please don't judge me...
Alam ko isa aqng masamang babae dahil pumatol aq sa lalakeng may kinakasama na alam ko mali ang ginawa ko peru mahal ko sya ee at lalu na nagbunga ang relasyon namin alam kong mali aq at naawa aq sa magiging anak ko dahil hndi ko puede ilagay ang pangalan ng tatay nya sa birth certificate at pinupuntahan nya lang kami kapag may oras lang sya masakit peru para sa baby na nasa tyan ko kinakaya ko ang hirap din magsinungaling sa mga tao sa paligid ko na mayroon aqng masayang pamilya peru ang totoo ito aq inupa nya aq ng bahay alam ng parents ko masya aq at alam nila na mayroon aqng normal na relasyon kasu ang hndi nila alam kabet lang aq na kung kailan lang pupuntahan ayun lang.. ang sakit ng nararamdaman ko ngaun peru wala anqng magawa ito ang ginusto ko ang hirap... Kung maibabalik ko lang ang panahon hnding hndi ko na papasukin ang ganito
Pasensya na ah, hindi kita jinu-judge but alam mo sa sarili mo na mali. Sana tinapos mo na matagal na. Mahal mo nga siya, ikaw? Mahal ka ba niya? Sorry for this ah? But alam o hindi ng asawa niya ang relationship niyo ng asawa ng boyfriend mo, e sinisira mo pa rin ang pamilya nila. Kinukuha mo ung oras at attention na dapat binibigay niya sa asawa at anak niya. Sa gastos niyo naman dyan, for sure nag-aambag din siya, so kinukuha mo din ang parte ng conjugal property nila mag-asawa. Tapos nag pa buntis ka pa, pano na lang kayo mag-ina? Edi lalo mo hindi maiiwan un lalaking yun? Kabit ka na nga, pati anak mo, sasaktan mo by having a dad who isn’t allowed na kilalanin siya bilang anak. If i were you, ititigil ko na yan relationship na yan, at magffocus ako sa anak ko. Ibabaon ko sa limot ung lalaki, dahil wala ka mapapala sa lalaking yan. Kasi pag nalaman pa yan ng asawa niya, pwede niya kayo idemanda. Pareho kayo makukulong mag boyfriend. Un sakin, opinion ko lang. iba na kasi mga babae ngayon, lumalaban na lahat yan, hindi katulad dati. Mag focus ka na lang sa anak mo, blessing yan. Makakahanap ka pa ng lalaking para sayo. Tandaan mo, hindi din kayo magiging masaya ng boyfriend mo kung may nasasagasaan kayo na tao. At kung nagawa niya lokohin ang asawa niya na pinakasalan niya, what more sayo? Na sumama ka sakanya kahit may asawa na siya? Main point, if he cheats with you, he’ll probably cheat on you too. Ipagdadasal kita pati ang anak mo, sana bigyan ka ni Lord ng wisdom and strength gawin ang tama for your baby’s sake. Ang pamilya mo nandyan yan, mamahalin ka niyan kahit ano gawin mo. Mas kailangan mo sila ngayon.
Magbasa paLove? pero nakakasakit ka, nakakasira ka ng pamilya, nang aapak ka ng ibang tao ng di mo nalalaman. Madaming lalaki jan na mas desserving sa Love mo' yung kaya kang ipagmalaki at di tinatago. Kaya kang pakasalan at ibigay yung Apelyedo sa inyong dalawa ng anak mo. Mas mahalin mo sarili mo at magiging anak mo, itama mo ang lahat bago pa tuluyan mawalan ng pag asa para sa inyong dalawa. Sa pamilya ng jowa mo at pati na rin sa pamliya mo. Sa tingin mo mapapasaya mo nanay tatay mo pag nalaman nilang kabet ka lang?! Sa tingin mo ndi ka ijujudge ng mga taong nakapaligid sayo pag nalaman nilang Kabet ka lang? Yes masakit! kasi nga ginusto mo yan na maging Kabet na lang.. hays naiiyak ako sayo nakakainis kayong mga kabet! Yung tatay ko iniwan kami para sa kabet nya masakit para saming mga anak nya iniisip ko nga minsan pano pag namatay na sya eh san kaya sya ibuburol? dahil lahat ng pwedeng gawin ng tunay na pamilya yun dapat masusunod and nding ndi ako papayag na makita ulit yung iba nyang pamilya. Masama na kung masama pero eto yung nararamdaman ko sa lahat ng mga nangyari sa buhay namin mag kakapamilya. Kung sino pang kabet sila pa tong makakapal talaga mga mukha! Ipagdadasal kita sana malinawan ka wag mag pabulag sa Tangang Pagibig na sinasabi ng iba.
