Burp ni Baby
Ano po ba mangyayare pag Hindi napapa Burp?? Si Baby ko po kasi Hirap mapa Burp eh. Nag be-Burp naman po sya kaso Hindi Lagi. Naiinis na po kasi sya then Iiyak na po sya pag pinipilit sya pa Burp-in. Ginawa na po Lahat ng Position. Karga, Upo, Dapa. Ayaw talaga
eto ang problem ko noon. Sa panganay ko, mixed feed ako. Hindi sya talaga nag be-burp so ang advise sakin ng pedia, kapag nag bottle sya at tulog na sya, wag pilitin iburp pero ihele ng naka upright position for 20-30mins para makababa ang gatas then kapag hiniga mo, mejo naka sideview lalo na ang ulo para kung sakaling lunungad, hindi mapunta sa baga. Mas prone kasi sa kabag kapag bottle fed. While dito sa bunso ko, 4months, exclusively breastfeeding kami, hindi rin mahilig mag burp. Nakakatulog ng naka dede sakin, nakaupo man or side lying position pero kasi malungad sya overfed minsan so ginagawa ko nalng na isideview sya matulog just incase maglungad then kapag gising nya, saka ko sya bine burp. Eventually, they will learn this on their own. Makakapag adjust din ang katawan nila, wag lang pilitin iburp lalo nat mahimbing na ang tulog, kawawa naman kapag nagising.
Magbasa pasi lo ko pa upo ko siya pinapa burp, kpg d nmn Po siya nag burp aq ung nag bu burp khit ndi nmn aq bagong kaen.😅 wierd lng pero Sabi nila tinutulongan q lng dw baby q mag burp,Kya imbis n sya. aq Po yung nag bu burp.😅
Pareho ni baby. Hirap ako mag pa burp, never sya nag burp na nka lagay sa balikat ko. Nag beburp nman sya kapag pinahiga ko sya ng flat walang unan pero minsan lng hndi. 25days plang c baby now
Mixed feeding mom ako, pag breast milk hindi talaga nagbu-burp baby ko, pag formula mga 5-10 mins. lang after dede burp agad. Kaya pag nag-breast feed ako di na ko nagpapa-burp.
same kainis pag di sila mapa burp Sabi nila kakabagan daw pero pag pinaburb ko siya otot lumalabas o kaya pops di burp hehe bakit kaya?
same po sa LO ko hirap din ipa burp, kaya sguro sinok ng sinok, ang gngawa ko kinakarga ko muna sia ng ilang minuto bago ko sia ilapag
utot or burp po mi. need po talaga ni baby yon para di po sya kabagin. nood po kayo sa youtube ng mga ways pano mapapaburp si baby
Same here sa panganay ko Mi, hindi din ng buburp pero anlakas pag umutot. Unlike sa pangalawa ko na nagbuburp talaga bago matulog.
yung baby ko di sanay magburp. pero madalas na lang niya inuutot 😅
pag di napaburp uutot hirap na dn ako mapaburp c baby now kaya hinahayaan ko nlng inuutot nmn nya kaso naiinis sya pag hnd sya maka utot umiire sya pag gsto umutot kaya ang ending ipapaburp ko pwet nya para mautot 😅😅😅
Hi Mami, try mo ung tiny buds calm tummies Massage oil. super effective after magmilk ni baby ngbburp sya.
depende po kse ako gumamit. pag nakaka 2 bote n sya ng milk tapos di pa ngbburp ngpphid n ko
Love baby