya 🥰 minsan ako na nagkukusa bumili kasi nahihiya din ako. As of now, Tamarind Balls ang ni-hoard ko sa shopee 😅
lansones last na nabili niya sakin na pinag lilihian ko. sobrang supportive and loving partner lahat halos ng gusto ko nun buntis ako hinahanap niya tlga kahit madalas hinde kapanahunan gaya ng fruits hehe..
junkfoods. pero binilhan nya ako ng cupnoddles. para ipatikim sa akin. kaya gusto ko sya ang nag grocery sa aming dalawa kasi marami ang nabibili nya sa perang binigay mo at pinabudget mo sa mga needs
Hinog na mangga hehe. Nagcre-crave kasi ako sa mango shake kaso iniiwasan ko ang malamig at masyadong matamis kaya yun nalang yung kapalit 😹
Kahit anong pagkain lang. Bumili naman siya kahit nag uulan 😊 tapos sabi ko gusto ko uminom ng softdrinks pinagbigyan ako pero konti lang.
Zagu pandan flavor at ube bread ❤alam niya kasing comfort food ko yun kahit di ko hingiin siya na mismo magooffer na bumili HAHAHAHA