Magbasa paSame situation. Pero alam ng parents ko about sa guy. Hindi nila ako kinusunsinti. Kinausap nila ng maayos ang guy. Nagbibigay naman sya ng financial support at mga vitamins at kung may gusto ako kainin. Pero palihim lang lahat un. Sweet pa rin sya sa akin. Hinahayaan ko na lang sya kaysa sa mastress ako sa pagtataboy sa kanya. Kailangan ko sya ngayon e. Financially. Sinabihan ko na rin sya na bigyan nya ako ng kahit 80k para sa panganganak ako at mananahimik na ako, ayaw nya. Parang binayaran na lang daw nya ang anak nya. Nasasamahan nya ako sa check up ko. Hindi ko lang alam kapag lumabas na ang baby. Gustong gusto ko ilagay ang name nya sa birth certificate ng anak namin pero un nga. Hindi pwede. Nung una nalulungkot ako isipin na walang kalalakihang ama ang anak ko, pero habang tumatagal unti unti ko ng natatanggap at parang mas masaya naman kasi bawas stress at nakasupport naman ang family ko sa amin ng baby ko.
Magbasa paHi mommy! Sa una palang ba alam mo na may kinakasama sya? O nalaman mo nalang nung mahal mo na sya? Kasi kung oo majjudge ka talaga. Galing ako sa broken family, masakit sa part ko na iwanan at ipagpalit kami ng tatay ko sa ibang babae pero hindi ko sila jinudge kaya hindi din kita ijjudge. Pero sana, hangga't kaya mo iwasan mo or papiliin mo yung lalaki. Hindi pwede habang buhay dalawa kayong babae nya. Babae ka din, ikaw nga nasasaktan kahit pangalawa ka lang eh paano pa kaya sya na yung una talagang kinakasama? Hindi na maibabalik yung panahon dati kahit anong sisi mo sa sarili mo. Ingatan mo nalang anak mo, magipon ka sa mga binibigay nya sayong pera o kung walang binibigay manghingi ka ksi dadating yung time na iiwanan ka nya at pipiliin nya yung una nyang kinakasama. Nawa'y maliwanagan ka sa mga nangyayare sayo. Magpray ka din para maging okay ang baby mo. Godbless!
Magbasa paNasa huli ang pagsisisi... Ngayon ang anak ang magdudusa sa kasalanan ng kanyang magulang... Hindi ka nakakaawa. Sa umpisa palang alam mo ng mali pero pinagpatuloy mo pa. So, magdusa ka. Iba na ang legal wife ngayon, kung dati kinakayan kayanan lang ng mga kabet ibahin mo na ngayon. Iba na ang tapang ng legal wife ngayon. Kaya hanggat maaga putulin mo na yang kahibangan mo. Kasalanan sa Diyos yang ginagawa mo/ninyo hanggat maaga magising ka na dapat sa katotohanan. Ilagay mo ang sarili mo sa legal wife, kung ikaw ang legal wife papayag ka ba na may kahati ka? Mag-isip isip ka sis hindi pa huli ang lahat. Boti sana kung aawayin ka lang eh paano kung aawayin ka sabay sa paghihimas mo ng rehas sa kulungan. Kahit buntis ka makukulong ka. May kilala ako buntis na nakulong. Ayon nanganak sa kulungan. Kung may respeto ka pa sa sarili mo gawin mo kung ano ang tama.
Magbasa paMahirap talaga yan.. Ngayon 2 kaming nabuntis ng bf ko. Na una lang ako sa isa, pero di ako pinapabayaan ng bf ko.. Ewan ko kung bf pa bang matatawag yun, kasi the other day bakipag hiwalay na siya so iniisip ko ngayon yung pagiging caring niya is sa baby lang yun, kasi di niya din matatalikuran yung isa pa niyang nabuntis although sabi niya hindi niya kinokontak or di na sila nag uusap, pero doubt pa din ako alam kong nag kokontakan pa sila kasi yun ang nararamdaman ko, kaya ngayon pinipigilan ko na sarili ko, oo mahal na mahal ko siya, gusto kong maging buo kami, gusto kong mabigyan ng buong pamilya yung anak namin, pero kung ayaw niya na sakin wala akong magagawa kundi ilet go siya. Masakit oo, pero kinakaya ko para kay baby, minsan naiiyak pa din ako kasi hanggang ngayon i still love him that much.. Bahala na kung san kami dalhin ng kapalaran naming dalawa.
