please don't judge me...
Alam ko isa aqng masamang babae dahil pumatol aq sa lalakeng may kinakasama na alam ko mali ang ginawa ko peru mahal ko sya ee at lalu na nagbunga ang relasyon namin alam kong mali aq at naawa aq sa magiging anak ko dahil hndi ko puede ilagay ang pangalan ng tatay nya sa birth certificate at pinupuntahan nya lang kami kapag may oras lang sya masakit peru para sa baby na nasa tyan ko kinakaya ko ang hirap din magsinungaling sa mga tao sa paligid ko na mayroon aqng masayang pamilya peru ang totoo ito aq inupa nya aq ng bahay alam ng parents ko masya aq at alam nila na mayroon aqng normal na relasyon kasu ang hndi nila alam kabet lang aq na kung kailan lang pupuntahan ayun lang.. ang sakit ng nararamdaman ko ngaun peru wala anqng magawa ito ang ginusto ko ang hirap... Kung maibabalik ko lang ang panahon hnding hndi ko na papasukin ang ganito
hello mommy... I won't judge you mdali lang kasi magsalita kpag wala ka sa sitwasyon na yun...walang taong perpekto...but it doesn't mean I will agree...you still have a chance pra mkawala sa hindi tamang relasyon...isipin mo lang babae ka din may anak sila magkakarun kana ng anak..gusto mo ba ganyan sitwasyon ang mamulat sa anak mo? ayaw mo ba ng isang guy na tlgang matatawag mong sayo lng?ayaw mo ba ng normal at masayang pamilya? sabi mo nga naaawa ka sa anak mo then do something nd totoong wala kang mggawa merun kong gugustuhin mo mommy 🙂 hindi mo na maibabalik...pero pwede mo pa din itama..ikaw lang makakatulong sa sarili mo...nd yn madali lalo kung mhal na mhal mo yung lalaki...pero kung mhal mo anak mo at sarili mo makakaya mo 🙂 and don't forget to pray..always pray...🙂
Magbasa pabetter na sabhin mo yan sa family mo sis mahirap sarilihin yan lalo na buntis ka di habang buhay nasa tabi mo yang lalaki na yan sa totoong asawa parin nya yan uuwi, nagkamali kana its time na itama mo na yung pag kakamali mo hiwalayan mo alam ko mahirap para sayo kasi mahal mo pero hanggang kailan sis.. gusto mo ba lumaki anak mo na ganyan ang set up nyo? mas gaganda buhay ng anak mo kung nasa side sya ng family mo kasi sa huli pamilya mo parin ang tutulong sayo at makakaintindi sayo magulang kana kaya mas isipin mo ikakabuti ng anak mo.. wag mo iasa ang future mo at ng anak mo sa taong di ka sure be brave para sa anak mo.. wag mo na lalo pahirapan sarili mo.. tao ka nagkakamali pero itama mo na lahat. Have faith walang impossible kay lord.
Magbasa paMalaman ko lang may babae at nabuntis sya ng asawa ko, maghimas sila parehas ng rehas 😡. Ate hanggat di pa alam ng asawa nia itigil nio na po yan, hiwalayan mo na ung lalake tumayo ka sa sarili mong mga paa kakayanin mong itaguyod ang anak mo mag isa wala namang imposible basta masipag at matiyaga ka lang. Mahirap yang sitwasyon mo, sa totoo lang galit ako sa mga ganyan di ko pa naman nararanasan pero masakit yan sigurado lalo sa asawa. Di ako naaawa sayo kase unang una ginusto mo yan at alam ko alam mo kung anong consenquences meron sa pinasok mo. Ang pinaka malalang kahantungan mo makulong ka pag nalaman ng asawa nia yan, malaki ang ebidensya dahil buntis ka pa tsk. Kaya hanggat di pa alam at di pa nagkakagulo tama na, itigil mo na.
Magbasa paKaya andaming nasisirang pamilya, dahil sa mga katulad mo na ang hilig ay makisawsaw sa sawsawan ng iba. Ang sama pang na alam nang may asawa n, pumatol pa. Kawawa ang pamilyang pwedeng masira ng dahil sayo. Kawawa ang batang pwedeng mawalan ng ama dahil sayo at lalong mas kawawa ang anak mong lalaki n walang ama kung d mn din ikaw ang pinili sa kadahilanang may unang pamilya siya. Sabi nga, NASA HULI ANG PAGSISISI kaya sana maging lesson yan. Masyado ka kasing malandi! Bat ba kc sa may asawa ka pumatol?? Ang dami-daming walang asawa jan at matino kung gusto mo rin lng ng matinong pamilya,d sana una palang naisip mo na yun. Dapat sa mga kagaya mong higad, tinitiris!
