please don't judge me...
Alam ko isa aqng masamang babae dahil pumatol aq sa lalakeng may kinakasama na alam ko mali ang ginawa ko peru mahal ko sya ee at lalu na nagbunga ang relasyon namin alam kong mali aq at naawa aq sa magiging anak ko dahil hndi ko puede ilagay ang pangalan ng tatay nya sa birth certificate at pinupuntahan nya lang kami kapag may oras lang sya masakit peru para sa baby na nasa tyan ko kinakaya ko ang hirap din magsinungaling sa mga tao sa paligid ko na mayroon aqng masayang pamilya peru ang totoo ito aq inupa nya aq ng bahay alam ng parents ko masya aq at alam nila na mayroon aqng normal na relasyon kasu ang hndi nila alam kabet lang aq na kung kailan lang pupuntahan ayun lang.. ang sakit ng nararamdaman ko ngaun peru wala anqng magawa ito ang ginusto ko ang hirap... Kung maibabalik ko lang ang panahon hnding hndi ko na papasukin ang ganito

Hi mommy! Sa una palang ba alam mo na may kinakasama sya? O nalaman mo nalang nung mahal mo na sya? Kasi kung oo majjudge ka talaga. Galing ako sa broken family, masakit sa part ko na iwanan at ipagpalit kami ng tatay ko sa ibang babae pero hindi ko sila jinudge kaya hindi din kita ijjudge. Pero sana, hangga't kaya mo iwasan mo or papiliin mo yung lalaki. Hindi pwede habang buhay dalawa kayong babae nya. Babae ka din, ikaw nga nasasaktan kahit pangalawa ka lang eh paano pa kaya sya na yung una talagang kinakasama? Hindi na maibabalik yung panahon dati kahit anong sisi mo sa sarili mo. Ingatan mo nalang anak mo, magipon ka sa mga binibigay nya sayong pera o kung walang binibigay manghingi ka ksi dadating yung time na iiwanan ka nya at pipiliin nya yung una nyang kinakasama. Nawa'y maliwanagan ka sa mga nangyayare sayo. Magpray ka din para maging okay ang baby mo. Godbless!
Magbasa pa