Magbasa paHindi reason yung mahal mo, una sa lahat hndi mo agad mamahalin ang isang tao sa loob ng ilang bwan lang. Bago maging kayo alamo na kabet ka lang, sana naisip mo yung risk at nagingat kayo. Hindi na pangungunsinti sa pagiging kabet mo pero for the sake of yourself nalang din, didn't you realize back then kung ano mangyayare if mabuntis ka? Anjan na yan, panindigan mo pagiging ina mo alagaan mo sya at wag kang magkaroon ng thinking na porket may anak kayo eh may karapatan kna dun sa lalake. Masakit dn para sa part ng totoong asawa nya na ganyan ang sinapit mo, imagine yung asawa mo nakabuntis ng iba. Para lumuwag sa pakiramdam mo, sabhin mo yung totoo sa magulang mo. Mas maganda mag buntis ng walang iniisip, walang pinoproblema. Palakihin at ipaintindi mo nalang sa baby mo yung situation nyo and don't mind kung ano man sasabhin ng mga kapitbahay nyo.
Magbasa paHello mommy, super mali po tlga ung ginawa nyo.. lam mo yun, ngpakatanga ka sa isang lalaking my asawa.. mhirap tlga ung situation mo mommy lalo na kung mhal na mhal mo yung lalaki.. Lam mo momsh, advise ko lang po ha.. sabihin mo sa pamilya mo ung totoong situation mo kahit ano pa yang ngyari sayo willing clang i accept ka kasi family mo cla..at the end of the day, pamilya mo pa rin ung dadamay sayo. momsh, habang hindi pa alam ng asawa ung relasyon nyong dlawa itigil nyo na po yan. itigil nyo na po ung pkilipgkita nyo sa knya. ilaan mo nlng lahat ung oras mo sa anak mo. Mommy, mkakalimutan mo rin xa mrami nmn jang lalaki na willing tumanggap kahit my anak kna. Pagpray nyo po yan. Godbless mommy. Stay safe always, please lng po mhalin nyo c baby at ipafeel nyo tlga xa knya na mhal na mhal nyo po xa.. Blessing po yan. Godbless po
Magbasa paFace the consequences as early as now..soon marerealize mo na mali na nagcontinue/magcontinue ka pa jan. Much better kung umuwi ka sa inyo, tell your parents the real situation of yours then let them protect you as early as now. Don't feel somehow proud na kht papano ay may konting oras pa sya sayo dhl kung nasa maayos kang pagiisip ngaun ay alam mo sa sarili mo na hindi mo deserve ang ganyan. Nagkamali ka na, then stop your relationship with the guy. Maawa ka sa naunang pamilya, if time comes man na ikaw piliin nya..hindi rin malabo na mangyari sayo ang nagawa na nya sa nauna nyang pamilya. Start changing your faith as early as now. Much better to inform the wife, if you can't..lubayan mo na lang ang nasira mo ng pamilya bago ka masabihan ng lahat maging ng pamilya mo na ikaw ay isang kirida.
Magbasa paHindi dahilan na mahal mo ang isang tao, kahit mali, magiging tama na. Alam na alam mo sa sarili mo mommy na mali yan simula pa lang. Pero ang bata, blessing yan. Sa totoo lang, kung ako asawa niyang boyfriend mo, oras na malaman ko yan, hindi ko hahayaan na kahit singkong duling magbigay pa siya sayo. Kaya mommy kung ako sayo, aminin mo na sa pamilya mo yan. at the end of the day, sila lang makakaintindi sayo. Ingatan mo anak mo. Kakayanin mo yan mag isa. Itama mo ang mali mo habang maaga pa. Pwede ka makulong sa ginawa mo. Galit talaga ako sa mga kabit, dahil napaanak ako maaga ng nalaman ko may kabit asawa ko habang buntis ako. Galit ako sa mga taong alam na mali, irarason nagmamahal lang sila. Wag ka sana maging dahilan para makasira ng pamilya. Tigilan mo na yan mommy. Be strong, para sa anak mo
Magbasa pa