ako lang ba

Ako lang ba dito yung in good terms naman with my partner/LO's dad pero parang di mo dama? Parehas kaming may trabaho, mas malaki pa sahod niya sa akin pero gastos ko lahat simula nung nabuntis ako (vitamins, lab, ultrasound, vaccines, etc.). Ngayong malapit na ako manganak, gastos ko pa din lahat, mga damit at gamit ng baby + hospital needs. Yung sahod niya kulang pa sa luho niya, inom halos every other day/weekend. Bibigyan niya akong pera pero ang bagsak ibabalik ko din kasi wala na siyang allowance papasok sa work. Minsan ako pa nagbibigay ng pera sa kanya para di na siya mangutang sa iba. Putek, di nga ako makabili ng isang pirasong branded na t-shirt pero siya naka penshoppe, bench, etc. Name it. Nung bumili kami ny gamit ng baby at sobra yung allowance ko for that haul, ginamit niya pa pambili ng sapatos at damit niya. Recently, sabi niya sa akin masususpend daw siya sa trabaho. Crib na nga lang pinabili ko para sa anak niya mukhang mauudlot pa. Akala ko magbabago nung nabuntis ako, lalo pang lumala. Di ko na alam gagawin. Nasa point na ako na ayoko na. Nakakapagod na. Ang bigat-bigat na niyang dalhin. Di naman ako takot na iwanan ako or whatever kasi kaya ko naman mag provide para sa baby ko. Nakaka bwisit lang kasi may mga lalaking di kayang maging better at di kaya magkusa na magbago.

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi momsh! I feel you. Ganyan din ako dati. Pero nainis na ako pansin ko ako lang lagi nagastos. Porke sinabi ko sa kanya na ayoko pagaawayan ang pera. Aba matindi! Di nga nagaabot ang depungal! Ang ginawa ko inunti unti ko siyang sabihan na need ng ganito, bakit di ka nagbibigay? Bakit ganito bakit ganyan? Dami reason niya! And matindi, di daw ako marunong magbudget! Sabi ko, wow ha pano ko magbabudget eh wala kanamang binibigay! Then kinasal kami this Dec lang. Una kong sinabi sa kanya, ayoko pagawayan natin ang pera. Wala na ako work kasi im on my leave. So meaning wala na akong pera. Sabihin mo sakin lahat ng gastos mo at lahat ng utang mo ayoko ng patago tago ka pa. At karapatan ko malaman lahat yun since iisa na lang tayo. Start non momsh sabi niya sakin na ang atm niya at ako na hahawak nun. Hahaha. Sorry momsh napakwento. 😅Pray ka lang momsh. Kung di magbago saka mo iwan. Hehe joke.

Magbasa pa

Dpt ung mga gnyang bagay mamshh.. Pnaguusapan nio.. Wla nmn nde nda2an s usap..qng ngyon plng gnyan n xa pnu p pg lmbas anak nia.. Mgndang alm nia dn ung side mo.. Gnwa nyong dlwa yan.. Eh dpt hrpin nio dn prhas yan ng mgksma.. I min eh mgpakaama xa s anak nia.. Bka feeling nia p rn bnata xa.. Dpt mlmn nia s srli nia my responsibility n xa blang asawa o ama mnlng ng anak nia.. Qng mgddcyd k na Iwan xa lyk wt u sed kya mo nmn.. Pkaicpin nio ng mbuti qng mkkbuti b un o mkksma.. Buti nlng ung partner q nde maluho.. At nde rn mdlas pomorma.. Pgdsal mnlng ang lhat bka skli mgbgo p xa.. Kht nde n ikw Icpin nia khit ung anak nlng nia.. Kwawa nmn c baby qng pglbas nia gnyan mkkgisnan yang ama..

Magbasa pa

Wag mo kasi sanayin. Hayaan mo sya gumastos para sa mga needs mo and anak nyo. Obligasyon nya yun kasi in the first place you don't really have to work. You just have to take care of the kids, right? Pero nagkataon na may work ka, kaya nakakatulong ka sakanya. Yung makukuha mo sa work mo, savings nyo nalang or pambili mo ng needs mo din na hindi nya nga mabili sayo. Kausapin mo sya ng maayos kasi hindi naman forever may trabaho kayo. It's for the kids as well. Kasi kun ganyan ang mind set nya masyado yang immature. Kailangan kausapin mo sya.

