msgdadrama lang po

Ang hirap pumagitan sa partner ko at sa mama ko. Nababadtrip kasi partner ko dahil yung allowance na dapat samin ni baby nabibigay ko kay mama para sa mga iba pa nyang gastusin sa bahay. Yung mga kapatid ko kasi sakto lang talaga ang binibigay nila para pambayad ng mga bills at pamalengke. Eto naman si mama dahil nga alam nyang may pera ako kahit di ako magtrabaho, umaasa na rin siya sa binibigay ng partner ko. Pag hindi ko napagbigyan sa hinihingi na pambili daw ng bagong ganito, dahil daw sira na, dahil daw luma na, nagagalit siya/ parang batang nagtatampo. Hindi kasi maintindihan ni mama na yung perang binibigay sakin ay budget namin ni baby. Akala nya pinagdadamutan namin sya. Si partner naman, sakin nagagalit kasi yung perang pinaghihirapan nya binibigay ko pa sa mama ko. Hayst! Di ko na alam gagawin ko. Ngayon nga di ako kinakausap ng partner ko kasi nanghingi si mama ng pera pamasahe pauwi ng probinsya. Wala naman akong magawa kasi di ko naman maaasahan mga kapatid ko. Kung hindi sana ako nagresigned sa trabaho, sumasahod pa sana ako ngayon at hindi na aasa sa bigay ni partner para sa pangangailangan ng mama ko.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Napapag-usapan naman po yan ng maayos. Ang set up namin, since nakatira din ako sa parents ko at buntis din ako ngayon at kaka resign lang from work, may portion ng allowance ko from my partner ang nakalaan sa tulong ko sa bahay. Bago ako magresign, alam na ng hubby ko un. Since andito ako, at ang mama ko ang nagiintindi sakin, dito ako kumakain, obligado akong magshare kahit papano. But, limited lang at kung anong napagkasunduan namin ni Hubby, nothing more nothing less. Naiintindihan naman ng mama ko, lalo at manganganak ako. 😊Pagusapan nyo lang, mahirap pag pera ang nagiging cause ng misunderstanding.

Magbasa pa