anong dpat kong gawin

Ang sakit icipin na meron na clang anak ng babaeng un.. Pareho lang kmi ng hindi kasal lamang lang sya kc ay ang kalive in.. Kinausap ko ung boy .. Sabi ko mas mabuti pang tapos na namin ang tungkol samin.. Pareho kmi may anak nung girl at iisa ang ama.. Nag paparaya aman ako. . hinihingi ko n sa lalaki ng klyaan ko.. Kung bata ng gusto nya willing aman akong tanggapin para sa bta n lang kso ayw nya.. Mahal daw nya ako .. Peo kc di ng din maiwan ung isa.. Kaya nag paparaya ako.. Peo bkit ganun ilang beses na kmi nag away .. Nagkalayo bakit tinatli kmi sa isat isa khit my kinkasama sya.. Help poh mahal na mahal ko ung boy kaso ako ng set up peo ayaw nya n mawala ko sa kanya khit my involve na ibang babae..

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Bakit kasi hinihingi mo pa sakanya ang kalayaan mo? Kung gusto mo talagang umalis edi sana ikaw na mag decide para sa sarili mo hindi yung nag aantay ka pa na palayain ka kuno ng isang taong sinasamantala ka lang naman obviously. Gusto mo umalis kuno pero ang totoo gusto mong piliin ka nya sa tuwing nagsasabi ka sakanya na palayain ka. Wake up. Kung gusto ka nyan piliin edi sana matagal na nyang ginawa. Kung mahal ka nya edi sana walang iba dba? Nasa mukha mo na lahat ng sagot bakit pinipili mo pa mag bulag bulagan? Magkaka baby ka na inuuna mo pa yang walang kwenta na yan. Ganyan ba gusto mong kamulatan ng anak mo? Yang ganyang sitwasyon? 🤦

Magbasa pa

Sorry for the question pero, kabit ka ba (kasi sabi mo may-ka live in na sya eh) tapos nabuntisan ka lang? If so, nabuntis ka lang talaga at hindi ka mahal. Kasi sa kwento mo, kakabuntis lang nung isang girl, meaning hindi na aksidente yon kasi parang aksidente yung sa inyo ni kuya. Plus, sya pa ang kinasama sa bahay at buhay. So, maliwanag pa po sa kinabukasan nating lahat na yung isa ang talagang mahal nya at gusto nyang makasama. Hindi ka lang ma-let go for some reason (siguro alam mo na rin yung reason pero di mo matanggap) so you're just settling sa sinasabi nyang "mahal kita" para kumapit ka pa. Konting respeto naman po sa sarili, ma'am.

Magbasa pa
5y ago

Nasa kanya naman ang control nyan. What she allows will continue. She's free to walk away when respect is no longer served naman eh. Isa pa, dapat mas priority nya ang welfare ng baby nya above everything else.

Kung ako nasa kalagayan mo. Di ako papayag! Kahit pamahal ko pa sya. Kung may tatanggapnaman sau ng buo nawala kang kahati bat natin pagsisiksikan ang sarili natin sa ganyang sitwasyon?? Sabihin ng partner mo na mahal ka nya. Kung di nya din kayang hiwalayan ang una nya. Di ako papayag sa ganung set up. Jusko. Hhwag na tau magpakakatanga sa mga lalakeng yan. Maging malakas naman tayo bilang babae. Hwag puro puso ang pinapairal dapat isa utak na natin ang tamang paraan na di tau magsisisi sa huli. Maging matapang ka. Para sa bata

Magbasa pa

Ganyan din sinabi ng ex ko nun. I still remember how he said "Mahal ko kayo pareho". 3 years kami, bago lang sila. Looking back, narealize ko na he was simply selfish. Syempre mahal mo so most likely di mo papaniwalaan. Here's a challenge: realize kung ano ang nabebenefit nya from you or pagsasama nyo, then take it away from him (if you think it is sex, tamggihan mo) we will see kung masabi pa nya na mahal ka nya after you take away the "comforts" you provide him. Mahalin mo sarili mo.

Magbasa pa
VIP Member

Hindi ka niya totoong mahal. Kasi hindi niya mabitawan yung isang babaeng "involve" momma. Pakawalan mo na. Hindi ka mapapayapa o liligaya sa arawaraw na ginawa. Mas payapa ka kung kayo na lang ng anak mo. Huwag mo na lang siguro talaga higpitan pagdating sa pagiging ama sa anak nio. At humingi ng tamang sustento. Ayun sa tingin ko. Good luck Momma!👏🏻💐

Magbasa pa

Kung ano gusto mo sundin mo. Ikaw pa rin magdedecide nyan. Hindi mo kailangan papigil, hindi kayo kasal. Wag ka matakot.. Hindi maganda lumaki si baby ng ganyan situation. Love yourself and your baby.. Pwede naman set up na sustento and bigay ka ng araw pwede mavisit si baby. Hmm, maniwala ka kaya mo.. For the better and for the sake of your baby..

Magbasa pa

Pareho tayo ng sitwasyon momsh. Gusto nya ibahay nya rin ako kasi mahal nya daw ako. Pero mas pinili ko na maghiwalay nalang kami. Kasi ayaw kong lumaki yung anak namin na ganun yung set up namin. Mas ok na yung lumaki anak ko ng walang kinikilalang tatay. Sigurado naman ako na darating yung araw na maiintindihan ako ng anak ko.

Magbasa pa

Di ka nya mahal. Kung mahal ka nya di ka nya gagawing side chick or kabit, may kalive in pala pero nagkaanak din sayo. Mahalin mo sarili mo and get out from that kind of relationship. Wag mabulagan sa nararamdaman. Andyan ung anak mo, sa kanya ka magfocus. Ung mga ganyang klaseng lalaki di ipinaglalaban, masyado makasarili

Magbasa pa

Sigurista yanG LaLaki nayan!! Gusto daLawa😂😂 ikaw maG decide gusto mO banG maging kapaLitan??? PaG umay xa sa kabiLa sayu xa! Pag umay xa sau sa isa naman muna xa!!! Naku naku Love ur seLf and know ur worth ndi ka Option. Ung ganyanG LaLaki hindi yan minamahaL at anG naGmamahaL isa LanG dapat anG mahaL!

Magbasa pa

Medjo naguluhan ako sa post mo, mommy. 😅😅😅 But anyway, sorry but can I be harsh with you? Ginag*go ka lang niyang lalaki na yan. Kung mahal ka talaga niya, magiging loyal yan sa’yo all throughout. Ikaw naman, mommy know your worth hindi yung nagtatiyaga ka sa ganyan. Love and respect yourself.