Naghanap ng outlet si hubby..how to move on

13yrs together, with two kids - kakapanganak ko lang nung July after 11yrs gap sa panganay namin. I'm a working mom, stable job with decent salary. Si hubby homebased virtual assistant with decent pay din. Wala kmi issue ng third party since naging kmi kasi mahal n mahal ako ng asawa ko, khit madami challenges at away, never kmi ngAway sa third party. Since nanganak ako, twice kmi ngAway ng sobra dahil n din cgro sa postpartum ko, umalis sya nun at hindi umuwi mgdamag, umuwi umaga na. Sinabi ko sa knya nahihirapan ako, nadedepress ako, akala ko naiintindihan nya ko..hindi pla. Second time sya nawala, naghinala n ko kc di nya maExplain bkit di sya umuwi, bkit di ko sya makontak, san sya ngpunta bukod sa ngCheck in daw sya pmpalipas ng gabi. Wag daw ako mgisip ng kung ano kc sa bahay nga lng daw sya lagi, anjan lng cp nya, Netflix lng gngawa nya, nasakin buo sahod nya, pano daw sya mambabae pa..may point nman, so ako n malakas tlaga instinct, inisip ko paranoid lng ako kc sa postpartum ko.. Then nito lng weekend, di nnman sya umuwi kahit wala nman kmi misunderstanding. Galing sya sa katrabaho nya na nsa ospital, dinalaw nya, umalis sya umaga at andun n cgro sya ng tanghali. Umuulan nun at dahil wala p sya tulog nun, ngpahinga muna daw sya sa gasoline station, di nya n daw kaya mgdrive. Then nung gabi na, ngchat sya, mgCheck in nlang muna daw sya kc sobra trapik, pagod n daw sya, umuwi sya umaga na ulit. Nagtext ako sa knya, sana last n yun n di sya uuwi kc npparanoid n tlaga ako..ang baba ng self-esteem ko kc bago panganak, feeling ko ang panget ko na tapos di sya umuuwi kht cnasabi ko ng nadedepress at nahihirapan ako..paguwi nya ngsorry sya, di nya daw narealize ganun nararamdaman ko, hindi n daw sya ulit di uuwi. Tapos natulog sya, naisip ko bkit puyat pa rin sya kung ngcheck in sya pra matulog..kinuha ko cp nya, di ko akalain guguho mundo ko ng mkita ko my dummy fb account sya sa chrome n aksidente ko lng nkita..my kaChat sya babae "Miss n kita agad love, ano sabi mo sa asawa mo..di mo n pwde gamitin alibi yan next time" yan sabi ng babae, sumagot asawa ko "Hindi n ko mkka-overnight ulit". ngtanong ung girl bakit, sabi lng ng asawa ko basta hindi na... At that point, di ko magawa umiyak..di ko n kinaya back read convo nila kc bka may mabasa ako mas masakit pa..ginising ko sya, ngsisigaw ako, pinagpapalo ko sya, kalmot, suntok..di ko n matandaan basta galit ako .. Inexplain nya..babae un nkilala nya sa bar nun una beses sya di umuwi, umiinom lng daw sya dun, kausap lng hanap nya kc nga lagi kmi ngAaway..wala daw sya kahit anong ginawa, kahit tignan ko daw pera nya, di sya gagastos sa ganung klaseng babae..npakaCold ko n daw kc di gaya nung bago palang kmi, lagi mainit ulo, lagi ko daw sya hinahanapan ng mali, kahit malaki sahod nya prang di p dn daw sapat, ang hirap ko daw isatisfy...Nagsorry sya, upto now ngsosorry sya..di n daw sya aalis ulit ng hindi ako kasama..alam nya mali ginawa nya at di ko deserve un..ako lang daw andun nun minsan muntik n sya mmatay sa sakit at nangako di nya n gagawin un kahit kelan..binura nya n un acct kahit cnabi kong tawagan or ichat nya pra tapusin n, sabi nya lng wala dapat tapusin kc wala nmn daw sila relasyon. Ang sakit, alam ko my pgkukulang ako pero sapat nba yun pra mghanap ng iba..hindi ko rin magawa mkipaghiwalay kc sa anak nmin at kakapanganak ko lang. Sabi ko di ko alam kelan ko sya mapapatawad at mkakalimutan nangyare, naintindihan nya daw at willing sya mghintay..

