Burp ni Baby

Ano po ba mangyayare pag Hindi napapa Burp?? Si Baby ko po kasi Hirap mapa Burp eh. Nag be-Burp naman po sya kaso Hindi Lagi. Naiinis na po kasi sya then Iiyak na po sya pag pinipilit sya pa Burp-in. Ginawa na po Lahat ng Position. Karga, Upo, Dapa. Ayaw talaga

Burp ni BabyGIF
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

eto ang problem ko noon. Sa panganay ko, mixed feed ako. Hindi sya talaga nag be-burp so ang advise sakin ng pedia, kapag nag bottle sya at tulog na sya, wag pilitin iburp pero ihele ng naka upright position for 20-30mins para makababa ang gatas then kapag hiniga mo, mejo naka sideview lalo na ang ulo para kung sakaling lunungad, hindi mapunta sa baga. Mas prone kasi sa kabag kapag bottle fed. While dito sa bunso ko, 4months, exclusively breastfeeding kami, hindi rin mahilig mag burp. Nakakatulog ng naka dede sakin, nakaupo man or side lying position pero kasi malungad sya overfed minsan so ginagawa ko nalng na isideview sya matulog just incase maglungad then kapag gising nya, saka ko sya bine burp. Eventually, they will learn this on their own. Makakapag adjust din ang katawan nila, wag lang pilitin iburp lalo nat mahimbing na ang tulog, kawawa naman kapag nagising.

Magbasa pa