msgdadrama lang po

Ang hirap pumagitan sa partner ko at sa mama ko. Nababadtrip kasi partner ko dahil yung allowance na dapat samin ni baby nabibigay ko kay mama para sa mga iba pa nyang gastusin sa bahay. Yung mga kapatid ko kasi sakto lang talaga ang binibigay nila para pambayad ng mga bills at pamalengke. Eto naman si mama dahil nga alam nyang may pera ako kahit di ako magtrabaho, umaasa na rin siya sa binibigay ng partner ko. Pag hindi ko napagbigyan sa hinihingi na pambili daw ng bagong ganito, dahil daw sira na, dahil daw luma na, nagagalit siya/ parang batang nagtatampo. Hindi kasi maintindihan ni mama na yung perang binibigay sakin ay budget namin ni baby. Akala nya pinagdadamutan namin sya. Si partner naman, sakin nagagalit kasi yung perang pinaghihirapan nya binibigay ko pa sa mama ko. Hayst! Di ko na alam gagawin ko. Ngayon nga di ako kinakausap ng partner ko kasi nanghingi si mama ng pera pamasahe pauwi ng probinsya. Wala naman akong magawa kasi di ko naman maaasahan mga kapatid ko. Kung hindi sana ako nagresigned sa trabaho, sumasahod pa sana ako ngayon at hindi na aasa sa bigay ni partner para sa pangangailangan ng mama ko.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo turuan maging tamad pamilya mo sis. May anak na kayo eh, dapat kayo talaga priority. Kung may gusto sila, magtrabaho sila hindi yung iaasa nila sa inyo mga luho nila.

I will feel the same way too, same sa reaction ng husband mo. Sana di na ganun attitude ng mama mo lalo na may pamilya ka na.

Naiintindhan ko yung partner momsh. Kasi nga naman naglalaan siya para sa anak niya. Di mo siya masisi kung dika nya imikin ☹️

5y ago

Mamshie.. Pag d ka nagresign. Di mo maaalagaan anak mo. Sadyang inaasa lng talaga sau lahat kamo nga.. Kausapin mo si mother.. Dihins dpat magdemand ng money from u. Ano iisipin ng in-laws mo kung mlaman nila yn?

Talk to your mom. Yun ang best way. Dapat sya mas nakakaintindi sa situation mo. Di kargo ng partner mo ang family mo.

VIP Member

Di naman na kailangan ipaliwanag sa mama mo yung mga ganyang bagay dahil she is old enough naman na at isa pa nakakahiya naman na umaasa sya sa bigay ng partner mo at nag a-attitude pag di nabigyan. In the first place di naman sya kasama sa responsibilidad ng partner mo. Makasarili lang po yang mama mo no offense po mamsh pero nakakaawa naman po kasi ung partner mo na naghihirap para makapag provide sainyo ni baby tapos ang mangyayari eh parang ung para sainyo ni baby eh mas-short pa dahil lang may mga nakikisawsaw pa sa budget nyo

Magbasa pa
5y ago

Mali naman yung ganoong thinking, sis, if that's what your mother really thinks. I hope makausap mo siya ng maayos about that