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I get it that women became vulnerable human being lalo na kong galing panganak, may mga anak, may work naman at maganda ang sahod, kaya hindi talaga maiwasan na mag rise ang emotions. Mali naman kasi talaga ginawa ng asawa mo, regardless of his reasons CHEATING is not the answer. At kapag na break ang trust hirap talaga magtiwala ulit. Tanong ko lang gusto niyo po ba maayos ang marriage life niyo? mahal mo ba ang asawa mo? Sa ginawa niya kaya mo pa pakisamahan or kaya mo ba syang makita na sa iisang bubung lang kayo? For now mi wag ka muna mag decide, mahirap mag decision lalo na kong nasa height pa tayo ng ating mga emotions. If di pa kaya patawarin wag muna, take all the time that you need, but warning lang, kong nag eeffort naman sya to make your marriage work, allow him, wag mo ipamukha araw2 ang kamalian niya, kasi men in general has low thresholds sa mga bagay2 compared ng mga babae, kaya meron talagang cheating hindi lang dahil talagang babaero sila, meron din hindi lang talaga sila marunong mag handle ng emotions ng sarili nila lalo na sa ibang tao or asawa nila. Kaya the best way to start is kapag ready kana at kalma ka na, mag usap kayo ng maayos then you both make and decide a resolution to the arising problem. Kasi kong palagi emosyon nagdidikta wala talagang ma come up na solusyon. Walang kulang sa mga babae lalo nat naging katuwang naman sa lahat ng bagay, kong tutuusin nga double job pa eh kasi nanay, at the same time working mom pa, kaya walang kulang sayo, sapat ka. Yung asawa mo lang talaga ang hindi nakaka intindi, baka kailangan mo din ipa intindi sa kanya kong bakit ganito or ganyan yung feelings mo, wag po palaging galit or nabubuntunan ng mood, explain din po para maintindihan. May mga lalaki talaga na sensitive but most of them are not.

Magbasa pa

I’ve experienced the same thing. Grabe yung sakit. Ayoko na talaga siya tanggapin nun, pero nagmakaawa siya kasi ayaw niya kami mawala ng anak nya. Binigyan ko ng chance pero huli na yun. Pag ginawa niya ulit, aalis na ko. So far, hindi na ulit. Pero yung trauma andito pa din. I can’t fully trust him. Kahit na gusto ko, hindi ko magawa sa takot na sirain lang niya ulit. Pag naaalala ko yun, masakit pa din minsan nga naiiyak pa ko. Hindi ko pinipilit na makalimot. It takes time to heal. Pero syempre, as much as possible di ko binabalik ang nakaraan kay hubby. Lalo na nag eeffort naman na patunayan sakin na wala na talaga. Ano pa kasing silbi ng pagbibigay ng chance kung ipapamukha mo lang din ng paulit ulit diba? Mi, don’t rush yourself. Men don’t understand our struggles. Di ko nilalahat ah, pero karamihan they don’t get bakit mainitin ulo natin, na sa kanila naibabato at sumasalo ng stress at pagod na nararanasan natin. Guilty ako kasi yung nararamdam ni hubby, nararamdaman ngayon ng hubby ko. Feeling niya di ko na siya mahal. I am still trying to assure and show him that I do love. That It’s just the stress, pressure at pagod. Minsan kasi dahil sa pinagdadaanan nating mga babae, nakakalimutan na natin feelings ni hubby. Na dapat sila lang umintindi. Syempre need din nila tayo. BUT IT’S NOT A REASON TO CHEAT! Again Mi, wag magmadali na makalimot. Let your hubby helps you heal. Mas mag open kayo sa isa’t isa. Kasi mas kailangan niyo ngayon yan. Fighting mommy!

Magbasa pa

I experienced the same thing. Happend last 2021, sa Kawork nya. Nahuli ko lang din accidentally, promised not to worry then months passed by, dipala tumigil. Until yung asawa nung girl ang kumontak sakin 🥹 Sobrang gumuho mundo ko to the point na, ayaw ko na makisama sakanya. For 7months, niloloko nyako 🥹 just because nakukulangan na sya sa atensyon ko knowing na I just gave birth to our son and after that I lost my dad due to covid (dipa kami nagkita that time for 5years then I learned na na-covid sya and after a week after I gave birth, he died. I never got to see him even sa picture, just his coffin) Im going through a lot, emotionally, physically and mentally. PPD, Anxiety, Panic Attack, Hyperventilation whenever I got too emotional or tired. He promised not to do it again. Im trying to trust him little by little but the trauma of the incident still haunts me until today.