Magbasa pa

Alam mo ma, sa first born ko. Buntis ako grabe complications ko. Strictly bawal intercourse. Nahuli ko sya na nag hahanap na pala sya ng somebody makakasex nya kasi hindi nya ko magalaw. Mga gantong bagay ma, marami pa tayong pagdadaanan. Try to hold on to your marriage. For all you know, this is part of God's plan. There will always be pain before we become victorious. Minsan ginagamit ni God ang mga situation to both teach you something. Things may not happen according to your plan. But believe God is in control. ♥️♥️♥️

Magbasa pa
5y ago

Umabot ako sa point na ubos na ubos na ko and I got no choice but to run to him God (ang sama ko, dun lang ako tumakbo nung kailangan ko na siya). I Surrendered all my heartaches to him and said your will be done nalang Lord and yes indeed nagbago asawa ko. Hindi sa pagiging martir but its a commitment we made kay God when we got married na for better or worse we will be there for each other. Lets not put all the blame sa partner natin. For all we know may pagkukulang din tayo bilang asawa. May mga marriages who took decades bago nila naayos, hindi tayo nagiisa. It will always be God's plan and timetable that will prevail. Idaan sa mabuting usapan ma. 😊 minahal mo yan pinakasalan mo yan, look on the brighter side of your husband. Kill him with kindness and sya mismo makaka realize. "Mahal na mahal nga talaga ako ng asawa ko, hindi nya deserve masaktan" 😊 cheer up mommah ♥️

Usap kayo mommy, yung masinsinan talaga. After that kung ganun parin, it's time for you to decide. You seem independent naman e. Mukhang kayang kaya mo na wala sya. Your partner should atleast try to change for you and for your baby. Maswerte ako sa tumatayong ama ng baby ko provided nya lahat lahat. Yung tunay na ama walang kwenta e. Pero d ako magdedemand ng sustento, i have work as well as yung tumatayong ama.

Magbasa pa

Juskopo ! kala ko ako lng yung ganyan . Yung alam nyang meron ka kaya wala syang pkelam mag provide , Sumasahod nga pero kulang pa sa sarili yung cnasahod . nKakawalang gana ! Ang sarap sumuko kesa ganyang lng den yun mkksama mo .. walang kusang mag bgay , mag bbgayy man msama pa loob . Kala ko den mag bbago sya pag nalaman nya na buntis ako , nakoow manganganak na lng ako lumalala pa .

Magbasa pa

Sorry sis pero pabigat po yang asawa mo. Kailangan nyo pag usapan na dapat mag iba na lifestyle nya lalo na d naman na nya afford. Yung mister ko malaki ang sweldo nasa 500k, pero ang damit ay paulit ulit. Ayaw bumili ng damit, sapatos, bag ang dahilan nya may nagagamit pa sya. Hindi maporma ang asawa ko, lagi naka tsinelas at shorts pag nasa mall kami. 😁

Magbasa pa

You seem like an independent woman momsh, and you said it yourself naman na nabibigatan ka na sa kanya. So why not ilet go mo na sya? Pra makapag focus ka sa baby mo at maiwasan din ang stress.. Sa tingin ko mukang immature pa ang partner mo pagdating sa responsibilities at matagal pa yan mag hihinog. Do yourself a favor momsh and let go.

Magbasa pa

Pag usapan niyo pag hndi prin nagbago, iwan mo na. Hindi yan nag iisip, sobrang self-centered ng lalaking yan. Feeling binata pa ang gago, pag binigyan ka ng pera wag mo na ibigay problema niya nayan maghanap ng allowance nya. Bobo kc eh, walang utak hindi marunong mag isip inuuna lang luho, wag mo bgyan ng pera pabayaan mo sya maghanap ng pera.

Magbasa pa

Buti nalang hindi ganyan partner ko. :/ Nakilala ko siya na walang bisyo. At siya na mismo nagsabi sakin na umalis na ako sa work kasi caregiver ako. Stressful, laging short staff at sobrang bigat ng mga matatanda na binubuhat ko. First baby pa namin kaya ayaw niya ako mahirapan. Char.