ako lang ba

Ako lang ba dito yung in good terms naman with my partner/LO's dad pero parang di mo dama? Parehas kaming may trabaho, mas malaki pa sahod niya sa akin pero gastos ko lahat simula nung nabuntis ako (vitamins, lab, ultrasound, vaccines, etc.). Ngayong malapit na ako manganak, gastos ko pa din lahat, mga damit at gamit ng baby + hospital needs. Yung sahod niya kulang pa sa luho niya, inom halos every other day/weekend. Bibigyan niya akong pera pero ang bagsak ibabalik ko din kasi wala na siyang allowance papasok sa work. Minsan ako pa nagbibigay ng pera sa kanya para di na siya mangutang sa iba. Putek, di nga ako makabili ng isang pirasong branded na t-shirt pero siya naka penshoppe, bench, etc. Name it. Nung bumili kami ny gamit ng baby at sobra yung allowance ko for that haul, ginamit niya pa pambili ng sapatos at damit niya. Recently, sabi niya sa akin masususpend daw siya sa trabaho. Crib na nga lang pinabili ko para sa anak niya mukhang mauudlot pa. Akala ko magbabago nung nabuntis ako, lalo pang lumala. Di ko na alam gagawin. Nasa point na ako na ayoko na. Nakakapagod na. Ang bigat-bigat na niyang dalhin. Di naman ako takot na iwanan ako or whatever kasi kaya ko naman mag provide para sa baby ko. Nakaka bwisit lang kasi may mga lalaking di kayang maging better at di kaya magkusa na magbago.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo ma, sa first born ko. Buntis ako grabe complications ko. Strictly bawal intercourse. Nahuli ko sya na nag hahanap na pala sya ng somebody makakasex nya kasi hindi nya ko magalaw. Mga gantong bagay ma, marami pa tayong pagdadaanan. Try to hold on to your marriage. For all you know, this is part of God's plan. There will always be pain before we become victorious. Minsan ginagamit ni God ang mga situation to both teach you something. Things may not happen according to your plan. But believe God is in control. ♥️♥️♥️

Magbasa pa
6y ago

Umabot ako sa point na ubos na ubos na ko and I got no choice but to run to him God (ang sama ko, dun lang ako tumakbo nung kailangan ko na siya). I Surrendered all my heartaches to him and said your will be done nalang Lord and yes indeed nagbago asawa ko. Hindi sa pagiging martir but its a commitment we made kay God when we got married na for better or worse we will be there for each other. Lets not put all the blame sa partner natin. For all we know may pagkukulang din tayo bilang asawa. May mga marriages who took decades bago nila naayos, hindi tayo nagiisa. It will always be God's plan and timetable that will prevail. Idaan sa mabuting usapan ma. 😊 minahal mo yan pinakasalan mo yan, look on the brighter side of your husband. Kill him with kindness and sya mismo makaka realize. "Mahal na mahal nga talaga ako ng asawa ko, hindi nya deserve masaktan" 😊 cheer up mommah ♥️