iyakin si baby

Ano po kaya pwede gawin s LO ko . naging iyakin sya start ng 3weeks. ngayon po 1month and 8days na sya sabi nila normal daw dahil sa growth sprout. sinisigurado ko po na busog, komportable, malinis ang diaper, walang kabag, pero ganun parin. Napapansin ko po ganun sya kapag parang antok sya . Yung iyak nya parang galit na galit, gusto nya may nakalagay lang sa bibig nya na dede , tapos dumedede sya habang umiiyak, kapag busog na sya lalakas iyak nya tapos pang gigigilan nya yung dede. Matagal din sya makatulog , umaabot kami ng 2-3hours sa paghehele/pagsayaw kasi nga umiiyak sya. Naaawa ako sa baby ko kapag umiiyak , help naman mga momsh ! Ano ba dapat gawin

iyakin si baby
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here mommy, sabi nila pag3mos dw mababago na. Napahinga lang kmi ng konti kasi natutulog na sa gabi, pero ganun pa dn, nakalatch na sa dede nagwawala pa dn. Tiyagaan lang siguro mommy, try mo din change ng lugar kasi baka naiinip, si bb ko nagwawala kahit nakadede na karga ko na, akala mo kung inano sa palahaw ng iyak, pero paglabas namin ng room bigla tatahan. Increase frequency ng tummy time nakakatulong din sa kabag if kabag nararamdaman nya

Magbasa pa