ako lang ba

Ako lang ba dito yung in good terms naman with my partner/LO's dad pero parang di mo dama? Parehas kaming may trabaho, mas malaki pa sahod niya sa akin pero gastos ko lahat simula nung nabuntis ako (vitamins, lab, ultrasound, vaccines, etc.). Ngayong malapit na ako manganak, gastos ko pa din lahat, mga damit at gamit ng baby + hospital needs. Yung sahod niya kulang pa sa luho niya, inom halos every other day/weekend. Bibigyan niya akong pera pero ang bagsak ibabalik ko din kasi wala na siyang allowance papasok sa work. Minsan ako pa nagbibigay ng pera sa kanya para di na siya mangutang sa iba. Putek, di nga ako makabili ng isang pirasong branded na t-shirt pero siya naka penshoppe, bench, etc. Name it. Nung bumili kami ny gamit ng baby at sobra yung allowance ko for that haul, ginamit niya pa pambili ng sapatos at damit niya. Recently, sabi niya sa akin masususpend daw siya sa trabaho. Crib na nga lang pinabili ko para sa anak niya mukhang mauudlot pa. Akala ko magbabago nung nabuntis ako, lalo pang lumala. Di ko na alam gagawin. Nasa point na ako na ayoko na. Nakakapagod na. Ang bigat-bigat na niyang dalhin. Di naman ako takot na iwanan ako or whatever kasi kaya ko naman mag provide para sa baby ko. Nakaka bwisit lang kasi may mga lalaking di kayang maging better at di kaya magkusa na magbago.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo kasi sanayin. Hayaan mo sya gumastos para sa mga needs mo and anak nyo. Obligasyon nya yun kasi in the first place you don't really have to work. You just have to take care of the kids, right? Pero nagkataon na may work ka, kaya nakakatulong ka sakanya. Yung makukuha mo sa work mo, savings nyo nalang or pambili mo ng needs mo din na hindi nya nga mabili sayo. Kausapin mo sya ng maayos kasi hindi naman forever may trabaho kayo. It's for the kids as well. Kasi kun ganyan ang mind set nya masyado yang immature. Kailangan kausapin mo sya.

Magbasa pa