Magbasa paAlam mo ang best na gawin mo kung ano? Hiwalayan mo ang lalake and then magfocus ka sa anak mo. Itigil niyo na yan! Itigil niyo na ang panlolokong ginagawa niyo sa asawa nung lalake at mga anak (kung meron man). Kawawa sila, hindi mo b naisip yun?? Kung ikaw ang malagay sa posisyon nung babae, papayag kbang may kabet ang asawa mo?? hindi dba? Alam mo nman cguro feeling ng maloko dba? Kaya wag mong gawin sa kapwa mo, ang ayaw mong gawin sayo ng iba (well ginawa mo na e , tpos na). Alam mo nman n tlaga kung ano dpat gawin eh! Hays ikaw lang mismo ang nagpapahirap sa sarili mo ng dahil sa mga mali mong desisyon.
Magbasa paAlam mo mommy. Nagawa mo na eh, anjan na rin yan kaya panindigan mo c baby mo. Pwede ka pa naman magbago, its never too late po. Focus na lang po sa baby mo and kung maaari wag mo na patulan ang lalake kasi may asawa na, alam mo yan sa una pa kaya tigilan mo na. Ngayon ikaw ang masasaktan. Makakakita ka rin ng lalake para sayo mommy, na mamahalin ka ng buong buo at kayo ng baby mo. Trust in God's timing. At wag kalimutan humingi ng tawad kay Lord sa mga mali na nagawa mo. Basta wag mo na ulitin mommy. Lakasan mo loob mo at iwanan mo na c lalake kc may asawa na. Ingat po and God bless.
Magbasa paMasakit sayo ang situation mo? Paano pa ung asawa ng lalaki kinabit mo sa tingen mo hinde mo siya nasaktan? Anoman ang sakit na dinanas mo ngayon ay DESERVE MO pero ung asawa ng lalaking kinabit mo ay hinde niya Deserve na masaktan! Alam mong may asawa pinatulan mo pa! Nanira ka ng Relation! At nanakit kapa ng kapwa mo babae! Kung may kunsensiya kapa at RESPETO SA SARILI, layuan mona ang lalaki na yan, hayaan mo sila ng asawa niya! Buhayin mo magisa yang anak mo!DESERVED mo ang anumang hirap pinili mo yan! Iwan ko nalang kung ano gawin sayo ng asawa niya. Goodluck!
Magbasa paYou put yourself in the position of judgement. Ayaw mong mahusgahan pero kahusga husga ka. Alam mo naman palang mali bakit tinuloy mo pa? Maawa ka wag lang sa magiging baby mo. Maawa ka sa pamilyang unti unti mo ng sinisira. Maawa ka sa mga batang mawawalan ng ama dahil sayo. Maawa ka sa babaeng mawawalan ng asawa dahil sayo. Bago kapa dumating sa buhay ng lalaki na yan, nauna na sila. Nandun na sila. Pamilya na sila. Sana lang inisip mo din, pano kung ikaw ang nasa kalagayan ng legal na pamilya? Wag kang pa-victim teh. MALI KA. umpisa palang MALI KA.
Magbasa pahays sis hirap ng sitwasyon mo.. pero mainam mag open ka sa family mo, sila higit makakaunawa sayo..about ke guy basta magkaron kayo kasunduan bout sa sustento at ndi nya kayo dpt pabayaan ng magiging anak nyo.. basta dpt may kasunduan para kahit panu may habol ka, bawi ka nlng pagkapanganak mo.. magsariling sikap ka kase ndi habang panahon masusuportahan ka nyan lalo may kinakasama na pala sya.. pakatatag ka sis wag ka mawalan pag asa, iwasan mo magpakastress para ke baby.. magpray ka palagi iiyak mo lahat ke lord at sana maging aral ndin yan sayo.
Magbasa paPareho tayo sis ng sitwasyon naging kabet din ako, At nag bunga yun. Pero tao lang namn tyo eh nagkakamali walang perpekto sa mundo. Yung samin naman pinutol ko na wala ng communication wala na lahat at ayuko na din, Wala na din nman ako pakialam. Basta akin nalang paninidigan ko kung ano yung ginawa naming dalawa mahirap oo pero kakayanin. Kung ako sis tigilan mu na yan. Walang magandang maidudulot sayo at sa anak mo at hinding hindi ka magiging masaya isipin mu nalang yang anak mo. Mag icip ka sis. Habang hindi pa huli ang lahat.
Magbasa pa