Magbasa pa

for me lang ha, masakit kasi ung trust mo ang nasira niya. sobrang hirap ibalik ang trust. kailangan niya i-earn ang trust mo ulet. i've experienced that also, i found out may ka-chat ang hubby ko, yung tipong, ang bait mag reply pero sa ibang may babae may meaning. kasi ung politeness nagiging flirt na. grabe, ang excuse niya work related lang ang dummy account niya pero still ung nabasa ko sa chat... until now ang sakit pa rin. full time mother ako sa toddler ko. if before bumaba ang self-esteeme ko, mas lalo bumaba na ngayon. kahit nagpa ganda ako, parang hindi pa rin sapat sa akin yun. i dont feel good about myself. yung emotional damage, mahirap i-repair talaga

Magbasa pa

Magpa ganda ka, alagaan mong mabuti anak mo. In that way mahihiya yang umulit sa kalokohan nya. Minsan BOBO talaga ang lalaki mag-isip. Hahanap ng babaeng mag papasaya daw sa kanila, Pag dehado na sila tsaka lang nila marerealize lahat ng worth ng mga asawa nila kung kelan nakita na nila nasasaktan ng sobra. Patawarin mo pag kaya mo na, wag mo madaliin. Bigyan mong ultimatum ulitin nya pa ulit, makikita nya na hinahanap nya. Maging open pa kayo sa isat isa pwede nyo yan pagusapan ng maayos hanggang sa maka move on kayo. At wag syang magagalit kung paulit ulit mo mang itanong kase nasaktan ka nya eh.

Magbasa pa

Naiyak aq😢😢naalala ko ung skit na gnwa skin sa panganay ko 10years ago ngbuntis aq mg isa.hbng buntis kc aq nhuli ko un may babae.sobrang sakit to the point na sbi ko once a cheater always cheater kaya nong nhuli ko khit lumohod pa cia dq cia ointwad.sibrang hirp mgbuntis ng mg isa 10years aq lht sa ank ko.pgaaral lht lht.never aq huminge ng sustento..at bngaun for 10years buntis aq sa bf ko now.sana dna maulit jng ngyri non.nkaka trauma.kc pg ngyri nnman onglwang pgkktaon mgkkmali nnmn aq hayy.iniicp ko nlng tumtnda na q need ko na tlg mg kababy ulit.sna dna maulit

Magbasa pa

Hi mommy sa di ko naman kinakampihan si mister mo, oo masakit yung ginawa nya at mali pero kung iisipin mo din yung dahilan bakit nya ginawa yung bagay na yan, I mean kung ikaw naman yung nasa posisyon nya.. ikaw yung inaaway kahit wala kang ginagawang mali etc. diba maririndi ka din at hahanap ka ng outlet. Buti inamin at humingi sya ng tawad sayo, magusap kayo ng maayos mommy baka kulang lang kayo sa maayos na usap.

Magbasa pa

been there same same reason wala namn daw dapat tapusin pero umabot ng 3 months…yes hindi tayo perfect na asawa neither them…pero cheating is not a valid reason para pagtakpan pag kakamali ng bawat isa…cheating is a choice…forgive yes i did…pero hindi rin ako sinungaling na sabhin kung ok ako..at i trust him again same ng dati…it wont never be the same again…yun ang reality ng taong niloko at nasaktan😔

Magbasa pa

Ganyan din yung hubby ko sis. Madalas kami magaway simula nung nagbuntis ako. Sobrang dami kasing problema, nasstress ako. Kaya ang ginawa niya humanap din ng outlet, kung sino sinong babaeng chinachat at nilalandi. Hirap ang din talaga makalimot sis. Kahit sabihin niya na good boy na siya at nagbabago na siya, hirap lang din maniwala. Nandun padin na maghihinala ka. Ganun siguro talaga pag nasira na tiwala sis

Magbasa pa
5y ago

nung nalaman ko n, tapos n ko sa stage ng pghihinala..ang nararamdaman ko nlang sakit ng ginawa nya..after all these years, hahantong pla kmi sa gnto

TapFluencer

Maging mpagmasid ka pa din sa mga galaw nya at kinikilos kung need check cp etc. Gawin mo. Bka mamaya nyan my mbuntis pa nko po. Pero kalma ka lng isipin p rin ang kpkann pra sa mga anak sa pmilya mo sa sarili mo. Wag mgpa dala sa depression labanan mo yan carry mo yan. Lagi kang mg pray paubaya mo kay Lord lahat ng nararamdamn mo tyak magiging magaan ang loob mo

Magbasa pa